"Waaahhhhh!! Bhe!!! Ang galing niyo kanina!" ani Jonathan, hanggang ngayon nagtititili parin siya.
"Yung chemistry grabe, walang makakapantay." sabi naman ni Amara habang nasa cellphone niya ang tingin, "Tingnan mo, halos malalakas na hiyawan lang ang maririnig pero grabe ang ganda ng performance niyo kanina." aniya ulit.
Napangiti at napailing nalang naman ako as I remembered the fresh moment earlier.
After that performance ay bumalik kami sa backstage, yung crowd naman ay hindi parin kumakalma, they want another song, pero everyone needs to finish their party sa mga classroom nila at kailangan ko na ring umuwi para makapag prepare para sa Year End Party namin later.
"Nasaan nga pala si Mr poging Asher?" tanong naman ni Jonathan.
"Nasa backstage pa, he's with his band, uuwi rin sila para makapag-prepare kasi he said they will attend as a guest later sa party." sabi ko naman sa kaniya.
"Wow ibang klase alam na alam, hindi na ako ma su-surprise if sa susunod na mga araw mag jowa na kayo." sabi naman ni Amara.
"True lala! Wala ka namang boyfriend, I think wala ring girlfriend si pogi." sabi naman ni Jonathan.
"Hindi tayo sure jan." mahinang sambit ko naman.
Oo nga naman, I don't know if may girlfriend na ba siya o wala, ang assumera ko kasi dahil sa mga text message niya and the way he treats me, hindi ko tuloy alam kung may gf na siya.
"Sige na bhe, see you later nalang, babye na." ani Jonathan, tumango nalang naman ako at kinuha sa kanila ang bouquet ko since sila ang nagdala nito habang palabas kami ng gate.
"Dapat nag pahatid ka kay Asher." sabi naman ni Amara bago mabilis na nagpaalam rin sa'kin.
Asher wanted to drive me home pero umayaw ako since I know busy rin sila and malapit lang naman ang bahay namin.
"Leonna!" Napalingon naman agad ako sa pinanggalingan ng boses.
"Oh, Max?"
"Congratulations, Hindi man tayo pinalad sa hip-hop dance challenge, bawing bawi ka naman sa singing contest." nakangiting niyang sabi.
"Thank you, sayang yung grade 11 yung nanalo." sabi ko naman.
"Okay lang yun first placer parin naman tayo." sabi niya naman.
Ngumiti nalang naman ako, yeah that's right, first placer lang kami sa hip-hop dance challenge yung grade 11 yung nag grand champion.
Nang makauwi ako ay nandon na si mama at yung kapatid ko. Mama was so happy and proud, she congratulates me of course. I know hindi na naman ako tatantanan ni papa ng papuri mamaya pagkarating niya.
Nag stay muna ako ng ilang saglit sa sala bago mag simulang mag prepare. Naligo muna ako syempre at nagpa-ayos kay mama.
May sariling spa and salon si mama kaya hindi ko na kailangan magpaayos sa labas, and I believe my simplicity's already perfect hindi na kailangan ng bunggang bonggang make up and transformation.
When I was almost done at nagsusuot nalang ako ng sandal ay nakarinig kami ng sound ng sasakyan sa labas, I thought si papa pero sinilip ni mama sa may bintana and she found out na hindi pa pala si papa.
"Kaninong sasakyan kaya yan?" rinig kong tanong ni mama habang nakasilip sa may bintana.
Hindi naman ganon kalaki ang bahay naman para hindi marinig ang sasakyan sa labas ng gate, isang silip lang din mula sa bintana sa may sala ay makikita na kung sino yung nasa labas ng gate namin.
Maya-maya pa ay biglang may nag doorbell, pumunta naman ako sa kwarto ko para kunin yung purse ko at si mama naman ay lumabas para tingnan kung sino yung nag doorbell.
YOU ARE READING
Love In December (COMPLETED) [Christmas Special 2022]
Historia Corta/// Christmas Special /// A senior high school student who's too busy spending her spare time watching kdramas, reading novels, online games, and spending a lot of time on social media will suddenly have a month full of surprises and unexpected happ...