CHAPTER 13

95 28 4
                                    

After the giving of certificate sa mga contestants and guests ay nagsimulang mag ingay ang buong audience. It's time to announce the winner.

"It's time to announce our winner! Let's call here on stage our top 3 lovely contenders!" ani ng mc, agad naman akong umakyat sa stage kasama yung dalawang contenders.

"AAAAHHHHHHH!!"
"GRADE 11!"
"GRADE 9!"
"GRADE 12!"
"WAAAAHHHH!!"

"The whole gym's on fire and so excited to know our grand winner, but who will it be?" ani ng mc with matching sound effect pa na nagpapadagdag ng kaba ko.

Nahanap naman ng mata ko sina Jonathan at Amara na nakikisabay sa sigawan ng iba. Napalingon naman ako sa may backstage dahil don ko iniwan si Asher kasama ang ibang SC Officers.

He smiled at me and nodded kaya ngumiti nalang naman ako at ibinalik ang tingin sa harapan.

"Our second placer!" ani ng mc, naging tahimik naman agad ang mga audience. "Our Grade 11 representative-" hindi ko na naiintindihan ang sinabi ng mc kasi naghiyawan na naman ang mga tao.

"AAAAHHHHHHHHHH!!!"
"GRADE 9!"
"GRADE 12!"

"Look like the audience is so excited to know who among this love lovely ladies will win the grand price!"

Hindi parin matigil ang lahat sa kakasigaw, napangiti nalang ako ng makitang nag tatatalon na sina Jonathan at Amara kahit hindi pa naman sinasabi kong sino ang grand winner.

"Tatawagin ko ang first placer, so that means, kung sino yung hindi ko tatawagin will be our grand winner!" rinig kong sabi ulit ng mc.

"Congratulations ate, I know ikaw na ang mananalo." sabi bigla nong grade 9 student na nasa harapan ko, we're both holding each other's hand. Natawa nalang naman ako at umiling.

"Our first placer! Our grade 9 representative!"

"AAAAHHHHHHHHHH!!!!"

Napatakip nalang naman ako ng bibig at yumakap naman sakin yung grade 9 representative as she mumbled congratulations bago pumunta sa gitna to receive her price.

Ako naman at malapad ang ngiti habang natatawa dahil sa ingay at sigawan ng audience kasama si Jonathan at Amara.

Tumingin naman ako sa likuran para tingnan ang reaction ni Asher. He's clapping his hands and smiling. Nag thumbs up siya at tumango, ngumiti naman ako at tumango rin.

"Congratulations to our grand winner! Ms Leonna Guillero our grade 12 representative!" sabi nong mc, lumapit naman ako sa gitna to accept my trophy, bouquet and prices.

"Congratulations, Ms Guillero." sabi nong isang judge na nag bigay ng trophy sakin.

"Thank you po." I said as I smiled at them.

Nang bumaba ang mga nag bigay ng prices sa'kin at yung dalawang contenders ay lumapit naman si Justin sa'kin.

"Congratulations, Leonna!" nakangiti niyang sabi.

"Thank you, Justin." nakangiti ko naman sabi sa kaniya.

"Itabi muna na'tin 'to, kasi kakanta ka pa." aniya ulit at kinuha ang trophy, bouquet at prices sa'kin.

Nakita ko namang ibinigay niya iton kay Asher. Bumalik siya sakin at binigay ang mic.

"Let's go, Leonna." aniya at bumalik sa pwesto niya.

Humarap naman ako sa audience. I can't stop myself from smiling, I guess I'm about to cry if I ain't that strong to hold my tears.

"LEONNA!"
"LEONNA!"
"LEONNA!"
"LEONNA!"

Love In December (COMPLETED) [Christmas Special 2022]Where stories live. Discover now