CHAPTER 5

100 32 2
                                    

"Ano may napili ka na bang kanta?" tanong bigla ni Calissa kaya sinamaan ko naman siya ng tingin dahilan para matawa naman sina Jonathan at Amara.

"Oh kalma, baka saksakin mo pa ko niyang tinidor na hawak mo." aniya at umaatras pa ng kaunti.

Napabuntong hininga nalang naman ako at bumalik sa pagkain.

"Wag mong sabihing mag ba-back out ka?" biglang sabi niya ulit.

"So? Eh sa ayokong sumali eh." bagot na sabi ko naman.

"Bhe sayang! Kung ako lang marunong kumanta, g na g ako!" biglang sabat naman ni Jonathan.
"Ang popogi nong magba-banda!" kinikilig na aniya naman.

"Sino ba yung banda?" tanong naman ni Calissa.

"Hindi namin kilala, pero bhe, ang po-pogi." sambit ni Jonathan.

"Oo te, tatlo lang naman sila, pero I heard wala yung vocalist nila diba?" ani Amara at tumingin pa sa akin, kaya tumango nalang ako.

"So ano nga ang kakantahin mo?" tanong ulit ni Calissa.

"Hindi ko nga alam, okay? Ikaw kasi bwesit ka." ani ko, natawa lang naman siya sa akin.

"Pero need mong makipag coordinate sa kanila diba?" tanong naman ni Amara.

"Oo, until today lang yata." simpleng sagot ko naman.

"Oh eh ano pang ginagawa mo, mag isip ka na ng kakantahin!" sabi ni Jonathan, kaya napairap nalang ako.

"Nandito pa sila sa campus?" tanong naman ni Calissa.

"Maybe, sabi ni ma'am until today lang." sagot ko naman.

"Sa social hall parin?" aniya ulit, nagkibit-balikat nalang naman ako.

"Move like jagger nalang kantahin mo." ani bigla ni Jonathan.

"Stitches nalang." sabi naman ni Amara.

"Yung ano nalang, yung.... ano nga ulit title non." sambit naman ni Calissa, "... basta One Direction yung kumakanta non." aniya.

"Tsss!" Napairap nalang ako at napacross arm. "Kasalanan mo talaga pag mapahiya ako, ililibing kita ng buhay." Natawa naman lang silang tatlo dahil sa sinabi ko kay Calissa.

Tangina talaga, ano namang kakantahin ko nito!

After naming mag lunch ay bumalik na kami sa classroom namin, si Calissa naman ay pumunta sa SC office.

"Leonna, may practice tayo mamayang 1 at general rehearsal sa gymnasium." biglang sabi ni Max ng makarating kami sa classroom.

"Hala oo nga pala bhe, may dance contest ka palang sinalihan." sabi ni Jonathan.

"Iba ka talaga teh, sana all talented." sabi naman ni Amara.

"Sige Max, sabay nalang tayo mamaya, 12:40 palang naman." sabi ko naman.

"Sige sige." tanging sambit ni Max.

Napabuntong hininga nalang naman ako. Baka, pwedeng sumali rin ako sa roleplaying para astig, ang talented mo talaga Leona. Tsk.






L.G. dump @leonnagg  • 1m
        Ang galing, isali niyo nalang din kaya ako sa roleplaying 🙄


Balik twitter si Leonna, gumawa ng dump kasi restricted pa yung original account, hayy buhay...

Nang mag one o'clock ay pumunta na kami ni Max sa gym, saktong pagkarating namin ay magsisimula na ang practice.

The whole choreo's really good, magagaling rin sumayaw yung mga kateam namin. And nag popolish nalang kami ngayon dito sa gym, since dito naman kami sasayaw bukas.

Love In December (COMPLETED) [Christmas Special 2022]Where stories live. Discover now