It's been days already, today's December 12 and busy ang lahat sa pag pra-practice at sa pag pre prepare para sa mga palaro at mga activities para sa upcoming event.
"Leonna, tingnan mo restricted na yung account mo." biglang sabi ni Jonathan habang ipinapakita sa akin ang nasa screen ng phone niya.
"Hayaan mo nalang yan." bagot na sabi ko at ibinaling nalang ang tingin sa mga classmates naming nag pra-practice para sa roleplaying.
"Ilang araw ka na ngang tahimik sa socmed, tapos ne-rereport pa nila yung account mo." malungkot na sabi ni Jonathan.
"Okay lang yan. Pwede ka namang gumawa ng bago, mababawi mo pa yang 1k followers mo promise." sabi naman ni Amara.
Tumango-tango lang naman ako at binuksan ang cellphone ko. Yung Facebook ko tahimik na, wala nang nangtatangkang mag send ng friend request, mag comment sa mga old post ko, at i-share yun, tapos gagawan ng nakakainis na caption.
Pero yung twitter ko hindi ko na binuksan. Yung Instagram ko naman tahimik kasi naka private. Yung TikTok ko naman, wala namang ibang may nakaka-alam non maliban sa mga kaibigan ko, atsaka hindi naman ako nag titiktok, minsan lang kung may gustong sayawin or e content.
"Leonna, may practice raw ngayon." biglang sabi ni Max kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ngayon na?" tanong ko naman ulit.
"Yup, sa rooftop daw, tara na!" aniya naman.
Napabuntong hininga nalang ako at tumayo, "Later nalang guys, may practice daw kami ngayon." sabi ko kay Jonathan at Amara, tumango lang naman sila kaya sumunod na ako kay Max.
Pagkarating namin sa rooftop ay sumalubong agad yung mga ka-grupo namin sa hip-hop na sasayawin namin sa upcoming 3-Days Year End Celebration. Day 1, sa December 14 na, may hip-hop dance challenge kaming sinalihan nina Max.
Hindi nga sana ako sasali kaso pinilit na naman nila ako. Nakakahiya naman, yung leader na nila yung nag-aya sa akin, kaya no choice tayo ngayon. Kesa naman don ako sa singing contest, baka pumiyok pa ako, edi mas lalo akong nag viral niyan.
After naming mag practice ay bumalik agad kami ni Max sa classroom since it's already lunch time. Saktong pagkarating namin ay nag hahanda ng umalis yung dalawa.
"Buti naman nandito ka na, pupuntahan ka nalang sana namin sa rooftop." sabi ni Amara.
"Oo nga pala, may delivery ka pala." sabi bigla ni Jonathan which made me confusedly and curiously stared at him.
"Anong delivery?" agad na tanong ko at pinulot ang bag ko.
"Ewan ko, basta naka box, nandito sakin, wait lang." sabi ni Amara habang may kinukuha sa loob ng bag niya.
Takang tumingin lang naman ako sa kaniya. May inilabas siyang maliit na kulay yellow na box at ibinigay sa akin.
"Ano to?" takang tanong ko.
"Aba malay namin, si kuya guard lang naman nagbigay niyan dito." sagot niya naman.
"Tara na nagugutom na ako, sa canteen mo nalang yan bukas." sabi naman ni Jonathan.
Napakunot noo nalang naman ako at tiningnang mabuti ang box.
Habang naglalakad kami patungo sa canteen ay until unti ko namang tinanggal ang wrapper na nakabalot sa box.
Isang plain white lang naman yung box. Dahan dahan kong binuksan at sinilip ang laman, at isang silver bracelet ang nakita ko.
"Leonna, mamaya na yan." rinig kong malakas na sabi ni Jonathan na nakakalayo na sa akin kasama si Amara.
YOU ARE READING
Love In December (COMPLETED) [Christmas Special 2022]
Short Story/// Christmas Special /// A senior high school student who's too busy spending her spare time watching kdramas, reading novels, online games, and spending a lot of time on social media will suddenly have a month full of surprises and unexpected happ...