Chapter 16

968 37 3
                                    

3RD PERSON POV

"Honey, why are you crying?" Veronica's mom asked her "I will miss Mantha" Malungkot sa tono ni Veronica at parang maluluha rin ito "Oh Sweetheart makikita mo rin siya ulit pag dumalaw tayo rito" Saad naman ng kanyang ama.

"Smile ka na Sweetheart" Ngumiti naman si Veronica "Mommy, Daddy" Tawag pansin nito sa dalawa "When I grow up I want to marry Mantha even though she's a girl can I do that?" Veronica requested making her parents smiled at how Veronica already think of marriage even in a young age.

"You can marry whoever you want Honey... as long as they treat you well we are approve of it"

"Your Mommy is right Sweetheart follow what your heart want"

"Thank you Mommy and Daddy"

"Matthew!" Sigaw ng Ina ni Veronica ng may makita siyang truck na paparating sa harapan niya, iniwasan niya ang truck pero nabangga naman ito sa isang poste.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Mama tignan mo oh!" Tawag pansin nito sa kanyang Ina nasa isang barko sila papunta sa isang isla para magbakasyon "Ang ganda!" Mantha said amazed by the sight of the dolphins swimming and doing some tricks.

"They are Mantha" Her mom said while smiling "Kung nandito lang si Nica maamazed rin siya sa ganda" Bulong nito sa sarili then starts raining "Let's go inside na Mantha baka magkasakit ka" Tumango naman si Mantha sa sinabi ng kanyang Ina at pumasok na sila sa loob.

"Sir Luis, may balita po na may malakas na bagyong darating!" Saad ng isang crew sa barkong sinasakyan nila "Bakit hindi niyo agad ito nabalitaan?!" Galit na sigaw ng Ama nito.

Niyakap si Mantha ng kanyang Ina "P-pagpasensyaha niyo na po s-sir Luis"  The crew apologized "Pwede tayong mapahamak kapag lumakas ang agos ng tubig!" Sigaw ni Luis habang ang crew ay nakayuko lang dahil sa takot.

"Kailangan niyong maghanap ng isang isla na malapit rito at doon muna tayo hanggang tumula ang ulan"

"Bilisan mo na!"

The crew nodded and bow down as he left the room to announce it to his other crew workers.

"Papa.... ano pong nangyari?" Tanong ni Mantha napatingin naman sakanya ang Ama at lumapit ito as he kneed down and smiled at her "It's nothing Lou.... want to play?' Tumango naman si Mantha at ngumiti.

Tumayo si Luis at akmang bubuhatin si Mantha ng bigla tumunog ang alarm ng barko at lumakas ang pagyanig ng barko "Luis, anong nangyayari?!" Tanong ng asawa nito "Sir Luis, lumalakas na po ang agos ng tubig!" Saad ng isang crew.

"Then do something!" Galit na sigaw ni Luis at binuhat si Mantha na umiiyak na "Papa" Iyak na saad nito "Wag ka umiiyak Lou magiging okay tayo" Pagpapatahan nito sakanya at niyakap ng mahigpit ni Mantha ang kanyang Ama.

Dahil sa malakas na agos ng tubig at malakas na ulan ay hindi makontrol ng piloto ang barko hanggang mabangga ang barko sa isang laking bato dahilan upang makapasok ang tubig sa loob.

"Sir we have to leave na po!" Sigaw ng isang crew at dali dali silang umalis "Papa, my bracelet!" Sigaw ni Mantha ng mahulog ang binigay na bracelet sakanya ni Nica "We don't have time Louise!" Pero hindi nakinig si Mantba at bumaba sa pagkakabuhat sakanya ng Ama.

Nang makuha niya ang bracelet ay hindi niya napansin na may paparating na malaking alon sa harapan niya "Louise!" Tanging sigaw ng kanyang mga magulang bago siya matangay ng malakas na alon.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

"Teresita!" Sigaw ng isang matandang lalaki "Teresita buksan mo ang pinto!"  Dali dali naman binuksan ng matandang babae ang pintuan.

"Jusko Pedro kaninong anak yan?" Gulat na saad nito ng makitang may bitbit na bata ang kanyang asawa "Nakita ko siya sa dalampasigan" Saad ni Pedro at inihiga sa kama ang bata "Kay gandang bata naman nito" Saad ni Teresita at tumango naman si Pedro.

"Mukha siyang mayaman Pedro"

"Alam ko dahil sa kutis palang niya at kanyang damit at may nakita rin akong hawak niyang bracelet"

Kinuha ni Pedro iyon sa bulsa niya at binigay sa kanyang asawa "Ano kayang pangalan ng batang ito?" Saad ni Teresita may napansin naman siyang isang necklace sa leeg ng bata at tinignan iyon may nakaukit na pangalan na maliit na letra.

"Louise Samantha Monteclaros"

"Kay gandang pangalan" Saad ni Pedro kay Teresita "Pero kailangan natin siyang ibalik sa kanyang mga magulang" Sambit ni Pedro "Pedro diba eto ang inaasamsam natin na magkaroon ng anak" Saad naman ni Teresita at hinaplos ang mukha ni Mantha.

Matagal ng inaasam ni Pedro at Teresita ang magkaroon ng anak pero laging bigo ang dalawa hanggang sila ay tumanda na ay wala pa rin silang anak.

"Pero Teresita may magulang ang batang yan at sigurado akong hinahanap na siya ng kanyang tunay na magulang" Pagpapaliwanag ni Pedro.

"Pedro, pagbigyan mo na ako dahil matagal ko ng inaasam ang magkaroon ng anak at mayakap ito at tatawagin akong Inay" Pagmamakaawa ni Teresita sa kanyang asawa wala naman magawa si Pedro kung hindi tumango at sumang-ayon sa desisyon ni Teresita na ikinangiti naman nito.

Pinagmasdan nila si Mantha habang hinahaplos haplos ni Teresita ang mukha nito.


*****************



From YAYA to BABE (G×G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon