Chapter 23

913 41 0
                                    

LOUISE SAMANTHA MONTECLAROS

"Bakit ako pinapatawag ng magulang ni sir Ivan?" Takang tanong ko kay Veronica nagdradrive papunta sa mansion ng magulang ni sir Ivan, tumawag daw ang dalawa at gusto akong kausapin kaninang umaga lang.

Nathan is with us right now sitting at my lap playing with his toy.

"You'll find out when we get there" Seryosong sagot nito kita sa mukha niya ang pagkaseryoso nito at medyo parang nagiisip ng hindi ko alam kung ano.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa mansion, bumukas ang gate ng mansion and the guard greeted Veronica at ngumiti lang ito, unang lumabas si Veronica at pinagbuksan ako ng pintuan inalalayan niya si Nathan bumaba.

Nakababa na rin ako at nakita ko na binigay ni Veronica ang kanyang susi sa isang lalaking hindi ko alam kung saan sumulpot.

"Let's go?" Anyaya ni Veronica tumango naman ako at hinawakan ang kamah ni Nathan.

Pagkapasok naman we are greeted by a maid at sinabi na nasa dining room daw ang mag-asawa, pumunta kami ron "Lola!" Masayang bati ni Nathan at niyakap ang kanyang lola hindi ko mapigilang mapangiti.

"Hi, Ma" Saad ni Veronica at nakipagbeso sakanya "Hi po" Saad ko naman ibinaba niya si Nathan at pumunta sa akin at niyakap ako na ikinagulat ko naman tumingin ako kay Veronica na umiwas ang tingin.

Kumalas na ito ng yakap ngumiti lang ako ng konti dahil naguguluhan pa rin ako "Sorry, kung bigla bigla lang kitang niyakap" Pagpasensya nito "Hindi ho okay lang po" Magalang na saad ko.

Inaya niya kaming kumain muna ng lunch and we agree, medyo nakakashock lang kase they ask me some personal questions pero they say na okay lang kung hindi ko sagutin yon gusto lang daw nila akong makilala pa.

Pagkatapos namin maglunch pumunta kami ni Veronica sa sala kasama ang mag-asawa si Nathan naman ay nakikipaglaro sa mga kasambahay sa labas ng mansyon "Hmm.... pwede po ba akong magtanong?" Hindi ko na mapigilan pang hindi magtanong dahil curious na curious na talaga ako sa pagtawag nila sa akin.

"Sige Hija"

"Bakit niyo po pala ako pinatawag? Nacucurious lang po ako" Magalang na tanong nagtinginan naman ang dalawa may pinatawag si Luis who was sir Ivan's father at may dumating na isang lalaki at may binigay na nakaenvelope sakanya.

"We call you because we want to tell you something and give you this" Saad ni sir Luis at binigay sa akin ang envelope sumulyap ako kay Veronica at kinuha ang envelope.

"Ano po ito?"

"Open it to see what inside"

Naguguluhan naman pero binuksan ko ito then starts reading it.

It's a DNA test pero bakit nila binigay sakin toh?

While reading it I was froze on my spot hindi makapaniwala sa mga nakasulat lalo pa akong na shock sa '99.9%' positive.

Ibinaba ko ang papel at tumingin sa mag-asawa "A-ano ibig sabihin nito?" Naguguluhan na tanong ko they didn't reply "It's a DNA test between you and them" Sagot ni Veronica napatingin ako sakanya.

"P-ero bakit may ganito? A-nong ibig sabihin nito Nica naguguluhan ako?" I was still confused about what I just read and what Veronica just said "Louise...." Biglang tawag sa akin tumingin naman ako sakanila.

"W-we are your real parents Louise"

Ma'am Maria said and starts to cry "A-aglit pero paano? Meron akong mga magulang" I can feel my eyes starts to blurred "Oo meron ka pero kami ang tunay na magulang mo Louise... the necklace you are wearing the day I ask you about it don ko napagtanto na yun ang kwintas na binigay namin sayo nung 5th birthday mo" Paliwanag ni ma'am Maria.

"It has your full name on it... you are our only real daughter Louise maniwala ka sa amin... kay tagal naming inasamasam na makitang muli at makasama ka and now you are here and the DNA we did is real Louise hindi kami nagloloko tungkol sa DNA test if you want pwede natin siyang ulitin" Naiiyak na saad nito.

Nararamdaman ko ba rin na umiiyak na rin ako "P-pero papaano hindi ko kayo maalala?" Tanong ko sakanila "May nangyari sa barko na sinasakyan natin... may malakas na ulan at malakas na alon... sabi ng crew na we have to go na at umalis sa barko dahil delikado na kung magtatagal pa rin tayo don then the bracelet na binigay sayo ng kaibigan mo nahulog iyon bumaba ka sa pagkabuhat ng Papa mo at kinuha ang bracelet at don ay natangay ka ng malakas na alon.... that's maybe cause you to not remember us" Malungkot na kwento nito.

Then naalala ko yung naging vision ko sa beach nung umuulan the story she said at yung vision ko ay connected.

Natahimik ako dahil nagsinungaling sa akin sila Inay at Itay na sila ang mga magulang ko at pinaniwala nila ako.

May nararamdaman akong humawak sa kamay ko and squeeze it gently alam ko kung sino iyon "May vision ako sa kwinento niyo ma'am Maria... kaya po pala parang ang strange nung vision ko kase nangyari talaga iyon sa akin" Bigla kong paliwanag mas umiiyak pa ito sir Luis rub her back calming her down.

"Louise.... sobrang saya namin na nahanap ka namin.... you don't know kung ilang taon kami naghihintay na bumalik ka sa amin anak" Naiiyak na saad ni sir Luis dahil sa sinabi niya ay naiiyak na rin ako "I know you are shock about this news pero we are hoping na makilala ka pa namin and make it up to you sa mga taon hindi ka namin nakapiling anak" Saad naman ni ma'am Maria.

Natahimik naman ako dahil iniisip kong komprontahin sila Inay at Itay sa natuklasan ko at sa pagsisinungaling nila sa akin.

"Gusto ko rin ho yun pero kailangan ko muna po makausap ang mga magulang ko sa probinsya" Magalang na saad ko tumango naman sila "We understand that pero I hope na makasama ka namin at makabonding" Saad ni sir Luis ngumiti ako at tumango.

"Can we hug you anak?"

"Sige ho" Tumayo ako at lumapit sakanila they but hug me naramdaman ko ang saya nila sa pagyakap nila sa akin kumalas rin sila sa pag kayakap sa akin "Thank you Veron" Biglang saad naman ni ma'am Maria napatingin ako kay Veronica "You're Welcome" Ngiting saad ni Veronica.

Nagtagal pa kami sa mansion pero gumagabi na at kailangan na namin umalis gusto pa nila sir Luis at ma'am Maria na magstay nalang kami dito pero tumanggi si Veronica dahil may pasok pa siya bukas and also Nathan.

Veronica is now driving while Nathan naman is already sleeping at the back seat I look at Veronica "Alam mo pala pero hindi mo sinabi sa akin ka agad" Bigla kong saad napatingin naman siya sa akin tapos binalik ang tingin sa kalsada.

"I'm not the person to really say it to you dahil hindi naman ako ang magulang mo" Biro pa nito I rolled my eyes naman natahimik naman kami ilang sandali pa ay nagsalita ito.

"So, uuwi ka ba sa probinsya niyo?" Tanong niya "Oo, kailangan ko makausap sila Inay at Itay tungkol don..." Sagot ko naman tumango tango ito.

"Kailan naman?"

"Baka sa Friday pagkatapos kong sunduin si Nathan sa school"

"Can I come with you and also Nathan?" Bigla namang tanong nito dahilan para mapatingin ako sakanya "I just want to, you know makilala kung sino ang mga taong nagalaga sayo sa mga panahong nawalay ka kari Mama" Paliwanag nito.

"Sige, I think matutuwa sila Inay at Itay don nakwekwento ko kayong dalawa ni Nathan sakanila at gusto nila kayong makita sa personal" Nakangiting saad ko "Good to know and I want to see kung sino yung mga nanligaw sayo don kung pogi ba sila" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Baliw" Hinampas ko naman ito nakinatawa niya gustong gusto niya talaga akong inaasar walang araw na inaasar ako ng babaeng ito.

















°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Malapit na rin malaman ni Veronica kung sino ang batang nasa vision niya :)

- JAI

From YAYA to BABE (G×G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon