06

140K 1.6K 1.1K
                                    

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!


























⚠️WARNING: R-18. MATURE CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. PROCEED WITH CAUTION.⚠️

Yups, I know, stop smiling bij HAHAHAHA. Oh, tama na ang pagngiti. Baka mapunit pa ang labi mo HAHAHA.

TAHIMIK kong sinusulyap-sulyapan si Riez habang nagbabasa siya ng mga natitirang kontrata. Nasa backseat kaming dalawa at si Manong Rogelio ang nagmamaneho ng sasakyan. Si Mang Rogelio ang dati ng driver ni Riez. Tinatawagan lang ni Riez si Mang Rogelio kapag hindi niya kayang magmaneho tulad na lang ngayon.

Sumandal ako sa upuan at nilagay ko sa ibabaw ng aking hita ang aking mga kamay at pinaglaruan na lang ang aking mga daliri. The silence is very awkward between me and Riez but it seems that Mang Rogelio can't even sense that. But that's better, at least he wouldn't ask.

Riez didn't return to normal after he went out of the bathroom earlier. Para bang bumalik ulit siya sa dati kung saan napaka-cold niya sa akin. He didn't even talk to me not until Mang Rogelio arrived and we needed to go. Pasalamat nga ako dahil may meeting siya ng alas dos at kailangan naming pumunta dahil kung hindi nonkang kikibuin niya ako.

Sinubukan kong alalahanin ang mga pangyayari bago humantong sa ganito ang lahat. Saan ba ulit ako nagkamali? Is it because I teased him earlier? Nagtatampo ba siya? O baka naman galit siya sa akin dahil inisar ko siya kanina? O baka naman ayaw na niya ako pansinin dahil pinagmumura ko siya? O baka naman talagang bumalik na siya sa dati na kung saan tanging pagtatalik na lang ang komunikasyon namin?

Napakagat ako sa aking labi at wala sa sariling binaon ang aking kuko sa aking hita. I don't want to go back to zero. I felt that. I felt something a while ago. We have progressed already and I don't want to be back at square one.

"Hija..."

Napakurap-kurap ako bago nag-angat ng tingin. Hindi ko namalayan na huminto pala kami dahil sa traffic. Napatingin ako kay Mang Rogelio at nakita kong nakatingin siya sa akin sa may rear view mirror.

"P-Po?"

Ngumiti siya sa akin nang marahan. "Anong iniisip mo? May problem ka ba?"

Ngumiti ako nang pilit bago umiling at mahinang tumawa.

"Wala naman po. Okay lang po ako," magalang na sambit ko sa kaniya. 

"Parang ang lalim kasi ng iniisip mo, anak.  Tungkol sa lalaki 'yan ano?" tanong niya.

Wala sa sariling nabilaukan ako bago palihim na tumingin kay Riez. Umaasa pamadin ako na may makikita akong reaksiyon mula sa kaniya pero napabuntong hininga ako noong patuloy pa rin siya sa pagbabasa, para ngang may iba pa siyang mundo e.

"Naku si Mang Rogelio talaga."

"Halata naman sa tabas ng mukha mo, hija. May anak din akong babae kaya naman alam na alam ko ang mga ganiyang klase ng ekspresyon," aniya.

Dahil sa sinabi niya, hindi ko maiwasang ma-miss si Tatay. Dahil sa sobrang busy ko ni hindi ko siya mabisita. Ni ayaw naman niyang lumipat sa tinitirhan ko para sana nakikita ko siya palagi at nababantayan na rin. Ang sabi niya kasi ay wala raw maiiwan sa bahay namin na magbabantay kung lilipat siya kaya naman hinayaan ko na.

"Ako'y may katanungan, hija. Sana ay hindi kita mabastos o kung ano pa man," sabi ni Manong.

Ngumiti ako sa kaniya. "Sige po. Ano po iyon?"

"May jowa ka na ba?"

Natigil ako saglit sa naging tanong niya sa akin. Akala ko naman kung ano.

Hmm, jowa? Fuck buddy mayro'n, pero hindi ko naman masasabing jowa ko iyon 'di ba?

The Mayor's Paragon | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon