11

82.5K 1.2K 352
                                    

I INSTANTLY hissed when I felt my head pounding as soon as I opened my eyes and slowly got up from the bed. I tried to open my eyes but I felt the burning sensation on my eyeballs. I could also feel something coming out from my throat but I did some deep breathing to prevent myself from vomiting my stomach's content from last night.

Dahil nga hindi ko kayang panatiliing nakaupo sa kama, dahan-dahan akong humiga hanggang sa unti-unti ko ng nabuksan ang aking mga mata kahit na parang nahihilo pa ako.

"So you're awakey na?"

Sinubukan kong tumingin sa taong nagsalita kaso umiikot talaga ang mundo ko. I took a few minutes to at least close my eyes once again and open them slowly. Thankfully, this time I was able to see Jhaaja standing beside the bed.

"Hey," I greeted with a raspy voice.

Bahagya akong napangiwi noong naramdaman ko ang gaspang sa lalamunan ko. It's totally dry, like my kepay.

"So kamusta ang party girl? Buti buhay ka pa 'no?" he sarcastically asked me.

I sighed before closing my eyes since my world is still spinning.

"What happened?" I asked him.

"Lumaklak ka lang naman ng alak mhie. Tangerds ka rin e."

Napahilot na lang ako sa sintido ko at napabuntong hininga. My body is tired, my mind is tired, and I don't know what else is tired.

"I can't remember anything." I groaned.

"Aba, magulat ka na lang kung talagang may maaalala ka. At saka that's much better."

"Why? May ginawa ba akong kahihiyan kagabi?"

He pout his lips before looking away from me.

"Just this is and that..." he suspiciously answered.

"What? Did I vomit or something?" kinakabahang tanong ko.

"Hindi naman," aniya pero mabilis niyang iniba ang aming usapan, "...but anyways. Here, this is your medicine and this is your water. It will help with the headache."

Bago pa man ako makapagsalita para magtanong muli sa kaniya, mabilis siyang lumapit sa akin bago ako inalalayan umupo at inumin ang gamot ko. Noong natapos na ako sa pag-inom ng gamut ay nilagyan niya ng unan ang aking likuran kaso agad na napakunot ang aking noo noong may maamoy akong kakaiba. Kanina ko pa 'to naamoy. Akala ko may kung anong mali lang sa pang-amoy ko pero ngayon, hindi ako pwedeng magkamali.

"Jhaaja?" I called him.

"Yes, borikak?"

"Ahm...is this your clothes?" tanong ko bago ako tumingin sa suot-suot kong damit.

Iba na ang suot ko ngayon mula sa damit na suot ko kahapon. I was wearing a black turtle neck and jeans but right now, I am wearing a very big black t-shirt and a short, which is also big, if I may add. Sinilip ko ang loob ng t-shirt ay napangiwi ako noong nakita kong wala akong suot na bra. I narrowed my eyes before looking at Jhaaja.

"Hoy! Bakit ka ganyan makatingin sa akin? Iniwasan ko 'yang boobs mo! 'Di ko tinouch no'ng inalalayan kita!" mabilis niyang depensa.

"Wala pa nga akong sinasabi e."

"Wala ka pa ngang sinasabi pero sa itsura ng pagtingin mo sa akin, kitang-kita ko na!" aniya bago ngumuso. "At saka wala ka namang dibdib so wala talaga akong mararamdaman if ever. Mas malaki pa boobs ko kaysa sa 'yo."

Hindi ko na lang pinansin ang kaniyang panlalait at muling bumalik sa tanong ko kanina.

"So damit mo nga ito?" tanong ko.

The Mayor's Paragon | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon