"I'VE already fixed the documents on your table. Nasa pinakaibabaw na folder 'yong hinihingi mong document galing kay Mr. Salasar. The reports are also on top of your table. I already arranged the documents that needs your signature," saad ko sa kaniya.
He nodded as he stared at the screen of his tablet. "Thank you," simpleng sagot niya.
After that, dead air filled the whole ride. Binasa ko ang nanunuyo kong labi. I can feel the thick awkwardness lingering inside the car, making me nervous and uncomfortable.
Pabalik kaming munisipyo ngayon dahil kagagaling lang ni Riez sa isang meeting. Mula kanina hanggang ngayon, sobrang tahimik lang niya at madalang lang magsalita. Well, it started since my 'date' with Jhaaja. Simula no'ng nag-walk out siya, marami ng nagbago, lalo na sa pakikitungo niya sa akin. He barely talks with me!
Well, he doesn't talk a lot but his words become lesser! Kung dati may mabibilang pa akong banteng salita na lumalabas sa bibig niya, ngayon dalawa o tatlo na lamang! Puro 'thank you', 'okay', o 'di kaya ay 'you may go' lang ang naririnig ko sa kaniya.
He didn't even called me for two straight weeks! Wala kaming action scene ng mahigit dalawang linggo! Ang huli naming bakbakan ay no'ng nahuli kami ni Jhaaja sa opisina ni Riez. After that, wala na. Hindi na ako nadiligan ng ilang linggo. At ito ang pinakamalupit! He's not calling me kitten anymore!
Napabuntong hininga ako at tumitig sa gilid ng kaniyang mukha. I want to touch him and feel the texture of his skin on my fingertips but I can't. Wala akong ibang ginawa kundi ang diretsong titigan siya. Alam kong nararamdaman niya ang init ng tingin ko sa gilid ng kaniyang mukha pero kahit ni minsan, 'di na siya nag-angat ng tingin.
Napatingin ako ako sa kaniyang telepono noong umilaw iyon ngunit bago ko pa mabasa ang pangalan ng nag-text sa kaniya, mabilis niyang hinawakan ang kaniyang telepono. He stared at the screen of his phone and I saw his body went rigid. Napansin kong mabilis niyang pinatay ang kaniyang telepono bago humawak sa kaniyang kurbata at niluwagan iyon.
"What's wrong?" mahinang tanong ko sa kaniya.
"Nothing," saad niya. "I'm gonna eat outside. Don't worry about my lunch anymore. Just go and eat before coming back to the office."
Who texted him? Was it Zamira? Si Zamira ba ang pupuntahan niya? Nagkaayos na ba sila? Are they going to eat together? Are they reconciling? Are they getting back together?
Ibinuka ko ang aking bibig para magsalita pero mabilis ko rin iyong itinukom. Instead of asking him bunches of questions, I just silently nod and averted my eyes from him. Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas. I don't know what to say. I'm scared of his answer. I'm even scared to look at him.
Napuno ng nakakainging katahimikan ang buong kotse. I kept my mouth shut and just stared outside until they dropped me off outside the restaurant near the municipal hall.
"Thank you," mahinang saad ko bago lumabas ng kotse ng hindi tumitingin kay Riez.
Mabilis kong isinara ang pintuan at hindi ko na hinintay pang humarurot ang sasakyan paalis. Mabilis akong pumasok sa loob ng restaurant. Mabilis akong nagtungo sa isang bakanteng mesa at doon umupo. I just stared in front at some time before I came back with my senses when the waiter came to me and asked me about my order. Noong nasabi ko ang aking order saka siya umalis.
Napabuntong hininga na lang ako at tumitig sa mesa. Hanggang sa dumating ang pagkain ko, tulala lang ako. Walang gana akong kumain. Pinilit ko ang sarili kong lumunok. The food is good but I can't appreciate it.
Umangat ang tingin ko noong bigla na lang may umupo sa upuan sa harap ko. Akmang sisinghalan ko na kung sino man ang umupo doon noong bigla kong nakita si Jhaaja na nakangisi sa akin. He looks blooming while here I am, parang binagsakan ng langit at lupa.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Paragon | ✓
General FictionC O M P L E T E D WARNING: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. Flawed Series #5: The Mayor's Paragon ~*~ Following her first crush that turned into her first true love, Kesiya Llena did her best to be better in everything and even took the posi...