PARA akong nabingi sa sinabi niya. Naramdaman ko ang paghapdi ng aking ilong at ang pamumuo ng mga luha sa aking mata. I feel like my airways are contracting, making me unable to breathe properly. I feel like I am suddenly experiencing tinnitus and I could hear no one around me.
He sold me? He sold me to the Governor? Iyon ba ang rason kung bakit hindi niya sinasagot ang tanong ko sa kaniya no'ng araw na iyon? He sold me for twenty million. He sold my body...to the Governor...
Iniisip ko pa lang ang mangyayari, para na akong hihimatayin. Wala pang nangyayari pero kinikilabutan na ako nang sobra. Just thinking that I would stay with the Governor for a single night gives me the creeps. Iniisip ko pa lang na may hahawak na sa aking iba maliban sa lalaking mahal ko, nandidiri na ako sa sarili ko.
Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na ibigay ang sarili ko sa iba. Para akong mababaliw. Ayaw ko.
I shake my head before clearing my head and thinking of an alternative solution prior to the problem at hand. I should think straight. I can't panic. I can't. I need to think of a plan. I need to do something.
Siguro may iba pa namang paraan 'di ba? Ang sabi naman ni Riez, hindi lang si Governor Jhaaja ang investor niya para sa project na iyon. I could talk to Riez. I could convince him.
Dahil sa naisip kong plano, para akong nabunutan ng tinik sa aking lalamunan. It might not work but I could try. There's no harm upon trying it. If it doesn't work then I'll think of another solution. Then if it fails, then I'll plan again and again and again until it work. I will convince him. Hindi lang naman si Governor Colleen ang mayaman sa Pilipinas. Alam kong mayro'n pang ibang taong pwede naming makumbinsi para tumulong sa ipapatayong istraktura ni Riez.
Wala sa sariling napangiti ako nang maliit bago muling nagangat ng tingin sa Gobernador kaso gano'n na lang ang pagkunot ng aking noo noong nakita ko siyang bigla na lang napasabunot sa kaniyang buhok.
Tatanungin ko na sana siya kung anong nangyayari kaso ay nagulat na lang ako noong bigla na lang siyang tumili at parang kinilabutan. Niyakap niya ang kaniyang sarili bago umiling-iling na parang tanga.
"I can't do this! Ahhh! Eewwwiee! So disgusting!" halos nasusuka niyang sambit sa sarili.
Hindi pa yata niya napapansin na nakatingin na ako sa kaniya.
"W-What's going on?" naguguluhang tanong ko.
Noong narinig niya ang boses ko, doon na siya lumingon sa akin at napakurap-kurap na lang ako noong biglang nagbago ang lahat. Mula sa seryosong mukha at bigla na lang iyong naging sublada at tinaasan niya ako ng kaniyang kilay.
"Hindi ka talaga niya binenta sa akin," pag-amin niya sa akin.
Nagulantang ako sa pagbabago ng kaniyang boses. Kanina ay buong-buo iyon ngunit ngayon ay matinis na siya at matinis, medyo mataas ang tono. Iyon ang una kong napansin pero noong rumihistro na sa utak ko ang sinabi niya, doon na nalaglag ang panga ko.
"What?!" I angrily screamed at him.
"What? Did you really think that he sold you to me? Hah, I wish," mataray na sambit nito.
I shoot him a death glare. "You lied to me! How dare you!"
Balewala lang sa kaniya ang galit ko bago siya maarteng nameywang. "Well, prank lang iyon. Naniwala ka naman. I just want to look at your reaction and it's very funny."
"It's not funny!" galit na sigaw ko sa kaniya.
Muli niyang inignora ang aking galit bago napabuntong hininga. "But I really do hope that he'll sell you to me. Kaso I doubt that. Ni ayaw ka nga niyang ipahawak sa akin. No'ng nakipagkamay nga ako sa'yo akala ko mamatay na ako kasi ang sama-sama ng tingin niya sa akin e. I just want to touch you, you know?"
BINABASA MO ANG
The Mayor's Paragon | ✓
General FictionC O M P L E T E D WARNING: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. Flawed Series #5: The Mayor's Paragon ~*~ Following her first crush that turned into her first true love, Kesiya Llena did her best to be better in everything and even took the posi...