NAKATITIG lang ako sa natutulog na mukha ng anak ko. Napagod siya kakaiyak kanina kaya hindi niya rin naabutan ang cake na daldala ni Jhaaja. Nagtataka pa si Jhaaja kung bakit mugto ang mata ng bata. Hinaplos ko ang pisngi niya at saka ang ilalalim ng kaniyang mga mata.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. I feel so betrayed. All this time hinahayaan ni Jhaaja makipagkita si Kei kay Riez. Akala ko kakampi ko siya. Akala ko naiintindihan niya ako. Pero bakit ganito? May ginagawa na pala siya sa likuran ko. Masakit. Sobrang sakit.
Mayamaya pa ay naramdaman ko ang presensiya niya sa gilid ko. Tahimik lang siya noong una pero pagkaraan ay nagsalita siya. Naninikip ang dibdib ko at hindi rin ako makahinga. Bigla na lang akong kinulang sa hangin noong bigla siyang tumabi sa akin.
"Borikak," aniya.
Lumingon ako sa kaniya at tahimik ko siyang tinignan. Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon habang nakatingin sa kaniya pero mukhang alam niya. With the look I'm giving him, I know he knows something's wrong.
"I wanna talk to you outside," saad ko sa kaniya.
Bago pa man siya makapagsalita, tumayo na ako at saka iniwan muna si Kei na mahimbing na natutulog. Lumabas ako mula sa kanilang bahay at saka dumiretso sa kanilang harden. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at masigawan ko siya ng wala sa oras. Ayaw ko namang magising ang anak ko.
"Kesiya . . ." he whispered.
Hinarap ko siya at pinigilan ang sarili kong maiyak sa harap niya. Sobrang sakit. Parang pinagkanulo ako. Pinagkaisahan ako ng mga taong sobra kong pinagkatiwalaan. Wala akong kaalam-alam sa nangyayari. Sinasaksak na ako patalikod ng hindi ko nalalaman.
"Sa lahat ng taong tra-traydor sa akin, bakit ikaw pa?" hindi makapaniwalang sambit ko sa kaniya.
Umawang ang kaniyang labi sa sinabi ko. Nakita kong bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata. Mukhang alam niya kung ano ang sinasabi ko.
"Kesiya . . ."
"Kailan nagsimula ito? How long have you been doing this behind my back, Jhaaja?"
Napalunok siya. "Kesiya, I have a reason. I promise."
"How could you do that to me, Jhaaja?" nanghihinang tanong ko sa kaniya.
"Kesiya, I didn't mean to."
Tuluyan na akong bumigay habang nakatingin sa kaniya. Akala ko kaya kong tatagan ang sarili ko, pero hindi pala.
"Kung hindi pa nadulas ang bata, hindi ko pa malalaman na nagkikita na pala silang mag-ama. Bakit naman gano'n, Jhaaja? Pinagkatiwalaan kita," puno ng hinanakit na sambit ko sa kaniya.
Napayuko siya dahil sa sinabi ko. "Naaawa lang ako kay Rielex, Kesiya," rason niya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. I chuckled humorlessly. Para bang joke iyong narinig ko.
"Naawa?! Sa 'kin? Hindi ka ba naaawa?!" sigaw ko sa kaniya.
"Kesiya, let me explain."
Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero lumayo ako mula sa kaniya. I don't want to hear any excuses from him. He betrayed me. He deceived me. Baka mamaya kung ano na namang sabihin niya sa akin.
"You betrayed me, Jhaaja. Pinagkatiwalaan kita! You know everything. You were there from the start, yet you managed to do this to me?! Why?!" I screamed at him.
"He has his reason!" aniya.
Naramdaman ko ang muling pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Paragon | ✓
Художественная прозаC O M P L E T E D WARNING: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. Flawed Series #5: The Mayor's Paragon ~*~ Following her first crush that turned into her first true love, Kesiya Llena did her best to be better in everything and even took the posi...