AKALA ko matatapos na ang problema ko kay Zamira, kaso mukhang lalo yatang nadagdagan. Five days after our encounter in the office, she's here in front of me. At nagdala pa siya ng kasama niya.
Four hours after Riez left the house, I faced a major crisis. Nagulat na lang ako kanina noong nakatanggap ako ng isang tawag mula sa guardhouse at sinasabing may dalawang babaeng hinahanap daw si Riez. And it turns out that it's Zamira and Madam Asteria, the mother of Riez.
"Good morning po, madam," magalang na saad ko pagkapasok nila sa kabahayan.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Walang good sa morning."
I pursed my lips and took a deep breath. Umagang-umaga nauubos na agad ang pasensiya ko. Hindi kinakaya ng pasensiya ko ang ugali niya.
Pinanatili kong kalmado ang aking sarili. Kung pinatulan ko si Zamira no'ng isang araw, hindi ko alam kung kaya kong patulan si Madam Asteria. She's still my mother-in-law despite what she did to Riez back then. Kahit papaano may natitira pa akong kaunting respeto sa kaniya. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon, lalo na at doon ko lang nakitang gumuho si Riez.
"Upo muna kayo, madam," sambit ko bago tinuro ang sofa.
"You don't need to do that. This is Rielex's home. Don't treat me like a guest," she stated.
Napalunok ako sa kahihiyan ng dahil sa sinabi niya. Nakita kong nagpipigil ng ngiti si Zamira sa gilid at halos gusto kong hilain ang fake eyelashes niya. Tuwang-tuwa naman ang demonyita.
Madam Asteria took the lead and walked towards the sofa. Sinundan naman siya ni Zamira at iniwan akong nakatayo lang doon. Bumuntong hininga ako at saka hinabaan ang aking pasensiya saka sumunod sa kanila.
Akmang hihilain ko na sana ang buhok ni Zamira habang nakatalikod siya noong bigla siyang lumingon sa akin kaya naman inosente akong ngumiti. Tinaasan niya lang ako ng kilay at inirapan. Ang sarap tusukin ng mga mata niya.
Parang reynang umupo si Ma'am Asteria at tinabihan siya ni Zamira. Bigla akong tinignan ni Madam kaya naman papaayos ako ng tayo. Sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin, halatang ayaw niya sa presensiya ko.
"Ano hong gusto niyong inumin, madam?" magalang na tanong ko.
"No need. I don't trust you enough to prepare my drink," she told me.
I took a deep breath and pulled a tight smile before nodding, implying that I understood her. Baka nga naman lasunin ko siya dahil sa pagiging masama niya. It's understandable. She's just cautious.
"Okay po," mahinang bulong ko.
Tinitigan niya ako bago tinignan ang upuan sa harap niya. She lifted her thin and perfectly shaped eyebrow.
"Go on, sit down," aniya.
I pursued my lips before sitting down on the couch and straightening my back as I face the two of them. Masungit na nakatingin sa akin si Ma'am Asteria, habang si Zamira, nakangisi sa akin na para bang proud na proud siya dahil nagsumbong siya sa kaniyang nanay.
Maririnig naman siguro ako ng mga naiwang bodyguard ni Riez kung sisigaw ako, hindi ba? Kakayanin ko naman siguro silang dalawa kung sakaling may bakbakang mangyari sa amin dito sa loob.
"Zamira told me something disturbing and I just need to confirm it," panimula ni Ma'am Asteria.
Her strict voice is making me on edge. I was expecting this knowing that Zamira already learned about our marriage. Chismosa rin minsan 'tong si Zamira e. Desisyonality masyado.
Pinagsaklob ko ang dalawang kamay ko at nilaro ang aking mga daliri. I'm nervous while facing Riez's mother. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, hindi sa kadahilanang baka hindi niya ako magustuhan dahil halata naman na iyon sa ngayon, siguro dahil may nararamdaman akong kakaiba habang nakatingin sa kaniya. Her aura is suffocating.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Paragon | ✓
General FictionC O M P L E T E D WARNING: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. Flawed Series #5: The Mayor's Paragon ~*~ Following her first crush that turned into her first true love, Kesiya Llena did her best to be better in everything and even took the posi...