"ARE you done, kitten?" tanong ni Riez mula sa labas ng kaniyang walk-in closet.
Mas lalo akong nataranta sa naging tanong niya. Ilang minuto na rin akong nandito dahil pinasuot niya sa akin ang pinatahi niyang gagamitin ko sa event. I was staring at myself in the mirror. Napatingin ako sa aking mukha at halatang-halata na kabado ako. Then my eyes went lower into the dress that I was wearing. It was a maroon halter neck maxi dress with a side slit. It was made perfectly. It highlighted my curve as the fabric was clinging to my body like my second skin. Sinuot ko lang din ang kasama nitong wine block heels sandals na kasyang-kasya sa aking paa. Tama nga si Riez sa sinabi niya sa akin kanina, he knows my size too well.
Sinubukan kong abutin ang zipper para sana isara ang kaso hindi ko maabot at ilang minuto ko na itong prinoproblema. When Riez asked me to put it on, just like a robot on autopilot mode, I immediately obeyed him. Kaso ito nga at namromroblema ako dahil hindi ko siya maisara nang maayos. Hindi ko abot 'yong zipper kahit na anong gawin ko.
"W-Wait lang! Hindi pa!" sigaw ko.
"I'm going in, kitten," aniya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at bago pa man ako makapasagot at narinig ko na ang pagbukas ng pintuan. Mabilis akong humarap sa kaniya para itago ang likod ko.
Hilaw akong ngumiti sa kaniya. "Hi!" Sabay pekeng tumawa para itago ang aking kaba.
Napatingin ako sa kabuuan niya. Ngayon ko lang din nakita kung ano ang itsura ng pinatahi niyang damit niya. It was a maroon three piece suit, the same color as my dress. Pinaresan niya iyon ng black italian leather shoes. Habang ang buhok naman niya ay sinuklay niya patalikod pero may mga hibla pa rin na nakatakas sa kaniyang noo. Bumalik ang aking tingin sa kaniyang mukha at nakita kong nakatitig din siya sa akin.
Nakita kong natigilan siya habang tinititigan ako. His eyes wandered from my face down to my body. Napalunok ako sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Kinakabahan ako sa iniisip niya. Paano kung hindi ko bagay? Paano kung pangit pala? Paano kung magsisi siyang pinagawan niya ako ng damit?
Mas lalong nadagdagan ang kaba ko noong nakita kong nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin. Halos hindi magkamayaw ang puso ko sa mabilis na pagtibok nito. Sa bawat hakbang ni Riez, para akong unti-unting inuubusan ng hangin. Mas lalo lang akong kinabahan noong huminto na siya sa harap ko. Nakatingala lang ako sa kaniya at tinititigan ang kaniyang ekspresyon.
His eyes were fixated with my body and I am mentally biting my nails. As I stood in front of him, I couldn't shake the feeling of uneasiness under his eyes. My hands are starting to sweat and my knees are starting to give up. I saw how his eyes slowly slid down my body and his lips twitched. When he reached my toes, his gaze started to climb up and my breathing hitched when our eyes met. Para akong mawawalan ng ulirat habang nakatingin sa kaniyang luntiang mga mata.
"Turn around," he commanded.
Bilang isang masunuring mamayan ng Pilipinas, sumunod ako sa kaniyang utos. Ni hindi ko naisip na nakabukas pa ang aking zipper sa likod. Huli na noong maalala ko iyon dahil naramdaman ko ang pagdampi ng dulo ng kaniyang daliri sa aking likuran. That action gave me goosebumps. Kaso mas lalo akong hindi mapakali noong tumingin ako sa harap ko at nagsulubong ang aming mga mata.
Our body sizes differ significantly from each other.I know that he's very tall and has a muscular body but I'm not used to it. Kayang-kayang takpan ng katawan niya ang buong katawan ko. His body is towering mine, providing me comfort and a sense of safety.
Napalunok na lang ako noong matiim siyang nakatingin sa akin habang pinapakiramdaman ko ang kaniyang daliri sa aking balat. I almost lost my focus when I felt his fingertips starting to slide south. Napatikhim ako at umayos ng tayo. I saw his reaction in the mirror. I saw his lips twitched like he was enjoying the pieces of reaction I was providing him. He knows me too well. He knew that I would immediately respond to his touch.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Paragon | ✓
Fiksi UmumC O M P L E T E D WARNING: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. Flawed Series #5: The Mayor's Paragon ~*~ Following her first crush that turned into her first true love, Kesiya Llena did her best to be better in everything and even took the posi...