18

53.3K 849 357
                                    

"RIEZ! I told you, there's no need to do this!" I hissed as I watched two men carry my desk and move it inside his office.

Nagulat na lang ako dahil pagpasok ko ay nakita kong nililipat na nila ang gamit ko sa loob ng opisina ni Riez. Halos lahat ng gamit ko nalipat na sa loob, kulang na lang ang aking mesa at 'yong upuan ko.

Kakarating ko pa lang pero ito na ang bumungad sa akin. Hinatid ako kahapon ng isa sa mga body guard ni Riez pauwi at ngayon naman ay sunundo niya ulit ako bago inihatid dito sa Munisipyo. Buti na lang at hindi na siya nagtanong kung anong nangyari sa 'kin at kung bakit ako naka-wheelchair.

Hindi nakinig sa akin si Riez. "Pakilagay na lang sa tabi ng isang mesa," utos niya.

Sinunod nila ang sinabi ni Riez at nilagay ang mesa ko sa tabi ng mesa ni Riez. I tugged Riez's sleeves. He just looked at me for a second before looking back at the two men moving my things.

"Okay, that's good," ani Riez at dahil doon nagsimula ng ayusin ng dalawang lalaki ang mga gamit ko.

"Riez! Are you insane?!" pabulong na sigaw ko sa kaniya.

"It's hot outside. Baka ma-heat stroke ka. Its better in here, may aircon. I have no other secretary. Walang papalit sa 'yo," saad niya sa kalmadong boses.

"May pamaypay ako," saad ko sa kaniya.

"Baka mapagod ka kakapaypay."

"Bibili na lang ako ng mini fan ko online."

"Sayang ang pera mo," saad niya.

"Okay lang. Basta ibalik mo lahat ng gamit ko sa labas."

"Then should I just make you your own office?" he asked before looking down at me.

Napaawang ang aking labi sa sinabi niya. I was looking at his face, trying to catch his mood. Akala ko nagbibiro lang siya o kung ano pero napalunok ako noong nakita kong seryoso ang mukha niya.

"You m-mean that?" nauutal na tanong ko sa kaniya.

"Yeah. Would you like that one better?" he asked and I immediately shook my head.

"N-No. Okay na ako sa loob ng opisina mo."

"Okay, good." Then I saw the corner of his mouth slide upwards but when I blinked it vanished as if it never happened.

Napatitig ako kay Riez pero agad ding nalihis ang atensiyon ko noong narinig kong nag-utos ulit si Riez. Pagkatapos nilang ilagay sa pwesto ang mesa ko, muling lumabas ang isang lalaki at kinuha ang aking upuan at ipinasok. Akmang aalma na sana ako kaso hindi ko na ginawa dahil nagsimula na silang magayos. They arranged my belongings base on my previous arrangement. When they were done, Riez gave them some money for their work and leave.

Napabuntong hininga na lang ako at bago pa ako makapagsabi ng kung ano, tinulak ni Riez ang wheelchair ko papalapit sa mesa ko.

"Thanks," saad ko sa kaniya.

Akala ko tapos na siya at aalis na pero napatili ako noong bigla siyang yumuko bago nilusot ang isa niyang braso sa likod ng aking tuhod at ang isa naman ay sa likuran ko bago ako binuhat mula sa wheelchair at dahan-dahang pinaupo sa gamit kong swivel chair.

Mabilis akong umayos ng upo bago tumikhim. Pakiramdam ko ang init-init ng mukha ko, pati na rin batok ko.

"T-Thanks ulit," sambit ko sa kaniya.

"Hmm. . ." he hummed before walking towards his table and sitting down.

Napatingin ako pabalik sa mesa ko. Lahat ng gamit ko ay nakapwesto sa kanilang kinabibilangan. Walang nagbago. Pati 'yong paraan ng pagkakakalat ng ballpen ko, gano'n pa rin na para bang hindi nagalaw.

The Mayor's Paragon | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon