"KITTEN."
"Hmm?" I hummed.
Hindi ako makatingin kay Riez dahil busy ako sa pagtitipa ng reply sa isang email. I've replied to almost a hundred emails and need to finish this task. If I don't, the backlog will continue to grow, making it increasingly difficult to manage each one. Nilalagay ko sa trash bin ang hindi naman masyadong importante.
"Nothing, I just wanna hear your voice," aniya.
Napangiti ako dahil doon at napailing. Maharot na naman ang mayor niyo. Mas nagiging maharot siya sa pagdaan ng mga araw. Naka-score lang kasi na naman kahapon. He already claimed his one day sextivity yesterday and we were both satisfied. Tinotoo niya ang sinabi niyang 'no rest, just sex'. Buti nga at nakapasok pa ako ngayon. Mukhang nasanay na ang katawan ko, immune na sa kaniya.
"Kitten," tawag niya ulit sa akin.
Sakto naman na tapos ko na ang reply ko bago iyon isinend. Doon ko na inangat ang ulo ko at tinignan siya. Nakita kong yakap-yakap niya si Pikachu habang nakatingin sa akin.
"Yes?" nagtatakang tanong ko.
"Hmm, nothing, I just want you to look at me," wika niya.
I chuckled because of his antics. Sino bang magaakalang si Riez itong kausap ko?
"Wala tayong matatapos na trabaho, Riez."
Napabuntong hininga siya bago sumimangot. Nilagay niya ang kaniyang siko sa kaniyang mesa saka ipinatong ang kaniyang pisngi sa likod ng kaniyang kamay at nanatiling nakatingin sa akin. Mukhang bored na talaga siya.
"Ayaw ko ng ganitong trabaho, misis ko."
"E anong gusto mong trabaho?" tanong ko.
"Humiga lang habang nasa ibabaw kita at nagtratrabaho," aniya.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya.
"Ako pa ang pinagtrabaho mo sa ating dalawa," saad ko.
"Of course. I love watching you bounce on top of me."
Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa sinabi niya. I can feel my cheeks starting to warm. A flashback of our previous sextivity lingered in my mind when he said those words. He really enjoyed me topping him. Kaso nakakangawit sa paa at nakakapagod.
"Riez! Shh!" sita ko sa kaniya. "Magtrabaho ka na lang diyan."
"Tinatamad ako, misis ko," aniya.
"Kapag hindi ka nagtrabaho nang maayos, babawiin ko si Pikachu," banta ko sa kaniya.
Nakita ko ang bahagyang pamimilog ng kaniyang mata at napaayos siya ng upo bago mahigpit na niyakap si Pikachu.
"Why would you do that?" He pouted.
"Tapusin mo na 'yang mga ginagawa mo. May meeting ka pa mamaya," paalala ko sa kaniya.
"Aish," he whispered under his breath.
Lihim akong napangiti noong binuksan niya ang isang folder at saka binasa iyon. Kaunti lang naman ang natirang papeles sa ibabaw ng mesa niya pero may paparating pang reports mamaya kaya kailangan na niyang tapusin ang lahat ng nakapatong sa kaniyang mesa.
"Ang daming nakapatong na papeles sa mesa ko," reklamo niya.
"Simulan mo ng magbasa para mabawasan," wika ko.
"Misis ko, mas gusto kong ikaw ang nakapatong dito,"aniya.
Napabuntong hininga ako at napahilot sa aking sintido. Wala pa kaming anak pero pakiramdam ko may sampo na akong anak sa kakulitan niya. Parang siya pa ang magiging dahilan ng mabilis na pagputi ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Paragon | ✓
General FictionC O M P L E T E D WARNING: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. Flawed Series #5: The Mayor's Paragon ~*~ Following her first crush that turned into her first true love, Kesiya Llena did her best to be better in everything and even took the posi...