NAGISING ang diwa ni Riez sa sigaw ng tatay ko. Una siyang tumingin sa akin bago siya tumingin kay Tatay. Noong una ay naguguluhan pa siya sa nangyayari. Palipat-lipat ang kaniyang tingin pero kalaunan ay nakita kong hindi na siya mapakali. Hindi niya alam kung papasok pa ba siya sa loob ng kwarto o babatiin muna ang tatay ko.Then he chose the latter. He used his hands to cover his private part before bowing a little to greet my father.
“Good morning po,” he casually said.
Alam kong nasa seryoso kaming sitwasyon pero hindi ko mapigilan ang matawa nang mahina. Despite him covering his male part, it didn’t hide it. Sa sobrang haba ng kaniyang saging, hindi iyon kayang takpan ng kamay niya.
Hindi natuwa ang tatay ko sa nangyari. Mas lalong namula ang kaniyang mukha at parang sasabog na sa galit. Kita ko rin na titig na titig lang siya sa mukha ni Riez, ni hindi nag abalang ibaba ang kaniyang titig.
“Patulugin mo ‘yan!” utos ng tatay ko.
Nakita kong sumilip si Riez sa kaniyang pagkalalaki bago tumango.
“S-Sige po,” magalang na saad ni Riez.
Tuluyan na siyang tumalikod sa amin bago pumasok sa loob ng kwarto ko. Humakbang ako para sana sundan siya noong narinig kong nagsalita ang tatay ko.
“At saan ka pupunta?” tanong niya sa akin.
Itinuro ko ang aking kwarto.
“Tutulungan ko po siyang patulugin iyong saging niya,” saad ko.
Mas lalo kong nagalit ang tatay ko dahil doon. Mabilis siyang humakbang sa akin at hinila ako papalapit sa sofa bago iyon itinuro.
“Umupo ka riyan!” he strictly told me.
Napanguso ako bago umupo sa may sofa. Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa at muling bumalik ang kaba sa aking dibdib. Hindi ako makatingin sa tatay ko. Napalunok ako at napatingin na lang sa aking kamay na para bang iyon ang pinakainteresanteng bagay sa mundo. Mas kinakabahan ako kung tahimik ang tatay ko. Mas gusto ko na nagagalit siya kaysa sa ganitong tahimik siya.
I gathered all the courage that I have before looking up, and my breathing hitched when I saw my father looking at me. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Kung galit ba siya? Disappointed? Malungkot? Hindi ko alam.
“Tay, mas gusgustuhin ko na pagalitan mo ako kaysa sa tahimik ka,” sambit ko sa kaniya.
Doon na siya napabuntonghininga at napahilamos sa kaniyang mukha.
“Ano ba naman itong ginawa mo, Kesiya?” tanong niya sa akin.
Halata sa kaniyang boses ang pagkadismaya.
“Tay . . .”
BINABASA MO ANG
The Mayor's Paragon | ✓
General FictionC O M P L E T E D WARNING: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. Flawed Series #5: The Mayor's Paragon ~*~ Following her first crush that turned into her first true love, Kesiya Llena did her best to be better in everything and even took the posi...