CHAPTER 16

4.1K 101 0
                                    

Nakaupo ako sa tabi ng pool habang nakatitig sa kulay asul na tubig.
Ang bilis ng panahon hindi ko namalayan na isang taon mahigit na akong kasal kay Marco. Hindi na siya ang Marco na nakasama ko kumain ng street food. Ang Marco na nakangiti. He was gone.

"Asan si Jewel?!" Rinig na rinig ko ang galit na boses ni Marco mula sa loob ng bahay. Dali dali akong pumasok at naabutan ko itong kausap ni yaya Lucy habang hawak ang mga gamit ng asawa ko.

"Nasa may pool area ang asawa-" hindi na naituloy ni yaya ang sasabihin.

"Yaya, ako na po" kinuha ko kay yaya ang gamit ni Marco.

Tumingin ako kay Marco. Nakatingin lang ito sa akin na may madilim na anyo.

"Kakaen ka na ba?" Tanong ko dito.

"Sinong nagluto?" Tanong nito.

"Pinagluto kita ng Nilagang baka"

Biglang umasim ang muka nito.

"Wala akong gana" naiinis na sagot nito at tuloy tuloy na sa taas. Nang bigla itong lumingon "Dalhan mo ako ng beer in two minutes!"

"Pero wala pang laman ang tyan mo" nag aalalang sabi ko.

Napatigil ito sa paghakbang at lumingon.

"Kung luto mo lang din ang kakainin ko mas mabuting beer nlng ang harapin ko"

Kahit na sanay na ako sa mga ganong salita nito ay hindi ko parin maiwasan na hindi malungkot. Bakit ba hindi parin ako nasasanay? Bakit hanggang ngayon e umaasa parin ako na matututunan akong mahalin ng lalaking pinakamamahal ko?

Tinanaw ko si Marco habang paakyat ng hagdan.

"Jewel, ako na ang bahalang magdala kay Marco ng beer" Untag sakin ni Yaya Lucy.

Ngumiti ako ng pagak at inakbayan ito.

"Yaya, kilala niyo na po si Marco diba? Hindi niya hahayaang ipagawa ko sa iba ang inuutos niya sakin" Sagot ko dito.

"Bakit ba hindi kasi makita ni Marco kung gaano ka kabuting babae?" Malungkot na wika ni Yaya Lucy.

"Hindi lahat katulad niyo ng nakikita"

"Hanggang kelan Jewel?"

"Hanggang sa Mahal ko siya"

"Wag mo hayaang kainin ka ng buong buo ng pagmamahal mo. Baka magising ka nlng isang araw na wala ng natitira para sa sarili mo" sabi nito. Tinapik ako sa likod at umalis na.

Nagulat nmn ako sa sigaw na narinig ko mula sa taas.

"Jewel!" Sigaw ni Marco.

Agad agad akong tumungo sa kitchen at kumuha ng 2 can ng beer. Nagamamdaling tinungo ko ang kwarto ni Marco.

"Pasen-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang ibato ni Marco ang vase sa tabi ko. Konting konti nlng ay matatamaan na ako. Bigla akong nanginig sa takot. Nakita ko itong nakaupo sa swivel chair. Bigla itong tumayo at hinila paangat ang buhok ko dahilan upang mapatingala ako dito.

"A-aray M-marco! Nasasaktan ako!" Impit na daing ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayokong ayoko na pinaghihintay ako?! Tanga ka ba o sadyang tanga ka lang talaga?!" Galit na galit na sigaw nito habang hawak hawak ang buhok ko.

"P-pasensya na. Hindi na mauulit" Halos maluha luha kong sabi. Pumatak ang luha mula sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa nakita ko nnmn ang galit na galit na anyo ni Marco? Dahil sa buhok kong hila hila nito?

Nang makita nito ang luha sa mga mata ko ay agad ako nitong tinulak dahilan upang bumagsak ako sa sahig.

"Lumayas ka sa harap ko!" Sigaw nito. "Layas!"

Nagmamadali kong tinungo ang pinto at tumuloy sa kwarto ko. Doon ko pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong bumuhos sa mga mata ko.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon