CHAPTER 10

6.2K 134 0
                                    

Ang daming nangyari ngayong araw. Parang gusto ko na nga isulat sa diary pero hindi nmn kasi ako mahilig sa mga ganun. Sobrang dami kong nalaman tungkol kay Marco na hindi nakikita ng ibang tao.

Hay. Ang saya lang ng buhay.

Weekend bukas. Ibig sabihin lang non, hindi ko makikita si Marco.

Biglang tumunog yung sikmura ko. Wala pa pala akong maayos na kain. Kaya nmn bumaba ako para kumuha ng snack.

"Yaya, dumating na sila mommy?" Tanong ko mayordoma namin.

"Wala pa sila. Baka bukas pa yon" sagot nito habang nagvavacuum ng carpet.

"Yaya, pwede ba igawa mo ko ng pancake?" Paglalambing ko dito. Laking yaya kasi ako. Halos ito ang nagpalaki sakin hindi pa man ako pinapanganak ay andito na siya.

"Syempre nmn. Ano bang gusto mo? Chocolate chip o banana pancake?"

"Banana pancake nlng po tska orange juice. Pakidala nlng po sa kwarto"

"Sige"

Pagkalipas ng halos kalahating oras ay dumating na yung pagkain.

"Thanks yaya"

"Tawagin mo nlng si Josie pag tapos ka na"

"Okay"

Habang kumakain ako ay tumunog yung celfone ko.

From: Gabriel Salts
Message: Meet me at the Vonx 6pm. I'll be waiting. Please come.

Ayokong pumunta pero parang may humihila sakin para pumunta.

Bumaba ako dala ang ubos ng pancake. Napangiti lang ako sa lugar na napili nito. The Vonx.

"Yaya, aalis ako. Pakisabi kay Manong Jose na aalis ako at ihahatid niya ko" sabi ko kay yaya.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Sa the Vonx. May kakausapin lang akong ... kaibigan"

"Sige"

Nagtuloy tuloy na ako sa kwarto para maligo at magbihis.

Nang makarating ako sa the Vonx ay bumaba na ko agad.

"Dont wait for me" sabi ko dito.

"Sige po miss Jewel" nakangiting sagot nito.

Pumasok na ko sa loob ng 5 star hotel na pagmamay ari ng pamilya ko. Kaya hindi nag aalala si yaya kung saan ako pupunta dahil pwede nmn ako dito matulog kung gagabihin ako. Pagpasok ko sa hotel ay agad akong binati ng mga empleyado.

"Goodevening Miss Jewel" bati ng mga hotel staff.

"Goodevening" nakangiting bati ko din. Ang hospitable nmn kasi ng mga staff dito. Syempre, well-trained e.

"A certain Mr. Gabriel Salts is waiting for me" sabi ko sa manager.

"He's inside miss. Please follow me" nauna na maglakad ang manager para ihatid ako sa loob.

Nakikita ko na ang lalaking naka polo shirt at short.

Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din ito.

"I'll manage my way. Thank you" sabi ko dito. Tumango lang ito at umalis na.

Nang makarating ako sa tapat ni Gabriel ay tila nagulat pa ito.

"I thought you wont come" sabi nito.

"Well, yan nga din ang iniisip ko pero naawa pa ko sayo kaya pasalamat ka at pumunta ako" mataray na sabi ko. Hindi ganito yung personality ko pero dito sa lalaking to kumukulo talaga ang dugo ko.

"Let's order first" binigay nito sakin ang menu na hindi ko nmn ginalaw. "Ayaw mo ba kumain?"

Tinawag ko ang waiter at binigay ang order ko. Tiningnan niya ko na parang di makapaniwala na alam ko yung oorderin ko nang hindi tumitingin sa menu.

"You've been here?" Tanong nito ng makaalis ang waiter.

"I own this" walang ganang sagot ko.

Bakas na bakas ang pagkagulat sa muka  nito. Kulang ang salitang shock kung pagbabasehan ang nakikita ko sa muka niya.

"Oh, i never thought na kayo ang may ari nito" natatawang sabi nito.

"Why? Because i look plain? Akala mo low class lang ako?" Walang emosyong sabi ko.

"No. I mean... Im sorry. Im sorry for causing you pain. I never meant what i said"

"The damaged has been done. Hindi na natin maibabalik yon"

"I know. And i regret that. I lose an amazing person like you. Im sorry"

"Wala na yon"

"Anyway, this dinner is my despedida dinner.  Im leaving for New York tomorrow. Im planning to have a second chance with you but i guess, wala ng pag asa. Base from the hatred i saw in your eyes. Its totally done"

"Buti alam mo"

"Alam ko hindi na mababago yung ginawa ko but please... can we be friends? Kahit yon nlng?"

"Yeah sure"

"Thanks"

Saktong dumating yung order namin. Habang kumakain ay nag uusap lang kami. Tanong dito. Tanong doon. Atleast, nagkaroon na kami ng closure.

"Thanks for tonight" nakangiting sabi nito. Nagulat ako ng bigla itong humalik sa lips ko na ikinalaki ng mata ko. "Its just a goodbye kiss. I just want to tell you that you're unique. And if we met at the right time where my life is all right, i swear to God that i would make you my wife. Goodbye for now, Jewel" Yun lang at tuluyan na itong sumakay ng sasakyan.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon