CHAPTER 6

7.9K 154 0
                                    

Pagkarating ko ng bahay ay dumapa agad ako sa kama. Wala nnmn ang mga magulang ko dahil may three days seminar ang mga ito sa Thailand.

Naiisip ko nnmn si Gabriel. Ganito nmn talaga ang mga babae diba? Pag mag isa nlng sila, tsaka mag iisip ng kung ano ano.

Sa halos dalawang buwan na pinagsamahan namin. Naramdaman ko nmn yung effort niya kahit papano. Pag lumalabas kami, siya lagi yung taya kahit na nagpipilit ako magbayad. Pero lately, di na kami msyado nagkikita dahil nasa bakasyon din ito kasama ang pamilya nito. Hindi nmn ito nakakalimot magmessage sa facebook. Minsan ay nagsskype din kami.

Sobrang nasaktan ako nung marinig kong tinawag niya kong plain. Kasalanan ba yon? Sa ganito lang talaga ako mag ayos e. Okay na sakin yung tshirt at jeans. Hindi ako mahilig sa mga dress dress na yan. Ang boyish ko nga daw sabi nila mommy.

Kinabukasan, college week namin so marami nnmn ang booth. Ibig sabihin din nun e free time namin the whole week.

"Ces, natayo na ba yung marriage booth natin sa labas?" Tanong ko sa classmate kong si Ces.

"Oo, inaayos nlng nila yung mga gamit sa loob. Mamaya lang, bubuksan na yon" sagot nito.

"Si Dannah ba papasok?"

"Oo, sinabihan kong wag umabsent para may kapalitan tayo sa pagbabantay ng booth"

"Mabuti nmn. Thanks!"

"Jewel, sayo ba yung red velvet cake na nasa table?" Tanog nito sabay turo sa cake na nasa table.

Napatingin nmn ako dun. Binili ko yung cake kanina bago ako pumasok. Wala na kasi akong time para magbake.

"Ha? Ah oo"

"Para kanino? Sa boyfriend mo?"

"Hindi ah! Ah- sa kaibigan ko lang yan"

Tumango tango lang ito at pinagpatuloy na ang ginagawa nito.

"May pupuntahan lang ako ha? Ikaw muna ang bahala dito" sabi ko kay Ces.

Nagthumbs up lang ito. Kinuha ko na ang cake at naglakad papunta sa fifth floor.

Pagkarating ko sa fifth floor ay maraming taong nagkukumpulan. Nang matapat ako sa Class A ng Engineering department ay nakita ko ang mga babaeng nakapila.

"Uhm- para sayo nga pala. Gawa ko yan. Sana magustuhan mo" sabi nung babaeng naka-bun ang buhok. Inabot nito kay Marco ang isang paper bag na may laman na sushi. Mahilig daw kasi ito doon.

"Salamat" narinig kong sabi ni Marco.

"Eto nmn ang akin. Binili ko pa yan sa Spain nung bakasyon" sabi nung pangalawang babae na may inabot na kwintas dito. Parang hiyang hiya pa ito habang inaabot yung box.

"Salamat"

"Ginawan kita ng packed lunch. Sabi kasi sa nabasa ko na "A way to a man's heart is through his stomach" Sana totoo nga yon" sabi nung babaeng singkit.

Marami pang nag-abot dito ng kung ano ano. Nakangiti lang ito habang tinatanggap. Bigla akong napatingin sa hawak ko.

"Ano pang halaga mo? Kung lahat na ata meron na siya?" Bulong ko cake na hawak ko.

"Para sakin din ba yan?" Nagulat ako ng magsalita ang pamilyar na pamilyar na boses sa tenga ko. Marahas akong napalingon dito.

"Ha? Ah-eh hindi noh!" Nagkakanda utal utal na sabi ko. Sana bumuka ang lupa at kainin na ko. Grabe na yung pula ng muka ko.

"E bakit nakatayo ka diyan sa tapat ng classroom ko?" Nang aasar na sabi nito.

"Hindi ah! Bakit? Ikaw lang ba ang estudyante diyan sa loob?"

"Hindi. Pero as you can see, ako lang yung binibigyan ng mga regalo"

Aba! Ang yabang pala neto!

"FYI, hindi to para sayo. Napadaan lang talaga ako dito. Nacurious lang ako kung bakit may pila. May hambog lang pala na nasa loob"

Bigla nmn itong tumawa. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko?

"Its cute when you blush" natatawang sabi nito

"H-hoy! Hindi kita type noh!"

"Wala nmn akong sinabi na type mo ko ah? Ang sabi ko lang, ang cute mo magblush. Masyado ka nmn in denial" pang aasar pa lalo nito na lalo lang ikinapula ng pisngi ko.

Nagulat ako ng bigla nitong kunin yung cake.

"Akin yan!" Sigaw ko dito habang pinipilit kunin yung cake.

Binuksan nito yung box.

"How did you know na red velvet yung favorite cake ko? Stalker ba kita?" Sabi nito habang tinitikman nito yung cake gamit yung daliri nito. Ang cute!

"Ah- eh kasi ano e. Hindi nga kasi para sayo yan! Sa friend ko yan. Oo tama, sa friend ko yan kasi birthday niya kaso kinain mo na kaya malulungkot na siya"

Bigla itong tumawa. Ang gwapo talaga nito pag tumatawa. Lumalabas kasi yung dimples.

"Dibale, napasaya mo nmn ako" sabi nito sabay kindat at nagpatuloy sa pagkain nung cake gamit yung kamay niya. Ang baboy pero ang gwapo parin niya!

Lord, pwede niyo na po akong kunin ngayon! Pero joke lang po pala. Next time nlng.

Hindi ko na alam kung anong gagawin at sasabihin ko kaya nagtatakbo ako palayo dito.

"Jewel!" Tawag nito ng malapit na ako sa hagdan. Hindi ko alam kung lilingon ako dahil super red na ng face ko pero i end up na Dahan dahan itong nililingon.

"Sa lahat ng regalong natanggap ko ngayon. Ito yung pinakagusto ko. Thank you" nakangiting sigaw nito. Buti nlng walang masyadong tao sa hallway kundi headline na ko mamaya! Ngumiti lang ako dito at nagtatakbo na pababa.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon