"Sorry nga pala kanina ha?" Hinging paumanhin ko habang naglalakad kami palabas ng library.
"For what?"
"Nagpanggap ka pang boyfriend ko just to save me from Gabriel"
"I didnt save you" bigla ay para akong napahiya. Maypakahard din palang tinatago itong si Marco. "I did it para makaganti sa kanya. I hurt his ego and thats fine with me"
So, sinave niya ko hindi dahil sa gusto niya kong tulungan. Ginawa niya yon para sa sarili niya. Bakit Jewel? Feeling mo nmn damsel in distress ka at kailangan mo si prince charming para sagipin ka?
"Thank you parin" yun lang ang sabi ko at pumasok na ako sa next class ko.
"Sino yung lalaking kasama mo?" Tanong ni Micah pagkaupo ko sa tabi nito. Naalala ko nnmn yung phone call kanina.
"A certain Marco Alleje. Ring a bell?" Sabi ko dito. Tinitingnan ko ang reaction nito at base sa nakita ko, tumunog nga ang kampana. "How did you know him?"
"A friend"
"Yan din ang sabi niya sakin kanina. Ano bang meron sa inyo at parang tanga yung mga sagot niyo? Ex mo ba yon?"
"No!" Mabilis na sagot nito. "Bakit nga pala kayo magkasama? Wag mo sabihin na friends din kayo?"
"Yes. We're friends. Siya yung nakabangga ko kahapon nung nahuli ko si Gab. Tapos kanina nakiupo siya sa table ko sa library tapos dumating si Gab tapos nagpanggap si Marco na boyfriend ko. That's it. We're friends" mahabang paliwanag ko dito. Nakita ko nmn ang panlalaki ng mata nito.
"He did that?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo. Bakit? Masamang tao ba siya?"
"No! I mean ... hindi ko alam"
Napatingin kami ng sabay ni Micah sa pinto dahil may parang pinagkakaguluhan doon ang mga babae.
"Ano kaya yon?" Tanong ni Micah.
"Ewan" sagot ko. "Hayaan mo na yon. Baka may dumaan lang na gwapo kaya ganyan. Alam mo nmn yang mga yan. Makakita lang ng gwapo parang sinasapiang bulate"
Nilabas ko ang notebook ko at gagawa pa ako ng assignment sa algebra.
Pagtingin ko kay Micah ay para itong nashock.
"Bakit?" Nagtatakang tanong mo dito. "Muka kang alien! Wag kang magshock face"
"Jewel"tawag ng nasa likod ko. Pagtingin ko ay nakatayo si Marco doon. Parang ako nmn ang nashock face. "Nadala ko yung panyo mo kanina. Sorry, nagamit ko. Akala ko kasi sakin e" tapos inabot nito sakin yung hanky ko.
"Ah-eh okay lang. Hehe"
Tapos ay lumabas na ito. So ito pala ang pinagkakaguluhan sa labas. Hindi nmn nakalagpas sa paningin ko ang pagsimangot ni Micah. Nagkibit nlng ako ng balikat.