CHAPTER 1

28.9K 239 2
                                    

Start na ng second semester and i am here sitting all alone sa loob ng cafeteria. Onti lang nmn yung mga tao dahil halos lahat ng estudyante ay sa labas kumakain. May malapit kasing mall sa labas at marami din nmn tambayan na mga coffee shops at fastfood chain.

Bigla akong napatingin sa babaeng papasok sa pinto ng cafeteria at agad napangiti.

"Long time no see. How's Japan?" Nakangiting tanong ko sa bestfriend kong si Micah. Doon kasi nagtatrabaho ang mga magulang nito kaya napilit itong magbakasyon doon kahit ayaw nito.

"Ayun, Japan pa din" walang ganang sagot nito at umupo sa kaharap na upuan ko. "Teka nga muna, wag ako ang pag usapan natin. Asan nga pala yung boyfriend mong abnormal?"

Natawa ako bigla sa pagkakatukoy nito kay Gabriel. Medyo hate kasi nito si Gabriel dahil mukang may tinatagong baho daw. Mukang playboy kasi gwapo. Imposible daw na wala itong tinatagong babae.

"Wag ka ngang hard kay Gab. Mabait nmn yung tao" saway ko dito.

"Mabait?! My face! For sure may babae talaga yan e! Tska Ilang linggo pa lang kayo. Paano ka nakakasigurado na seseryosohin ka niyan?" Sabi nito sabay irap.

"FYI, magdadalawang buwan na po kami" pagtatama ko dito. "Tska cant you just be happy for me? Mahal ko nmn yung tao and mahal nmn niya ko. Mag eeffort ba nmn siya kung hindi diba?"

"Fine! Basta wag kang iiyak iyak diyan pag nahuli mong may babae yan"

Sabay kaming napatingin ni Micah sa lalaking papasok ng cafeteria. May kasama itong magandang babae. Pinagtitinginan din ang mga ito ng ibang estudyante dahil talaga nmn kaagaw-agaw ng pansin. Nagtungo ang mga ito sa harap nung nagtitinda ng cupcakes

"Anong gusto mo? Red Velvet cupcake or Oreo cupcake?" Tanong nung lalaki sa babaeng kasama nito. Nanlaki pa ang mga mata namin sa sumunod na ginawa nito. Hinalikan lang nmn nito yung babae sa lips in front of the madlang people.

"Ang PDA nmn" naiinis na sabi ko kay Micah pero nakatingin parin sa dalawang couple sa counter. "Pwede nmn sila maglandian after class pero talagang dito pa nila napiling maghalikan. Tsk!"

Nang tumingin ako kay Micah ay nakita ko ang kaseryosohan sa muka nito. Hindi ito nagcocomment katulad ng lagi niyang ginagawa sa mga couple na nakikita naming nagPPDA.

"Micah!" Tawag ko dito pero di parin ito natitinag. Kaya nmn pumalakpak na ako para mapansin niya ko. Nagulat nmn ito sa ginawa ko.

"Ay kalabaw! Bakit ka ba nanggugulat?!" Naiinis na sabi nito.

"Grabe kasi yung titig mo! Para kang kakaen ng tao. Naiinggit ka ba sa kanila? Ay nako friend! Wag kang gagaya sa mga yan ha!" Sabi ko dito. "Tara na nga! Magsisimula na yung next class natin" tumayo na ako pero parang nag aalinlangan pa ito kung susunod. Ano kayang problema nito?

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon