CHAPTER 7

6.5K 140 1
                                    

"San ka galing?" Tanong ni Micah pagkarating ko sa booth namin.

"Sa tabi tabi lang" sagot ko at umupo sa chair na katabi nung table.

"Kanina pa kita hinahanap. Sa tabi tabi ka lang pala nagpunta. Para kanino nmn yung cake na dala mo?"

Nagulat nmn ako sa tanong nito. "Ha? Paano mo nalaman?"

"Sabi ni Ces, umalis ka daw na may dalang cake. So para kanino yon? Wag mo sabihin na binigyan mo yung kutong lupa mong ex?"

"Hindi ah!"

"E para kanino nga yon?" Pangungulit nito.

"Okay, students. Get ready. Magbubukas na ang lahat ng booths in 5 minutes" buti nlng dumating ang prof namin at nakaligtas ako sa tanong ni Micah.

"Later" she mouthed me. Ay nako! Akala ko nakatakas na ko. Hindi pala. Hindi ko masabi sa kanya na i have a huge crush kay Marco. Hindi ko alam kung bakit.

Nagready na kami dahil mag oopen na ang lahat ng booth. Nang oras na para buksan ay nagsimula na kami maghanap ng prospect para makasal sa booth namin. Pagkalipas ng ilang oras ay marami na kaming naikasal pero syempre kunyari lang. Kailangan magbayad ng mga ikakasal ng 50. Yung perang makukuha namin dito ay gagamitin na fund para sa darating na christmas.

"So, sino nga yung pinagbigyan mo?" Nakakagulat talaga tong si Micah. Parang kabute. Kung saan saan sumusulpot tska magsasalita. Ayoko sana sabihin pero dahil bestfriend ko siya siguro nmn mapagkakatiwalaan ko siya.

"Si Marco" maikling sagot ko.

"Marco who?" Nagtatakang tanong nito.

"Marco Gene Alleje, Engineering student, Class A" pagbibigay detalye ko dito.

"Marco Alleje?!" Gulat na gulat na tanong nito.

Tumango lang ako. Hindi ko alam kung guni guni ko lang yon pero i saw some pain and anger in her eyes pero agad din nawala.

"Why him?"

"I dont know. Nung makabunggo ko siya, hindi na siya nawala sa isip ko. Ang bait niya kahit na maypakahambog ng onti. Pag ngumingiti siya nakakalimutan kong huminga"

"You dont know him"

"Do you know him?"

"Yes"sagot nito. Tiningnan ko ito ng maigi. Close sila? "I mean No. Not personally pero marami na akong naririnig sa kanya. And may current girlfriend siya ngayon, si Jenny, tourism student. Magkabatch sila. At balita ko siya yung pinakamatagal na naging girlfriend ni Marco. Plano na nga nilang magpakasal after graduation"

Parang may kumurot nmn sa puso ko sa sinabi nito.

"I know. Sila yung nasa cafeteria na nagPDA diba?"

Tumango lang ito.

"I dont want you to get hurt. Kaya habang maaga pa, stay away from him" Hindi ako makasagot sa sinabi nito. Alam kong mali dahil may girlfriend na ito pero hindi ko mapigilan yung emosyon ko.

"Punta lang ako sa CR" paalam ko dito. Nagpunta ako sa CR katapat ng registrar.

Umihi ako at paglabas ko ng cubicle ay nakita ko doon yung girlfriend ni Marco na nagreretouch ng make up. Natigil ito sa ginagawa ng makita ako sa mirror. Hindi ko ito pinansin at naghugas lang ng kamay.

"Jewel right?" Tanong nito habang naglalagay ng eye shadow.

Tumango ako.

"Ang sarap nung cake na bigay mo kay Marco. Saan mo nabili yon? Gusto ko din siyang bilhan" sabi nito. So, pinakain lang pala niya sa babaeng to yung cake na bigay ko? May pasabi sabi pa siya na yun daw yung pinakafavorite niyang regalo. Tss!

"Ah. Diyan lang sa bakeshop sa tabi ng Perfect Spot"

"Thanks" nakangiting sabi nito. Sus! Plastic! "Anyways, gusto sana kita iinvite sa wedding namin ni Marco sa April. Since, kaibigan ka niya siguro nmn gusto niyang andun yung mga kaibigan niya" so? Totoo palang ikakasal na to? Tama nga si Micah.

"Im not yet sure"

"Bakit nmn? Im sure Marco will be happy to see you there. Ang bilis nmn kasi. Gusto na agad ni Marco magpakasal after namin grumaduate"

Tumawa nlng ako.

"Congratulations"labag sa loob na sabi ko.

"Thank you. I have to go. See you around" sabi nito at lumabas na ng CR.

Bumalik na din ako sa booth namin na parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon