Habang nagkaklase kami ay nagvibrate yung celfone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang nagtxt.
From: Gabriel :*
Message: May practice kami mamaya. I cant fetch you. Sorry.Bigla nmn akong nalungkot. Varsity player kasi ito ng St. Lewis University. Malapit na ang game ng mga ito kaya naiintindihan ko nmn kung wala itong time sakin these past few days.
To: Gabriel :*
Message: Its okay. Take care!"Oh ano? Di ka nnmn masusundo ng jowabells mo? Kasi may laro nnmn?" Tanong ni Micah na nakaupo sa tabi ko.
"Hayaan mo na. Kailangan niya mag practice. Kaya ko nmn umuwi mag isa"
"Naku! Baka mamaya niyan ibang babae na pala yung pinapractice niya. Humanda talaga siya sakin!"
Natatawa nlng ako sa mga sinasabi nito. Sobrang protective kasi ito sakin. Naiintindihan ko nmn ito. Alam kasi nito yung pinagdaanan ko sa huling boyfriend ko bago si Gabriel. May tiwala nmn ako kay Gab na hindi niya ako lolokohin. Kita ko nmn yung mga effort niya para mapasaya ako.
Pagkalipas ng dalawang oras ay natapos na din sa wakas ang trigonometry.
"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Micah.
"Oo, pero dadaan muna ako sa gym para makita si Gab tapos uuwi na ko"
"Samahan na kita"
"Wag na. Alam kong hinihintay ka ng lola mo"
"Sure ka? Sandali ka lang nmn diba? Samahan na talaga kita"
"Okay lang talaga. Uwi ka na. See you tomorrow!"
"Sige, basta mag ingat ka ha? Txt mo ko pag nakauwi ka na"
"Yup! Ingat ka din" sabi ko tska kami nagyakap. Ganito talaga kami. Sa sobrang tagal na namin magbestfriend, we treat each other as sisters. Kaya protective din kami sa isat isa. We dont keep secrets from each other.
Naglakad na ako papunta sa gym. Hinahanap ng mata ko si Gabriel pero di ko ito makita.
"Asan si Gabriel?" Tanong ko sa kateam mate nila na si Rocky.
"Kanina andito siya. Try mo sa dag-out"
"Thanks"
Naglakad ako papunta sa dag-out kung saan pwedeng maligo at magpalit ng damit ang mga players.
Habang palapit ako ay lalong lumalakas ang hagikgikan na naririnig ko. Boses ng babaeng parang kinikiliti. Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali.
"Hindi niya magagawa sakin yon" bulong ko sa sarili ko. Unti unti akong lumapit sa pintuan at nanlaki ang mga mata ko dahil tumambad sakin dalawang taong naghahalikan. Hingal na hingal yung babae habang yung lalaki nmn ay kung saan saan dumadapo ang kamay.
"Wait- Akala ko may girlfriend ka na?" Malanding tanong nung babae.
Biglang ngumisi si Gabriel.
"Sana naisip mo yan bago mo ko puntahan dito sa dag-out"
"I just want to make sure kung totoo nga yung mga rumors na naririnig ko but the way we make out now, i guess, those rumors werent real" sabi nung babae habang nakahawak sa dibdib ni Gabriel.
"Its true na may girlfriend ako. But she's plain"
Bigla ay parang gustong tumulo ng luha ko. Plain? Yun pala ang tingin niya sakin after all. Akala ko iba siya. Micah's right!
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at lumapit sa dalawang haliparot. Binigyan ko ng isang malakas na sampal yung babae. Bakas na bakas ang pagkagulat sa muka ng dalawa.
"Ouch!" Tili nung babae.
"J-Jewel?"
"Ako nga" nakataas ang kilay na sabi ko dito. Halos hindi ako huminga para lang pigilin ang mga luha na gustong tumulo sa mata ko.
"Bitch! Why did you slap me?!" Sigaw na tanong nung babae na akmang sasabunutan ako pero napigilan ni Gabriel.
"Did you really called me a bitch? So? Ano pala ang itatawag ko sayo? Slut? Kaladkaring babae? Pumapatol sa lalaking may girlfriend na? You deserve that! Slut!" Sabi ko sa babaeng malandi. "At ikaw! Akala ko iba ka. Akala ko mapapatunayan ko na hindi lahat ng gwapo e babaero pero pare pareho lang pala kayo. Tska bakit inamin mo na may girlfriend ka? Dapat dineny mo nlng! Yan nmn ang ginagawa ng mga lalaking manloloko diba?" Galit na galit na sabi ko kay Gabriel habang dinuduro duro ito. "Tska anong sabi mo? Plain ako? Bakit anong klaseng damit ba ang dapat kong isuot? Yang damit na katulad niyang sa babae mo na halos wala ng takpan kahit nasa eskwelahan tayo! Ibahin mo ko Gab! Kung ganyang babae pala ang gusto mo edi sana hindi ka na lumapit lapit sakin na akala mo kung sino kang santo! Manloloko!" Tska ako nagtatakbo palabas ng dag-out. Hindi ko na pinansin ang pagtawag nito sa pangalan ko. Basta ang alam ko, nasasaktan ako! I cant cry. I shouldnt cry. He's not worth the tears.
Habang tumatakbo ako palabas ng gate ng university ay may di sinasadyang nakabunggo ako. Sa lakas ng impact ay napaupo ako sa sahig.
"Ouch!" I winced in pain. Tumama yung balakang ko sa sahig.
"Are you okay?" Tanong nito habang nakayuko sakin.
Umiling ako habang maluha luha na sa sakit ng pagkakabagsak ko.
"Im sorry pero di ka din kasi tumitingin sa dinaraanan mo. Mukang ang lalim kasi ng iniisip mo"
So kasalanan ko pa ngayon?
Bigla akong napatingala dito. Lahat ng sasabihin ko ay naiwan sa lalamunan ko. Im looking in a beautiful pair of eyes.
Ano nga ulit yung sasabihin ko?
"Kasalanan ko. Hindi ako tumitingin sa daan" wala sa sariling sabi ko dito habang nakatingin parin sa mga mata nito. Feeling ko may magic ang mga mata nito.
Bigla nitong nilahad ang mga kamay para tulungan akong tumayo.
"Thank you" pasasalamat ko.
"Next time, tumingin ka sa daan para di ka maaksidente ha? Muka ka kasing suicidal kanina e. Nagbreak ba kayo ng boyfriend mo?" Tanong nito na ikinalaki ng mata ko.
"Paano mo nalaman?" Gulat na tanong ko. Manghuhula kaya ito? Stalker?
"Wild guess" Nakangiting sagot nito sabay kibit balikat. Ang ganda ng ngiti nito. Pang colgate. "Anyway, Im Marco Gene Alleje. You can call me Marco. And you are?"
"Im Jewel Roxanne Reyes. But you can call me Jewel"
"A beautiful name for a beautiful lady. Your name suites you. Precious"
Bigla nmn akong nagblush sa mga papuri nito. "Thank you"
"Marco" napatingin kami sa tumawag dito mula sa likuran ko.
Ito yung babae sa cafeteria kanina na may ka PDA.
"Jenny" tawag dito ni Marco.
"Kanina pa kita hinihintay sa parking lot. What took you so long?" Nakasimangot na tanong nito kay Marco.
"Sorry. I bumped into someone and she got hurt. I need to help her and make sure she's okay" sagot ni Marco.
"Lets go!" Hatak nito kay Marco.
"We have to go. Nice to meet you. See you around" nakangiting sabi ni Marco. Tumango lang ako.
"Babe! C'mon!" Naiiritang sabi nung babae. Wait- babe? So it means, sila yung nag PDA kanina?! OMG!
Napatingin ako sa dalawang naglalakad palayo sakin. But before sila tuluyang makalayo. Humarap yung babae sakin and mouthed "Fuck off".