CHAPTER 4

8K 171 1
                                    

Nagising ako sa katok ng pinto.

"Miss Jewel! Gising na po" sabi ng katulong mula sa pinto.

"Hmmmm" ungol ko. "5 minutes pls?" Sabi ko sa sarili ko. Antok pa kasi talaga ako.

"Miss Jewel. Malelate nnmn po kayo"

Bigla akong napabangon sa magic word na "late".

"Gising na ako!"

Tumingin ako sa orasan. 6:32 am. Shet! 7:30 nga pala ang pasok ko ngayon. Napakamot nlng ako ng ulo. Nagmadali akong maligo at magbihis. Wala ng suklay suklay. Kaya pagkarating ko ng school ay muka akong narape.

"Seriously Jewel? Saan ka ba galing kagabi?" Naghihinalang tanong ni Micah pagkakita sakin.

"Tigilan mo ko ngayon ha? Wala ako sa mood" walang ganang sabi ko dito. "Magpaparty ka na. Wala na kami" tska ako naglakad papunta sa first subject ko. Tila natigilan ito kaya hindi agad ito nakasunod sakin.

"Emergerd! Seryoso?!" Tumitiling sabi ni Micah na nagmamadali sa pagsunod sakin.

"Oo!"

"Sinong nakipagbreak?"

"Sino sa tingin mo?"

"Siya?" Parang tangang tanong nito.

Sinamaan ko ito ng tingin.

"So ikaw?"

"Oo"

"Bakit ka nmn nakipagbreak? Parang kahapon lang pinag uusapan natin siya ah tapos ngayon wala na kayo"

"Manloloko ang hayop!"

"What?!"

"Oo na. Tama ka. May babae siya! Nahuli ko sila sa dag-out ng gym na naglalampungan! Narinig ko pa sa hayup na yun na plain daw ako kaya niya ko niloko! Okay na? Masaya ka na?" Sabi ko dito tska pumasok sa loob ng classroom. Hindi ko na ito hinintay.

Nang matapos ang first subject ay tumuloy ako sa library at doon tumambay.

"Can i sit with you?" Napaangat yung ulo ko ng biglang may magsalita. Nasa harap ko nnmn ang lalaking may magandang mata.

"Y-yeah sure" nagsstammer na sagot ko. Gusto kong pukpukin ang sarili ko dahil nauutal ako. Anlandi lang!

"Jewel? Right?"

"Yes. Marco?"

"Yeah. So kamusta yung balakang mo? Masakit pa ba?"

Bigla akong napahawak sa likod ko.

"A-ah o-okay na" shit! Ayan nnmn.

"Good. Wait, i'll just go to the restroom" Pagkatapos ay lumakad ito palabas ng library.Biglang tumunog ang celfone ni Marco na nakalagay sa table namin. Napatingin ako sa paligid at lahat sila ay sakin nakatingin. Nang tumingin ako sa librarian ay tinaas nito ang sign na "Put your mobile phone in a silent mode"

Ringing ...
Micah Aguilar ...
Ringing ...

Wait. Micah Aguilar? May iba pa bang Micah Aguilar sa university na to bukod sa Micah Aguilar na kilala ko?

Hindi ko sinago or nireject. Hininaan ko lang ang volume.

Bakit hindi nasabi sakin ni Micah na kakilala niya pala si Marco? Pero baka nmn nagkakamali lang ako.

Bumukas ang pinto ng library at pumasok si Marco.

"May tumawag nga pala" sabi ko dito.

"Who?" Nakakunot ang noong tanong nito.

"M-micah Aguilar"

"Sinagot mo?"

"No. Sinilent ko lang kasi ang sama ng tingin sakin ng mga tao dito"

"Sorry"

"Okay lang"

Pumunta ito sa bookshelf at kumuha ng libro. Bothered parin ako kung paano siya related kay Micah or kung si Micah na bestfriend ko nga ba yun.

"Uhm. Can i ask you something?"

"Sure" sagot nito na hindi tumitingin sakin.

"H-how are you related to M-micah. Micah Aguilar?"

Napatingin ito sakin. Hindi siguro malaman nito kung ano ang isasagot.

"She's a friend" simpleng sagot nito at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Kabatch mo?"

"Nope. Second year college pa lang siya. Marketing ang kinukuha niya"

Confirmed. Bestfriend ko nga ang tinutukoy nito. Kelan pa nagkaroon ng lalaking kaibigan si Micah na hindi ko alam?

"Ang bilis mo nmn nakahanap" Marahas na napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.

"G-gabriel?" Gulat na tanong ko.

"The one and only. Boyfriend mo?"

Nang uuyam na tanong nito.

"Wala kang pakialam!"

Biglang tumayo si Gabriel at nagsalita. "Pare, matuto kang gumalang ng babae"

"Bakit? Ano bang ginawa ko? At ikaw Jewel? Nakahanap ka agad ng protector mo?"

"Umalis ka na!"

"Boyfriend niya ko kaya umalis ka na" Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Marco.

Akmang lalapit si Gabriel para hawakan ako pero agad na nagsalita si Marco. "Touch her and you are dead" mahinahon pero puno ng awtoridad na sabi ni Marco.

Halata ang pagpipigil ng galit ni Gabriel. Bago ito umalis ay nagsalita ito.

"You'll be mine"

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon