"Saan tayo pupunta?" Tanong ko dito habang nagmananeho ito papasok ng isang masikip na lugar.
"May park diyan sa loob na gusto kong puntahan"
"Park? Akala ko ba gutom ka?" Nagtatakang tanong ko dito.
Hindi na ito nagsalita at pinarada nito ang sasakyan sa gilid ng park.
Bumaba ito at binuksan ang pinto.
"Salamat"
Ngumiti lang ito.
"Saan tayo kakain dito? Wala nmn restaurant o kahit jollibee dito"
"Dun oh" sabi nito sabay turo sa nagtitinda ng fishball. Sa tabi ng nagtitinda ng fishball ay nagtitinda nmn ng mga isaw. Napanganga nlng ako sa tinuturo nito. Seriously? Diyan kami kakain? Kumakain ba ito dun?
"Seryoso ka?"
"Oo. Bakit? Hindi ka ba kumakain niyan?"
Umiling lang ako.
"You should try it. Masarap yan. Ang tagal ko ng hindi nakakakain niyan kasi wala akong kasama. Boring nmn kumain mag isa"
"Bakit di ka magpasama sa girlfriend mo?"
"Si jen? Asa ka pang sumama yon"
"Di din ba siya kumakain nun?"
"No"
"Bakit ba sa tuwing tinatanong ko yung girlfriend mo, parang hindi ka sure kung si Jen yon? Madami ka bang girlfriend?"
Bigla itong tumawa.
"Flings"
Nanlaki nmn ang mata ko sa sagot nito. Sinasabi ko na nga ba e. Babaero din to!
"Tara na!" Hila nito sakin papunta sa fishball.
Habang tumatakbo kami ay nakatingin ako sa kamay nitong nakahawak sa braso ko. Feeling ko, ibang Marco yung kasama ko. Im seeing his playful side now. Pag nakikita ko kasi ito sa school parang lagi itong seryoso.
"Pili ka na diyan kahit anong gusto mo. Eat all you can!" Nakangiting sabi nito habang tumutusok tusok ng fishball.
"Hindi kaya sakit sa atay ang abutin ko kung eat all you can to?"
"Hindi ah! Malinis kaya to. Diba kuya?" Tanong pa nito sa tindero.
"Aba oo nmn. Malinis yan" nakangiting sagot nung tindero.
"Tikman mo" sabi nito habang nilalapit sakin ang stick ng squidball. "Masarap to. Say ahhh" wala tuloy akong nagawa kundi isubo. "Masarap diba?" Wala sa loob na napatango ako.
Pagkatapos naming kumain ng fishball e dun nmn kami sa nagtitinda ng isaw at barbeque.
"Eat all you can din to" nakangiting sabi nito.
Nakakatuwa itong panuorin habang kumakain. Sinong mag aakala na ang isang Marco Alleje e may childish at playful side? Ganito din kaya sila ng girlfriend niya?
First time kong kumain ng ganitong pagkain. Hindi kasi ako pinapayagan nila mommy kasi daw madumi at hindi masarap pero iba pala talaga ang epekto kung kasama mo yung taong gusto mo. Parang lahat ng pangit nagiging maganda.
Pagkatapos naming kumain ay umupo kami sa ilalim ng puno.
"Nabusog ka ba?" Tanong nito.
Tumango lang ako.
"First time mo?"
"Ha?"
"First time mo kumain ng ganun noh?"
"Ah-oo"
"Good"
"Ha?"
"Wala"
Dumaan ang katahimikan. Nakakabingi.
"Asan nga pala ang parents mo?" Tanong ko dito. May mapag usapan lang.
"Nasa province"
"Bakit sila andun? Tapos ikaw andito?"
"My dad is the governor of Alta de Bay"
"Alta de bay?" Parang alam ko yung lugar na yon ah. May katungkulan kasi doon ang ninong Marvin ko.
"You know that place?"
"Familiar. My Uncle is living there"
"Uncle who?"
"Uncle Marvin. Business partner sila ng dad ko and ninong ko din siya sa binyag"
Tila nagulat nmn ito.
"Marvin who?"
"Nakalimutan ko e"
"My father's name is Marvin Alleje"
Thats it!
"Daddy mo si Uncle Marvin?!"
"Yes. Kung yun nga yung Marvin na tinutukoy mo"
"What a small world" ang liit talaga ng mundo. Sinong mag aakala na ang lalaking gusto ko e anak pa ng ninong ko?
Nang tumingin ako dito ay nakapikit ito. Doon ko pinagmasdan ang muka nito.
May tumutubong buhok ito sa muka na lalo lang nakapagpadagdag sa kagwapuhan nito. Red lips na parang ang sarap halikan. Matangos na ilong. Yung muka nito ay full of arrogance and authority pero may soft side din pala.
"Tigilan mo ang pagtitig sakin. Baka matunaw ako" sabi nito habang nakapikit. Bigla nmn ako napalayo sa gulat. Nang makabawi ako ay hinampas ko ito.
"Hoy! Di kita tinititigan noh! Ang feeler mo talaga"
Bigla nnmn itong tumawa.
"E bakit ka nnmn nagbblush?" Pang aasar nito.
"Hindi ako nagbblush. Mainit lang talaga kaya ako namumula" palusot ko.
"Sus! As if i believe" bulong nito pagkatayo habang nagpapagpag ng pants.
"Anong sabi mo?" Nanliliit ang mata na tanong ko at kinurot ko ito sa tagiliran.
"Ouch! Sadista ka pala" sabi nito habang nakahawak sa nasaktang tagiliran.
"Heh!" Nagmartsa na ko paalis.
"Saan ka pupunta?"
"Sa lugar na hindi mo alam"
"Saan yon? Maynila pa ba yon?"
Lumingon ako dito tska umirap. Tumawa lang ito.
"Bahala ka, malayo pa nmn to sa school. Marami din rapist dito" pananakot nito.
Hala! Paano yan? Baka bukas lumulutang nlng ako sa ilog pasig. Ayoko pa pong marape!
Bigla akong bumalik sa tapat ng sasakyan nito. Kitang kita ko nnmn ang pagtawa nito.
Hay. Mamimiss ko yung ngiti mo pag hindi ko na yan nakita.