CHAPTER 17

17.1K 228 8
                                    

Nagising ako sa gulat ng pabalyang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

Oo, hindi kami sa iisang kwarto natutulog ni Marco.

"Alam mo ba kung anong oras na?! Ha?!" Pagalit na sabi Marco sabay hila ng kumot ko.

"A-ano b-ba Marco. P-pasensya ka na." Naiiyak na sagot ko dito. Hindi ko alam kung saan ako maiiyak. Sa galit na nakikita ko sa mata nito o dahil sa takot ko dito.

"Diba sabi ko dapat handa na lahat ng gamit ko bago ako gumising?! Napakawala mo talagang kwenta!"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nang tingnan ko ito ay lalo lamang itong nagalit nang makitang umiiyak ako.

Lumapit ito sa akin at hinila ang buhok ko upang umangat ang muka ko paharap dito.

"Wag mo kong gamitan ng pag iyak mo. Kung ang mga magulang ko e nauto mo sa mga luhang yan. Pwes! Ako hindi!"

"S-sorry"

"Ikaw ang nagpumilit sa pagsasamang ito. Kaya wala kang karapatang magreklamo!" Sigaw nito sabay bitaw sa buhok ko dahilan upang mapasubsob ako sa unan ko.

Narinig kong gumalabog ang pintuan ko kaya alam kong lumabas na ito.

Agad akong bumangon at naghilamos ng muka. Nagpalit ng damit at bumaba na. Naabutan ko si Yaya Lucy na nagpupunas ng lamesa sa dining room.

"Yaya, Nasa kwarto po ba si Marco?"

"Naku umalis na. Nagmamadali nga. Ni hindi pa nga naguumagahan ang batang yon"

"Ganun po ba?" Malungkot kong sabi.

"Bilin nga pala niya na hindi daw siya uuwi dito mamayang gabi kaya wag na daw akong mag abala maghanda ng pagkain"

"Saan daw po siya magpapalipas ng gabi?" Tila may tinik na tumutusok sa puso ko. Ni hindi man lang ito nagpaalam sakin.

"Hindi niya na nasabi. Hindi ba nagpaalam sayo?"

"H-ho? Ah baka ho nakitang tulog pa ako kaya hindi na nakapagpaalam" Pagdadahilan ko nlng kahit alam kong wala nmn talaga itong balak magpaalam sakin.

"Yaya aalis muna ako"

"Osige. Dito ka ba maghahapunan?"

"Hindi po"

"Sige. Mag iingat ka"

Umakyat na ako para magpalit ng damit. Ang totoo niyan, gusto ko lang magdrive hanggang sa kung saan man ako mapunta. Ayoko magstay sa bahay tutal wala nmn si Marco. Lalo lang ako nadedepress. Bumaba ako at kinuha ang susi ng BMW ko. Siguro sa Tagaytay nlng ako pupunta para makapag isip.

Nagpark ako sa harap ng isang mamahaling restaurant. Kumukulo na ang tyan ko sa gutom dahil hindi nmn ako nag agahan bago umalis.

"Goodmorning Madam. Table for how many?" Bati ng isa sa mga crew.

"Table for one" tipid na ngiting sagot ko dito.

"This way madam" Iginaya ako nito sa pang dalawahang table sa may pinakasulok. Katabi ng bintana na nakadungaw sa Taal Lake. Binigay ko na ang order ko.

Habang naghihintay ako ay napatingin ako sa isang lalaking kakapasok lang ng restaurant. Nakasuot ito ng pantalong maong at white na polo shirt. Wala itong kasama pero parang pamilyar ang muka nito kahit nakashades ito.

"G-gabriel?" Bulong ko sa sarili ko.

___________________________
(A/N: Due to public demand! Charaaaannn!! Here's another chapter 😊 Vote & Comment & Follow me for another chapter)
Love, drpdeadgrgeous

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon