CHAPTER 12

6K 135 0
                                    

Nandito kami ngayon ni mommy sa mall. Magbobonding daw kami. Shopping at make over para sa debut ko sa isang araw. Kasama din namin si Micah dahil nagpromise ako dito na magshoshopping kami.

"Tita, where are we heading now?" Tanong ni Micah kay mommy.

"Dun muna tayo sa botique ng friend ko. Titingin tayo kung may bago silang design" sagot nmn ni mommy. Naglakad kami hanggang sa isang parang cupcake house na botique ng damit. Ang  cute!

"Goodmorning Mrs.Reyes" bati nung saleslady. "Mrs.Javier is expecting you here but she's very sorry because her daughter is in the hospital right now that's why she cant attend to you" hinging paumanhin nung saleslady.

"It's alright. I'll just call her later"

Pinakita nung sales lady yung mga bagong design. Nagsukat kaming tatlo. Now i know why shopping is every girl's bestfriend.

Marami pa kaming pinuntahan na shop. Ang dami dami naming bitbit na paper bag on both hands. Pumunta muna kami sa parking lot para ilagay ang mga pinamili so we can shop for more. Pagbalik namin ng mall ay dun naman kami sa shoes botiques. As usual, sukat dito sukat doon kami. Marami nnmn kaming nabili. Lakad Lakad. Pasok sa ibat ibang shop. Nakabili din nmn kami ng mga underwears and brassiers. Meron pa nga kaming magkakaternong tatlo e. Pumasok nmn kami sa mga make ups.

"Mommy, hindi ako nagmemake up" awat ko kay mommy dahil kung ano ano ang kinukuha.

"Ay nako tita! Ako bahala diyan kay Jewel" sabi nmn ni Micah kay mommy.

"Sige, ikaw na bahala diyan" sagot nmn ni mommy at pinagpatuloy ang pagkuha ng ibat ibang klase ng make up.

Nang makapagbayad kami ay nag aya na ko kumain dahil tumutunog na yung tyan ko.

We settle for a buffet restaurant.

"Friend, ikaw na bahala magbigay ng mga invitation ha? Hindi na ako makakapasok bukas because we'll fly na to Palawan on the afternoon"

Sabi ko kay Micah.

"Yes sure. May mga names nmn ng pagbibigyan yon diba?"

"Oo"

"Sino nga pala ang escort mo?"

Oo nga noh. May mga 18 roses ako pero blanko yung sa escort.

"Surprise pa yung escort niya. Malalaman niya on the day of her debut" sagot ni mommy.

"Wow! May pasurprise surprise pa ha! Baka si prince charming na yon" kinikilig pa na sabi nito.

"Heh! Tigilan mo ko"

Then tumayo na ko para kumuha ng food kaya sumunod na din sila. After namin kumain ay pumasok kami sa isang salon.

"Goodafternoon Philippines and Hello world! Welcome madame" Bati nung baklang stylist.

"I want her to have a total make over. Gusto ko yung hindi siya makikilala" sabi ni mommy. Medyo napangiwi ako sa sinabi ni mommy. Parang ang pangit lang ng dating ko.

"Simple!" Sabi nung stylist. "Loka girls, pasok!" Tawag nito sa mga alipores nito.

Then nagstart na sila. May nagmamanicure, may nagpepedicure at may gumugupit sa buhok ko. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako. Nagising ako sa sigaw nung baklang stylist.

"Perfect!" Sigaw nung baklang stylist.

Naalimpungatan ako dahil ibang tao yung nakita ko sa salamin. Kaya pumikit ulit ako.

"Wow anak, ang ganda ganda mo" narinig kong sabi ni mommy.

"Friend, bongga! Pang miss universe na ang beauty mo!" Sabi nmn ni Micah.

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at gulat na gulat ako sa itsura ko. Hindi ako to. Parang ibang tao yung nakikita ko sa salamin. Magandang buhok na ang shiny shiny. Tumingin ako sa mga kuko ko. Kumikinang kinang pa dahil metallic silver yung kulay. Tumayo ako at umikot ikot.

Nakalayered tapos kulot yung dating walang buhay at straight kong buhok. Mahaba pa rin nmn pero mas maganda na ngayon. Tapos yung kilay ko na dating makapal, may korte na ngayon.

Nang makalabas kami sa salon ay parang lutang parin ako. Ang daming tumitingin sakin. Feeling ko ang ganda ganda ko na. Dati kasi di ako mahilig mag ayos pero ngayon feel na feel ko na.

Pagkarating namin sa bahay ay nagpaalam agad ako kina mommy dala ang mga pinamili namin.

"Mom, Dad, ayusin ko lang po yung mga gamit ko" sabi ko nung nasa may first step na ko ng stairs.

"Sige, ipapatawag nlng kita kay yaya pag kakain na. Ako yung nagluluto ng dinner" nakangiting sabi ni mommy.

Nginitian ko ito at bigla akong tumakbo palapit sa mga ito at yumakap. Nagulat pa nga sila pero niyakap din nila ko ng mahigpit.

"Thank you for everything especially this day. You made me feel alive again" sabi ko at tumakbo na ulit ako paakyat.

Today is one of the most memorable day in my life. I gain confidence and self-esteem within myself.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon