CHAPTER 7

2.3K 28 9
                                    

Elgie POV:

Hindi ko alam ang gagawin ko, lumayas ako sa bahay na walang pasabi at hindi ko alam kung saan ako pupunta, naglalakad ako sa kalsada gutom na gutom nako..

habang lumulakad ako naisipan kung tumawid pero tatawid na sana ako pero may kotseng papunta sa direksyon ko, hindi ako makagalaw... akala ko babanggain ako ng kotseng pero tumigil ito at may lumabas na lalaki.

“What the hell miss? magpapakamatay kaba?” masungit na saad nito.

“S-sorry—” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nandilim ang paningin ko.

Naramdaman ko naman na babagsak sana ako pero may mga bisig ako sumalo saakin.

“Tangina, ano ang gagawin ko. ” Narinig kung sabi niya at tuluyang nawalan na ng malay.

I opened my eyes, tangina asan ako?
nandito ako sa kwartong di pamilyar sakin
the room smell manly.. ang mga pader ay kulay grey.

“You're already awake na. ” someone's said at my back, tumingin naman ako ron, ang lalaking nasa kalsada kanina!

“Kanina habang nag-uusap tayo nawalan ka ng malay hindi ko alam ang gagawin ko kaya naisipan kung dalhin ka sa bahay ko. ” he said seriously

“S-salamat.“ yun lang ang lumabas sa bibig ko.

Umupo naman siya sa tabi ko.

“And also you're pregnant right? ” he said.

Pano niya nalaman?

“P-pano mo nalaman? ” tanong ko sakaniya.

He chuckled.

“I'm a doctor miss. ” he said.

Napa 'ahh' naman ako ron.

“So kailan ka uuwi sainyo? buntis kapanaman ngayon. ” he said.

Uuwi? Wala nakong uuwian...

“Pwede bang... dito na lang muna ako sainyo??
Promise ako bahala sa gawaing bahay, marunong ako magluto, maglaba at maglinis.. ” nahihiya kung saad.

Alam ni shanie ang nangyari sakin, gusto niya sana na doon na lang ako sa bahay niya pero Hindi ako pumayag dahil alam kung doon agad ako hahanapin.

“Sure.... actually naghahanap rin ako ng kasambahay.. ” he said

Tumaas naman ang isang kilay ko, what? Kasambahay?.. Ako?

“HAHAHAHHA! biro lang, sapalagay ko ay estudyante kapa anong year kana? “ tanong niya

“4th year college sir. ” sagot ko sakaniya.

Mukhang mabait naman ang isang ‘to mukha nga lang siraulo, pero malaki ang pasasalamat ko sakaniya dahil ang laki ng tulong niya.

“Ah okay.. pwede na.. “ mahinang bulong niya

“Huh? ” nagugulohan kung tanong.

“Wala, ang sabi ko magpahinga kana. ” saad niya at ginulo ang buhok ko at palabas na sa kwartong to pero pinigilan ko siya.

“Anong pangalan mo? ako nga pala si Elgie but you can call me Elie. ” saad ko.

tumingin naman siya sa gawi ko

“Darren Rafael Santiago miss at your service” he said and winked.

I chuckled ang gwapo niya... pero mas gwapo parin si kuy— never mind.

“Oh okay.. diba kwarto mo to? ”tanong ko naman.

Tumango naman siya

“ahh... pero bakit sa labas ka matutulog? ” tanong ko ulit.

“Bakit gusto mo bang tabihan kita? ” malokong saad niya saakin.

“Hindi.. Sige good night. ” saad ko at humiga na.

“Good night too miss Elie.. ” rinig kung sabi niya at tuluyang sinira ang pinto.

Lord, guide me please... bigyan mo ako ng lakas.. Dahil pagod na pagod nako...

I decided na mag t-transfer ako ng school para di nila ako mahanap.. Ikakasal na si kuya next month, it's hurt but I'm happy to him... kailan kung itago ang anak ko sakanila kahit labag sa loob ko.

Nagising ako dahil biglang tumunog yung alarm, I checked the time it's already 8:15 a.m

Kaya lumabas nako sa kwarto, parang may naririnig akong tawanan

Bumaba naman ako sa hagdan nakita ko naman na may mga babae at lalaki ron, siguro mga friend niya..

Yung isang babae tumingin sa gawi ko at nanlaki ang mata niya

“Hala! May babae! ” sigaw niya at tinuro ako napatingin naman ang iba sakin.

Pumunta naman sila sa direksyon ko maliban sa isang lalaki na parang walang pake.

“kailan pa nagdala ng babae si darren dito? ” narinig kung bulong nung isang babae

Ako lang ba yung dinala niyang babae rito?

“Hi miss! Ako nga pala si—” itutuloy na sana ng lalaki ang sabihin niya pero dumating si darren.

“Back off, Reyes. ” he coldy said tsaka binatukan ng malakas yung reyes ata.

Ang sakit nun.

“aray! Chill lang bro di ko naman siya aagawin, sayo! ” malokong saad ni reyes, apelyido niya ata.

“Nga pala elie sila ang mga kaibigan ko, that's rhea ito naman si Beverly, ito naman si Cy, ito naman si Klara and lastly yun naman si luke. ”
saad naman ni darren, ah si luke pala yun yung walang pake at parang may sariling mundo.

“Ganyan talaga yan sis parang may sariling mundo. ” saad naman nung Beverly ata.

Tumango naman ako sakanila.

They're so kind to me, alam narin nila na buntis ako si Beverly at Luke ay doctor rin pala, napapansin ko rin na parang may something sakanilang dalawa, yung mga tingin nila sa isat-isa iba eh parang may something talaga yung luke hindi siya ngumite saakin kanina pero habang nag uusap sila ni Beverly ngumite siya ehemm.. I smell something fishy..

My greatest love is my brother?! (Pain series#1)Where stories live. Discover now