Chapter 10

676 21 2
                                    

SIMULA nang araw na iyon, hindi na nawala si Jaylord sa isipan niya. Para siyang tangang pabalik-balik sa telepono niya habang hinihintay ang numero na sinendan ng mensahe. Pilit lang din niyang inalala iyon, at hindi niya alam kung iyon ba talaga ang numero nito. Hindi naman kasi niya kinabisado iyon. Nakuha niya din ang numero na nakita niya sa internet nang hanapin ang pangalan nito, pero hindi naman ito ang sumagot. Wala daw Jaylord doon. Nagmumukha tuloy siyang tanga. Gumamit pa siya ng ibang pangalan. Pero tumigil din siya sa pagtawag dito ilang

Kasalukuyan siyang bumibili sa convenience store noon nang mamataan ang pamilyar na lalaki, ang assistant ni Jaylord. Kaagad na hinanap ng mata niya ang binata. Wala ito kaya nagdesisyon siyang lapitan si Sixto.

"M-ma'am, kayo ho pala."

Lumunok muna siya ng laway bago nagsalita. "H-hindi mo kasama si J-Jaylord?" tanong niya rito.

"Hindi po, ma'am. May binili lang ako dito para sa sarili ko,"

"Gano'n ba," aniyang bahagyang bumagsak ang balikat. Pero nag-angat din siya agad at tumingin dito. "P'wede ba akong makahingi ng numero ni Jaylord?"

Napatanga lang si Sixto kaya kaagad niyang binawi. "Sige, 'wag na lang."

Mabilis na tumalikod siya, kinagat niya rin ang labi dahil sa kahihiyang ginawa. Deperada na siya.

"Ma'am!"

Napalingon siya nang marinig ang tawag ni Sixto. Lumapit ito sa kan'ya kapagkuwan at may kinapa. Telepono pala nito ang inilabas. Nagtipa ito ng mensahe at ipinadala sa kan'ya.

"Hindi tumatanggap ng tawag si boss ngayon, kaya puntahan mo na lang po. Nai-send ko na ang address sa numero mo po."

Nagbaba siya nang tingin at sinipat ang hawak na telepono. Binuksan niya at binasa ang mensahe ni Sixto.

Ngumiti siya kay Sixto matapos na basahin ang address.

"Thank you so much. Nandoon ba siya?" Tumango ito kaya mabilis na tumalima siya palabas.

Hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya na-excite nang makita ang address ni Jaylord. Basta masaya siya.

Muli siyang napatingin sa telepono niya kung saan naroon ang address nito. Pupuntahan niya ito ngayon din.

Napakagat siya ng labi nang makita ang malaking bahay ni Jaylord. Kaagad na bumaba siya pagkadating sa harap ng malaking bahay. Pero hindi niya alam kung makakapasok dahil may guard nga pala.

"Nandiyan ba si Jaylord?" tanong niya dito nang lapitan siya nito.

"Sino po sila, ma'am?"

"D-Darlene, Darlene Dixon."

"Itawag ko lang po muna, ma'am," anito pagkuwa'y tumingin sa umbok na tiyan niya. Sa tingin niya, naawa ito. Mabuti na lang pala.

Bumalik ang guard mayamaya at pinapasok siya. Hindi siya nahirapan dahil siguro sa ipinagbubuntis niya.

Hindi mawala ang ngiti sa labi niya nang makapasok sa loob ng malaking bahay ni Jaylord. Nag-angat siya nang tingin bandang silid nito. Baka naroon ito kaya iginiya niya ang sarili sa may hagdanan.

Hindi pa man siya nakakahakbang paakyat nang may narinig na boses ng babae, at mukhang kausap nito ang binata.

Natigilan siya nang makitang papalabas ng silid si Jaylord at isang babae. Ito ang babaeng kasama noon ng binata sa boutique at bar.

So, nagsasama pala ang mga ito sa iisang bubong?

Nagbaba siya nang tingin sa kamay ni Jaylord, nakahawak ito sa beywang ng babae habang kinakausap nito.

Dark Secret Series: Multibillionaire ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon