CHAPTER 12

658 20 1
                                    

AKMANG ilalayo ni Darlene ang sarili kay Jaylord nang hapitin siya nito. Tumama pa ang labi nito sa tiyan niya na ikinasinghap niya. Ramdam niya ang init na nagmumula sa bibig nito.

"Jay," aniya nang magbaba nang tingin sa binata.

Nag-angat rin ito nang tingin sa kan'ya. "I missed you so darn much," masuyong sabi nito.

Bahagyang umawang ang labi niya sa sinabi nito. 'Na-missed rin siya nito?'

Lumabi muna siya bago nagsalita. "Na-missed rin kita, Jaylord. H-hindi ka nawala sa isipin ko kung alam mo lang. Hinahanap-hanap kita kay Blake. Pero nag-iisa ka lang." Ngumiti siya dito at hinaplos ang pisngi nito.

"Talaga ba?"

Tumango siya dito. "H-hindi ka ba naniniwala?"

"Maniniwala lang ako kapag hinalikan mo ako, baby."

Sa narinig, pinagpantay niya ang sarili sa binatang nakaupo. Inilapit niya ang labi sa labi nito na noo'y bahagyang nakaawang.

Napapikit siya nang tuluyang lumapat na ang labi niya dito. Masuyo namang tinugon ni Jay ang halik niya. Pinagsiklop nito ang mga hita pagkuwa'y iginiya siya paupo doon nang patagilid.

"Oh, Jay."

"F*ck!"

Magkasabay na sambit nila nang maupo siya sa kandungan nito. Ramdam niya ang paninigas ng kaibigan nito kahit na nakapaloob pa sa pantalon.

"Na-missed ka rin niya, baby," bulong nito sa kan'ya na ikinainit lalo ng katawan niya.

Yumakap ang braso niya sa leeg nito kapagkuwan.

"Halata nga, Jay. Ang tigas niya. Kanina pa ba 'yan?" lakas-loob niyang tanong dito.

Natawa ito. "Actually, laging nakasaludo 'yan kapag nasa paligid ka. Gustong-gusto kitang angkinin nitong nakaraan pero tinitiis ko, Darlene. Gusto ko, may pahintulot mo."

Napalabi siya sa narinig.

"P'wede ba?" ani pa nito. Sabay haplos nito sa pisngi niya.

Masuyo siyang tumango kaya ngumiti ito nang matamis. Napapikit pa nga ito saglit.

"Let's go sa silid ko,"

Napahigpit ang yakap niya sa leeg nito nang pangkuin siya nito.

"H-hindi ba ako mabigat?"

"Nope." Kinintalan nito ng halik ang labi niya bago ito humakbang. Pero hindi rin nakatiis si Jaylord na hindi siya muling halikan nang makarating sa hagdanan. Siniil nito ang labi niya habang humahakbang paakyat.

"Sandali, akyat muna tayo, Jay."

"I'm sorry. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko."

Hindi niya inalis ang tingin sa binata habang naglalakad ito paakyat hanggang makarating sa loob ng silid niya. Masuyo siya nitong inihiga mayamaya.

"Baby, wait for me here." Hinalikan siya nito sa noo.

"Saan ka ba pupunta?" aniyang nakakakunot ang noo. Naupo siya mayamaya.

"Maliligo lang. Nakakahiya sa 'yo, ang bango-bango mo, tapos ako hindi pa naliligo." Napalunok siya nang maghubad ito sa harapan niya. Wala itong itinira ni isa man.

"Eh, ano naman ngayon? Hindi ka naman amoy mabaho, a."

"I am, baby. Mabilis lang 'to, promise."

"Okay," aniyang nakaingos.

Ngumiti muna ito sa kan'ya bago tumalikod. Ngumisi din siya nang makita ang umbok na pang-upo nito. Parang ang sarap kurutin.

Wala pang tatlong minuto si Jaylord sa banyo niya pero naiinip na siya. Bumaba siya sa kama at hinubad ang saplot. Wala rin siyang itinira gaya ng binata kanina.

Dark Secret Series: Multibillionaire ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon