Chapter 8

701 20 6
                                    

WARNING: MATURED CONTENT  ALERT(R18) Erotic story ito, under PIP collaboration, kaya 'wag magtaka kung madaming bed scene. Alright? HAHAHAH

ILANG beses na tumingin si Darlene sa telepono niya. Bukas na ang check up niya pero wala pa rin si Blake. Sabi nito, dito ito matutulog sa condo, pero pasado alas diyes na, wala pa rin ito. Kaya naman tinawagan niya ito. Nanlumo lang siya nang sabihin nitong uuwi ito sa apartment nito.

May kinuha itong bahay pero hindi pa niya alam kung saan iyon. Wala siyang oras sundan ito dahil sa ipinagbubuntis niya.

Tamad na tamad siyang sundan si Blake para alamin ang mga pinaggagawa nito, talagang ayaw makisama ng katawan niya. Pero malakas ang pakiramdam niya na kaya ito kumuha ng bahay para malaya itong puntahan lagi sa apartment si Kendra.

Simula nang sabihin niyang buntis siya, kakaiba na ang mga ikinikilos nito. Lalo lang siyang naguguluhan. Wala pa itong sinasabi sa kan'ya kung aakuin nito ang anak niya o hindi.

Nakatulog na lang siya kakahintay kay Blake, nagising siya umaga na.

Pagmulat niya, nasa loob na ng silid na inuukupa nila si Blake, nakatunghay ito sa kan'ya.

"Umorder ako ng pagkain, ihahanda ko lang." Tumayo ito at tinungo ang pintuan pagkuwa'y lumabas.

Gan'yan ka-lamig si Blake sa kan'ya ngayon, at nasasaktan siya sa pinapakita nito.

Naligo muna siya bago iginiya ang sarili bago lumabas ng kuwarto. Nadatnan niya si Blake na nasa sofa.

"Hindi ka ba kakain?" aniya.

"Kumain na ako pag-alis," mahinang sabi nito.

"Gano'n ba. Sige."

Malungkot na iginiya niya ang sarili at kumain ng almusal nang mag-isa.

Hindi niya maiwasang ikompara si Blake ngayon noong normal pa ang relasyon nila. 'Yong wala pang Kendra at wala pang bata sa sinapupunan niya. Masaya sila kahit papaano. Kahit abala siya, wala itong sawang maghintay kung kailan siya libre. Basta ang daming pinagbago nito at nagbago lang iyon nang bumalik ito ng Pilipinas.

"After lunch ang schedule natin sa CMC, kaya magpahinga ka muna kung gusto mo." Tumingin siya kay Blake na kakapasok lang sa komedor.

"Salamat, Blake."

"Ginagawa ko ito para sa bata, Darlene." Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. Parang nahihirapan ito sa kalagayan nito. "Let's start over again."

Napaawang siya ng labi sa narinig. 'Totoo ba ang narinig niya mula kay Blake?'

"T-talaga, B-Blake?"

"Y-yes."

"So, dito ka na ulit uuwi?" Hindi maikakaila sa boses niya ang saya nang mga sandaling iyon.

Tumango ito sa kan'ya kaya napatayo siya, at niyakap ito nang mahigpit.

Tama lang pala ang pang-reject niya kay Jaylord, sa alok nito kapalit nang tulong nito. Ngayon niya lang napagtanto na hindi naman pala niya kailangan ng tulong nito.

Matagal-tagal na rin mula nang huli silang magkita ni Jaylord, at may huli siyang mensahe dito, na puputulin na niya ang koneksyon dito. Binura na nga niya ang numero nito. Nalulungkot siya sa desisyon niya, pero 'yon ang tingin niyang tama. Gusto na niyang mag-pokus sa anak at kay Blake. Kaya naging normal sila nitong mga nakaraan ng nobyo. Pinipilit ni Blake na ibalik sa dati ang samahan nila, at na-appreciate niya nang sobra. Handa rin niyang kalimutan ang lahat bumalik lang ito.

Hindi napalis ang tuwang nadarama nang araw na iyon. Lalo na nang magpatingin sila sa pinsan nitong si Nikki. Isang OB-Gyne ito sa Chavez Medical Center at ito ang kasalukuyang doktor niya.

Dark Secret Series: Multibillionaire ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon