One

299 6 0
                                    

Hunt 👨‍⚕
Meet me under the tree, Naya.

Naya 👩‍⚕
Why?

Hunt 👨‍⚕
May sasabihin ako.

Naya 👩‍⚕
About what? Mangongopya ka na naman ba?

Wala akong sagot

Hunt 👨‍⚕
Lakompake kung wala. Pilitin mong meron.

Pero hindi ako mangongompya ngayon. Gumawa ako ng assignment kagabi.

Dali na Naya! Bilisan mo na! Tagal!

Naya 👩‍⚕
Hindi na kita classmate

Pababa na Yosef 😁

Mabilis 'kong ipinasok ang cellphone sa loob ng bulsa ko saka tinakbo pababa ang hagdan upang magtungo sa sinasabing puno ni Hunt.

Madalas kami roon magkita, lalo na kapag wala na kaming pasok. Doon na kami tumatambay at minsan kumain ng tanghalian.

Malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang lalaki. Nakasuot siya ng kulay asul na uniporme ng mga Physical therapist student. . . Nakatayo, ang isang kamay ay namumulsa habang ang isang kamay naman ay hawak-hawak ang kanyang cellphone. . . Nakayuko ito at mukhang abala sa pagtitipa.

"Yosef!" pagtawag ko sa lalaki

Kunot noo itong lumingon sa akin. Mas lalong lumiit ang singkit nitong mata, mukhang nag iba rin ang timpla nito dahil sa pagtawag ko sa pangalan na ayaw niya.

"Yosef!" pangungulit ko

"Azalea!" pagtawag niya sa akin

Napasimangot ako kaagad ng marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Ayaw ko rin ang pangalang Azalea, naiinis nga akong marinig ito ehh.

"Azalea!" nakangisi na siya ngayon

"Tumigil ka nga Yosef!" sigaw ko ng makarating ako sa may harap niya

"Paano kung ayaw ko Azalea?" ngumiti-ngiti pa siya

"Ehh di. . . Babalik na ako sa Nursing Building." ngumuso ako sa kanya saka aakmang tatalikuran siya

"Hoy!" hindi paman ako nakakalakad ng hinigit na ako ng lalaki

"Bakit nga?!" tanong ko sa kanya ng humarap ako

Hunt Yosef Adriano is my childhood friend. Simula pagkabata ay magkakilala na kami. We grow up together that's why we are inseparable.

Hunt is half Korean. Kaya normal na sa akin ang kasingkitan ng mata nito, katangusan ng ilong, kaputian niya at mamula-mula na pisngi. He's 6'3" that's why he's very tall. Hanggang dibdib niya lang ako kaya mabilis niyang nagugulo ang buhok ko o di kaya'y tirisin ako na parang kuto.

Every girls I met likes him.

Even me.

Kaya lang naman nila ako kinakaibigan dahil gusto nila ang lalaki. Hunt is a total hearthrobe. He's like the guy we dream to date from fiction books.

"Wait!" anas ng lalaki saka yumuko at may dinukot sa dalawang bulsa

"Ano yan?" usisa ko, lumapit pa ako sa kanya ng ilang hakbang para maglapit pa kami

"Alin dito ang mas maganda?" ipinakita niya ang dalawang neck tie sa akin. Ang isa ay kulay puti na may kaunting disenyo na stripes habang ang isa naman ay kulay puti lang.

ApartWhere stories live. Discover now