Ten

57 4 0
                                    

Hunt 👨‍⚕
Naya?

Hunt👨‍⚕
Bes?

Hunt👨‍⚕
Busy ka ba?

Hunt👨‍⚕
Okay ka na ba?

Maayos na ba pakiramdam mo?

Text mo naman ako. Nag aalala na ako sa Naya 🥺

Bes?

I'm sorry. Replyan mo ko please 🥺

Please 🥺

Bumuntong hininga ako, binasa ko pa ulit ang huling mensahe niya bago naupo sa kama. Sobrang nakakatamad lang talaga ngayon, bukod sa masakit ang katawan ko dahil sa kakalangoy kahapon ay napagod rin ako sa walang katapusang bangayan nina Minty at Hunt kahapon. Nadamay pa tuloy kami ni Axton.

Hunt 👨‍⚕
Nasa labas ako

Please?

Halos masipa ko ang unan na nasa paanan ko matapos basahin ang mensahe niya. Ano na naman bang gusto ng lalaking 'to?

Naya 👩‍⚕
Bakit na naman Hunt?

Hunt👨‍⚕
Gusto kitang kausapin

Naya👩‍⚕
Para san?

Hunt👨‍⚕
Bumaba ka naman ohh? Kitain mo naman ako. Please.

Gusto kitang makita, Naya.

Naya👩‍⚕
Okay lang ako, Hunt.

Hunt👨‍⚕
Gusto kitang makita

Please 🥺

Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka bumababa

I rolled my eyes after reading.

Naya👩‍⚕
Pagkatapos nito ay uuwi ka na?

Hunt👨‍⚕
Yes, magpakita ka lang sa akin.

Naya👩‍⚕
Sige, hintayin mo ko sa labas.

Nakailang paghinga ako ng malalim bago bumangon sa higaan. Ang bigat bigat lang ng pakiramdam ko ngayon kaya ayaw ko talagang bumangon. Sobrang sakit rin ng mga paa ko at kamay ko pati nga dibdib ko ay masakit.

Bago lumabas ng kwarto ay naisip ko munang ayusan ang sarili, may mga bisita kasi sa baba sina mommy at daddy. Sa totoo nga niyan ay kanina pa sila abala sa baba, akala ko nga ay tatawagin nila ako para tumulong pero hinayaan lang nila ako na magpahinga rito sa kwarto.

Sinuklay ko ng ilang beses ang buhok ko bago i-ponytail ito. Naglagay ako ng kaunting blush sa pisngi at liptint na rin sa labi dahil namumutla ako. Pakiramdam ko tuloy ay magkakasakit ako.

Nang binuksan ko ang pinto ay kitang-kita ko kung gaano kaabala sina mommy, daddy at kuya sa mga bisita.

"Lalabas lang saglit mom, dad!" sigaw ko sa kanila bago tuluyang lumabas ng bahay

Pagkalabas ko ng bahay ay bumungad sa akin si Hunt. Nakasuot ito ng kulay itim na hood, nakatingin sa akin habang pinagmamasdan ako na maglakad papunta sa kinaroroonan niya. May kung ano sa ekspresyon niya na hindi ko maintindihan pero nasilayan ko ang kasiyahan nito sa kanyang mga mata.

ApartWhere stories live. Discover now