Three

62 2 0
                                    


If he's the story,
I will never get tired of reading it

again and again. . .

Naya 👩‍⚕
Bes, I need help.
╯﹏╰

Hunt👨‍⚕
San ka?

Naya👩‍⚕
Library

Hunt👨‍⚕
Papunta na.

Kanina ko pa gustong umiyak dito sa library dahil kanina ko pa hinahanap ang file ng report ko para mamaya kaso hindi ko talaga mahanap-hanap. Ayaw ko namang gumawa ng panibagong report dahil pinag effortan ko yun noong isang araw.

Napamasahe tuloy ako ng sintido habang nakatutok sa laptop. Gusto ko na lang i-pukpok ang ulo ko sa harap ng screen kaso mahal ang laptop at pagagalitan pa ako ni mommy kung sakaling masira ko ito.

Bumuntong hininga ako saka tamad na sumandal sa silya.

"Bes?" sa baritono nitong boses

Nang marinig ko si Hunt ay muntik na akong maiyak. Para akong bata na nawalan ng candy.

"May problema ba?" tanong niya. Batid ko ang pag aalala niya. Hinihingal pa siyang naupo sa tabi ko, siguro ay nagmadali siya papunta rito.

"Bes, hindi ko makita file ng report ko." pagsusumbong ko, "Kanina ko pa hinahanap. Marami na akong ginawa kaso ayaw talaga ehh."

Sa sitwasyon ko ngayon ay gusto ko na lang humagulhol.

"Na try mo bang i-search na lang ang file name?" tanong niya saka inusog ang laptop sa harap niya

"Uhm- oo." naiiyak 'kong tugon, "Kaso wala talaga. . . Bes? Pinag effortan ko yun ehh. Hindi nga ako gumimik dahil gusto ko matapos ako 'don kaagad para mapag aralan ko. . . Tapos-"

"Sssssh.... Hahanapan natin yan ng paraan. Relax Naya." ani niya

Sumandal na lamang ako sa kanyang balikat. Hindi ko na tiningnan kung anong pinagagawa niya sa laptop. Ang tanging ginawa ko ay mag dasal na sana ma recover pa yung file.

"Ano bang title ng file name?" kuwestiyon niya

"NCMReport" sagot ko

"Basic." ngumiti pa siya

"Kainis." kukurutin ko na sana balikat niya ng magsalita siya ulit

"Sige ka, hindi kita tutulungan."

Itinabi ko na lang kamay ko saka ngumuso. Mamaya talaga 'to sa akin kapag na recover na yung file.

"Ginamit mo ba flash drive mo sa internet cafe?"

Humarap ako sa kanya saka umiling, "Pero kasi, hiniram ni Kuya sa akin yan noong isang araw."

"Baka ginamit ni Kuya." tugon niya

I pouted my lips and lean my head on his shoulder again.

"Kaya pa ba yan?"

"Wait." he mumbled

Kaya lang naman kay Hunt ako humihingi ng tulong dahil maalam siya sa ganitong bagay. Dalubhasa si Hunt sa computers dahil may sarili siyang computer room sa bahay. Mahilig kasi siyang maglaro ng computer games. Madalas nasisira niya mga gamit niya dahil sa marahas nitong paglalaro. Kaya kapag may nasisira, siya rin naman umaayos.

Tsaka, wala naman akong ibang takbuhan. Kaya kahit hindi niya alam ayusin ay dapat pilitin niya.

"Bes, hindi kaya pina reformat 'to ni Kuya?" tanong niya, "Wala kasing laman kahit niisang file."

ApartWhere stories live. Discover now