Six

42 2 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing walang pasok o weekend ay nasa labas kami. Imbis na manatili sa bahay, magpahinga dahil sa walang katapusan na exam, projects at return demonstrations tuwing pasukan ay napili pa naming mas pagurin ang sarili.

Tulad ng ginagawa namin ngayon?

Nasa bundok lang naman kami at nag ma-mountain climbing. Hingal na hingal, pawis na pawis habang patuloy na inaakyat ang bundok.

"Akala ko ba malapit na!" reklamo ko

"Malapit na nga." tugon niya

"Ehh bakit kanina pa tayo naglalakad?" sambit ko, "Gaano ba talaga ka lapit ang malapit na yan?"

Madaling araw kaming umalis ng bahay kanina, nagsimula kaming akyatin 'to ng hindi pa sumisinag ang araw. Ang sabi niya ay malapit na raw kami pero kanina pa lumabas si Haring Araw at hanggang ngayon ay hindi pa namin narating ang pupuntahan naming dalawa.

"Sure ka ba talaga dito?" lumingon ako sa kanya saka tinuro ang mapa

"Oo nga." naiinip niyang sabi, "Ang kulit mo"

"Baka naman kasi naligaw tayo." napakamot na ako ng ulo, "Kanina pa tayo naglalakad ehh! Ba't ba kasi hindi tayo nagpasama sa mga tour guide dito?"

"Walang tour guide dito, Naya." tinaasan niya pa ako ng isang kilay

"Wala naman pala. Bakit ito yung inakyat natin? Ehh, ang daming bundok diyan Hunt."

"Eh sabi nila magical ang bundok na 'to." pa simple niyang sabi saka nauna sa akin sa paglalakad

"Magical?" kuwestiyon ko, "Anong klaseng magic? Hogwarts?" ngumisi ako

Bumaling ng saglit sa akin ang lalaki, pinanliitan pa ako nito ng mata bago humarap ulit sa daan.

"Bakit ba kasi Magic?" tanong ko

"Basta may magic nga." sabi niya

"Anong magic nga?"

"Ang kulit mo Naya! Maglakad ka nalang!" naiirita niyang sabi

Nang dahil sa sagot niya ay padabog ko siyang nilagpasan. Binangga ko pa siko ko sa kanya kaya muntik na siyang mahulog.

"Hoy!" sigaw niya pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad paakyat.

Ano ba kasing meron sa lugar na 'to at bakit magical? Ano bang meron sa taas? May diwata ba 'don? Duwende? Kapre? Multo ng bundok?

Tangina! Ano bang iniisip mo Naya?

Napailing na lamang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Naya?" si Hunt

"Ohh? Ano?!" suplada ko siyang nilingon, "Ano na naman? Huwag mong sasabihin na mali talaga ang-"

"I'm courting someone." he smiled proudly as he confessed

That sentence made me froze. I felt a stab right into my chest. I shouldn't be surprise. . . Or get hurt?

Diba sanay na tayo sa ganito Naya? He will court someone. Sasagutin siya. Magiging sila tapos maghihiwalay. Ilang beses na nating na survive ang ganitong phase. . . Pero bakit mas masakit ngayon? Tsaka, bakit kailangan niya pang ipaalam sa akin?

Diba sanay rin naman tayo na may bigla na lang susulpot na babae sa buhay niya? Sa buhay niyong dalawa? Nakaya mo naman yun diba? Nakikisama ka naman.

I gulp then turn my back. I couldn't look at him again because I'm afraid he'll notice the sadness in my face.

I swallowed again.

"Who?"

"Minthy Diaz" he said, I can picture him out telling me her name.

ApartWhere stories live. Discover now