Thirteen

59 2 0
                                    

"Naya, kung sakaling mawala ako ay pipiliin kung bumalik. Hahanapin kita lagi. Gagawin pa rin kitang bestfriend," makahulugang sabi ni Hunt habang nakahiga siya sa kama ko

Napatingin ako sa kanya saka lumunok na parang may bumabagabag sa lalamunan ko.

"Hahanapin rin kita, Hunt." Mahina 'kong sabi. Hindi ko alam kung narinig niya 'yon pero basta-basta na lang siyang bumangon sa kama saka nginitian ako.

"May date kami mamaya," masayang ibinalita niya

Naitikom ko saglit ang bibig ko bago ngumiti. May kung anong pitik sa puso ko. . . Masakit. Mahapdi. Pakiramdam ko sumisikip.

Malapit na bang matapos misyon ko sa kanya? Hindi ko na ba siya makakasama bukas? Hindi ko na ba siya mahahawakan? Bukas ba, pag gising niya ay wala na ako?

"Edi, masaya! Anong oras?" Pinilit 'kong pasiyahin ang boses ko

"Susunduin ko siya mamaya alas syete ng gabi. Tapos, dapat maaga tayong dalawa kasi bibili pa tayo ng bulaklak. Ano ba gusto ng mga babae ngayon? Chocolates o teddy bear?" Maligalig niyang sabi

Kumunot ang noo ko, "bakit tayo? Kailangan ba kasama ako? Try mo both. Pero hindi naman kailangan ng mga ganyan. Ang importante ay sincere ka."

"Alangang hindi? Tsaka, bestfriends tayo diba? Tsaka, diba tinutulungan mo nga akong manligaw kaya dapat. . . Partner tayo!"

Natahimik ako. Kaya ko bang makita na magkasama sila ulit? Magkabalikan kung sakali?

Kakayanin. Huling beses na. Tsaka, baka huling beses ko na siyang makakasama. Hiniling ko 'to sa langit. . . Hiniling ko na sana pabalikin ako. Maayos ko ang lahat bago ako tuluyang mawala. Eto na 'yon, diba dapat maging masaya ako? Tsaka, hindi na iisipin nina Tita at Tito na nababaliw na si Hunt.

"Hoy!" Sabay siko niya, "ayaw mo ba talagang sumama?"

Ngumiti ako nang matamis, "gusto. . .Pero, pwede kapag nagkita na kayo sa sulok na lang ako maghihintay? Ayaw ko kasing maging third wheel."

"Sige ba. Bibilhan na lang kita ng paborito 'mong pagkain para kumakain ka rin habang kumakain kami!" Sabik niyang sabi

Natawa ako, "huwag na. Kakain na lang ako rito sa bahay para hindi dagdag sa gastos. Tsaka, may ipapabili rin sana ako sa'yo!"

"Ayy! Diyan ka magaling!" Tumawa siya, "Ano?"

"White tulip," sagot ko sabay lunok, "kahit isa lang para hindi ka na gumastos ng malaki."

"Gustong-gusto mo talaga ang puting tulip no?"

"Oo, ang ganda kasi." wika ko

"Sige, bibigyan kita ng isang bouquet." Inakbayan niya ako

"Huwag na! Kahit isa lang ay okay na ako roon. Tsaka, ipambili mo na lang ng teddy bear." Saad ko

"Sabi mo 'yan ha!" Wika ni Hunt,

"Oo nga," ngumiti ako ng pilit sa kanya bago tumingin sa baba. Paano kung magkabalikan na sila mamaya? Bigla na lang akong mawawala. Hindi ako makakapagpaalam sa kanya nga maayos?  What if? Huling beses na 'to. Huling beses na niya akong makausap ng ganito at maakbayan?

Lumunok ako ulit. Sumikip ang puso ko. Naiisip ko pa lang ay parang hindi ko kakayanin. Parang gusto ko pang manatili. Alam 'kong bawal, hindi pwede pero gusto ko pa sana siyang makasama.

Walang pasabing bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko na mahahawakan si Hunt. Hindi ko na siya makakasama. Balang araw ay makakalimutan niya rin ako. Balang araw ay isa na lang akong alaala.

"Naya?" Pagtawag ni Hunt sa'kin kaya mabilis 'kong pinunasan ang luha saka tumingin sa kanya.

"Ba't ka umiiyak?" Nagtatakang tanong niya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ApartWhere stories live. Discover now