Eight

56 3 0
                                    

Napapadalas na ang paglabas naming dalawa ni Axton. Napagtanto ko na masaya siyang kasama at magaan sa pakiramdam.

Ipinakilala ko na si Axton kina mommy at daddy, todo imbestiga nga si Dad sa lalaki pero nang sinabi ko at nilinaw sa kanila na magkaibigan lang kami ni Axton ay naging maayos naman ang pakikitungo ni Dad sa kanya.

"Tulungan na kita diyan," tumatawang sabi ni Axton habang kinakalat yung harina

"Ako na dito." reklamo ko, "Manggugulo ka lang ehh," inilayo ko sa kanya ang harina

Pareho kaming nasa kusina ng bahay ngayon. Gusto ko mag bake ng cake para sa wedding anniversary nina mommy at daddy. Ang sabi ko ay ako lang gagawa pero nag presenta talaga si Axton na tumulong pagkatapos ay maaga pa siyang nagpunta sa bahay para batiin lang sina mommy at daddy sa personal.

"Tutulong nga ako." pangungulit niya

"Huwag na nga." sambit ko

"Ehh anong gagawin ko?" kunot noong tanong niya, "Hugasan mo na kamay mo tapos manood ka na lang."

Sumimangot ang lalaki, "Ganon?"

Bumuntong hininga ako, "Kumanta ka kaya."

"Hindi ako marunong no," mabilis niyang sagot

Napatawa tuloy ako ng malakas. Noong isang araw ko pa siya kinukulit na kumanta tapos sinasabi niyang hindi raw siya marunong ehh may nakita akong video niya na kumakanta kaso sintunado nga lang.

"Talaga ba Axton?" ngumisi ako

Umismid ang lalaki.

"Talaga ba?" tukso ko

"Nakakainis ka" mahinang sabi ng lalaki, "Past ko na 'yon." ngumuso siya saka tinitigan ako, "Ginawa ko lang naman 'yon dahil may sinusubukan akong ligawan."

"Hmmm. . ." tumango ako, "Ehh tapos? Anong nangyari? Sinagot ka ba?"

Umiling siya, "Huwag na na'tin pag usapan 'yon."

"Hmmm. . . Okay. Ba't ayaw mong sumubok ulit?"

Ngumiti ng malaki ang lalaki sa akin yung tipong kita ang gilagid, "Nag download ako ng dating app. . . Wait ipapakita ko sa'yo." kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa, binuksan niya ito bago ipakita sa akin

Kunot noo ko naman itong tiningnan at binasa ang description niya sa sarili.

Axton 🏐
The ✨volleyball✨ player
Bola lang ini i-spike hindi ang iyong puso
Promise, harmless 'to👀

"What. . . The. . . Fuck?" putol-putol 'kong sabi bago siya nilingon

"Ay! Nakakainis ka naman." aalisin na sana niya cellphone niya kaso inagaw ko

"Joke lang! Eto naman. Patingin ha?"

"Mag download ka kaya tapos lagyan natin ng description na. . . Naya, the nursing student, hindi pulbo pero may tender loving care, endangered species/rare to find." ngumisi siya

"Wow! Naisip mo yun kaagad? Sobrang talino mo talaga Axton." ngumisi rin ako, "Ginawa mo pa akong endangered species!"

"Oo naman. Matalino talaga ako" proud niyang sabi

"Sa kalokohan."

Magsasalita pa sana si Axton nang pareho kaming tumigil ng bigla kaming makarinig ng pag tikhim.

"Naabala ko ba kayo?" nakataas na ang isang kilay ni Hunt habang tinatanong iyon

"Hindi naman pre." sagot ni Axton, "May pinag uusapan lang kami ni Naya." ngumiti pa siya

ApartWhere stories live. Discover now