Two

90 2 0
                                    

In the middle of the crowd,
I found you.
It was only you.

"Tagal mo ha!" reklamo ko ng pagbuksan niya ako ng pinto, "Pinapasok na ako ni Tita rito!" utas ko

"Ba't hindi ka pa nagbibihis? Tsaka? Ba't hindi ka pa nag aayos?" tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa saka humarap

"Dito na ako mag aayos. Sabi ni Ate Klary ay siya mag me-make up sakin ehh." sambit ko, "Wala sina mommy at daddy sa bahay ehh? Tsaka si Kuya? Wala iyong magandang naidudulot sa akin."

"Anong ginawa mo kanina?" kunot noong tanong niya, "Akala-"

"Akala mo lang. . . Syempre, natulog ako kanina pagdating natin." utas ko

"Ano?!"

"Huwag ka ng mag reklamo." anas ng babae mula sa likod namin kaya sabay kaming napalingon dito

"Hi ate!" maligalig na bati ko sa kanya

"Hi Naya!" sabi ni ate, "Upo ka na 'don. Aayusan na kita" turo niya sa lamesa ni Hunt na may salamin sa harap

Inilapag ni Ate Klary ang mga gamit sa lamesa. Ako naman ay itinabi ko ang damit at sapatos para hindi marumihan.

"Gawin mo muna skin care mo ha? Kukunin ko lang yung curler ko sa kwarto." wika ni Ate saka nagmadaling tumakbo sa labas

Kagaya ng sabi niya ay sinunod ko ito. Ang unang ginawa ko ay nag skin care. Nagpapahid ako ng sun screen sa mukha ng mapansin 'ko mula sa repleksyon ng salamin na naghuhubad na ng pang itaas na suot ang lalaki.

Kitang-kita ko ang katas ng paghihirap niya sa gym. He has abs. His muscles were slightly bulging already which makes him more likeable and desirable.

Kaya pala gustong-gusto siya ng mga girls. Ano kaya pakiramdam mahawakan yan? Sobrang tigas siguro.

Wala sa sarili nakagat ko ang ibabang labi ko.

Nang humarap siya sa akin ay hindi ko sinasadyang diinan ang pagkagat nito kaya tuloy napa aray ako sa sakit.

"Shit!" mabilis 'kong itinungo ang kamay ko sa labi

"Anong nangyari?" sa sobrang bilis niyang lumapit ay hindi ko man lang siya napansin, "Naya? Anong nangyari?"

"Naya?" natatarantang sabi nito

"Ano?"

"Masakit ba ngipin mo?" tanong niya, "May singaw ka ba?"

"Naipit na naman ba gums mo dahil sa braces mo?"

"Ano?"

"Wala! Wala!" sagot ko saka iniwas ang mukha, "Nakagat ko lang labi ko."

The guy chuckled, "Are you hungry? Gutom ka na ba kaya kinakain mo-"

"Shut up!" I rolled my eyes, "Lumayo ka nga sa akin."

"Wow ha!" ginaya pa nito ang mata ko bago lumayo sa akin, "Ako na nga concern, ako pa yung mali!"

"Ehh, ba't ka kasi lumalapit sa-"

"Tama na yan ha!" pagpigil ni Ate, "Hindi na kayo mga bata!"

Pareho kaming natahimik ni Hunt. Limang taon ang pagitan ni Ate Klary sa amin ni Hunt kaya kung umasta siya ay parang pangalawang nanay na namin. Siya yung moderator naming dalawa sa tuwing nag-aaway kami ng lalaki, siya rin yung gagawa ng paraan kapag hindi kami nag iimikan.

"Sorry po ate." sabay pa kaming sumagot ni Hunt

"Sige na, maupo ka na ulit Naya." mando niya, "Ikaw naman Hunt? Mag butones ka nga! Yung katawan mo ohh? Kitang-kita."

ApartWhere stories live. Discover now