Five

49 2 2
                                    

"Good morning my prettiest gorgeous Tita ever!" I kiss her left cheek

"Oh my gosh Naya!" nagulat siya sa biglaang paglitaw ko, hinawakan pa niya ang kanyang dibdib

Tumawa ako ng mahina, "Sorry po."

I like messing around with Hunt's mom. Spoiled na spoiled ako sa mommy ni Hunt, feeling nga ni Hunt ay mas anak pa ang turing ng mommy niya sa akin kumpara sa kanya. Her mom loves me so much. Paano ko nasabi 'yon? Well, she just gave me a ring.

Hindi lang ordinaryong singsing iyon. It's a family heirloom. Galing pa sa ancestors nila kaya sobrang luma na ng itsura nito. Suot-suot ko nga lagi ang singsing. I feel like the ring really belongs to me.

She chuckled, "Kung hindi lang kita mahal baka nasigawan na kita."

Humalakhak ako, "Salamat po tita ha?" inakbayan ko siya, "Love mo talaga ako. Dahil po diyan ay hihingi po ako ng pera sa inyo."

Tumawa ng malakas siya ng malakas, "Ikaw bata ka!" sinapak pa nito ng mahina ang braso ko, "Magkano? Baka niloloko mo na naman ako."

"Joke lang! Magbibigay talaga? Sorry na po." nag peace sign ako

"Nga pala, ba't ka naparito?" tanong niya

"Si Hunt po." tugon ko, "Sabi niya mag be-beach kami ngayon."

"Beach?" nagtaas kilay si Tita, "Eh hindi pa nga gumigising ang lalaking 'yon. Hindi pa nga bumababa."

"Ha? Talaga po?" kumunot noo ko

"Oo. Ba't hindi mo na lang puntahan sa kwarto niya. Gisingin mo. Baka nakalimutan niya." ani nito

"Ahh. . . Sige po tita. Gisingin ko muna."

Nagmadali na akong maglakad papunta sa kwarto ni Hunt. Humanda talaga sa akin ang lalaking yon. Sasakalin ko talaga siya.

Bukas na ang kwarto ng lalaki kaya hindi na ako kumatok, pumasok na ako kaagad. Pagkapasok ko ay nakita ko siya na nagliligpit ng mga gamit at isa-isa itong pinapasok sa loob ng kanyang bag.

"Aanhin mo yan?" usisa ko.

"Gagamitin na'tin doon sa dagat." sagot niya, "Kumain ka na ba?"

"Oo. Bakit?" naupo na ako sa kama niya. Hindi ko na siya tinulungan dahil mukhang hindi niya naman kailangan.

"Buti para hindi sumakit yang tiyan mo."

"Ehh ikaw?"

"Dadaan na lang tayo sa drive thru." seryosong tugon nito habang abala pa rin sa pagliligpit

Hindi na ako sumagot. Ang ginawa ko lang ay sumandal sa headboard ng kama niya habang tinititigan siya. Kaya wala akong reklamo tungkol sa lalaking 'to dahil hindi naman niya ako pinapabayaan. Ang swerte ko nga kasi naging kaibigan ko siya. Simula pagkabata ay hindi talaga nagbago ang ugali nito.

Kaya siguro crush ko siya.

Bukod sa maalaga ay sobrang gwapo niya pa. Mahilig sa sports saka matalino.

Kailan kaya ako mapapansin nito?

Bumuntong hininga ako saka ngumuso. Sa sobrang lakas yata ng pagbuntong hininga ko ay napalingon pa siya sa akin. Kunot ang noo at mukhang nagtataka.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya

"H-ha? Ay. . . Oo naman." ngumiti ako ng pilit

"Ba't ganyan ka kung makahinga?"

"Bakit? Hindi ba pwede?" tinaasan ko siya ng kilay

"Pwede naman." ngumiti siya, "Akala ko lang na gwa-gwapuhan ka sa akin."

ApartWhere stories live. Discover now