Eleven

49 2 0
                                    

Umuwi ako na wasak, halos hindi makapagsalita at tulalang pumasok sa kwarto. May mga bisita pa rin sa labas ng sala kaya pagkatapos naming mag usap ni Hunt ay nagmadali na akong pumasok.

Naupo ako sa kama habang umiiyak sa kawalan. My heart is broken into pieces and even if I told myself that I will get better, even if I console myself I still end up tearing apart.

Sobrang sakit lang ng nararamdaman ko ngayon. Wala akong masandalan, wala akong maiyakan at wala akong mapagsumbungan dahil si Hunt lang naman ang kaibigan na meron ako. . . Mas lalong mahirap dahil siya ang rason ng lahat ng 'to.

Napatakip na lamang ako ng bibig saka humagulgol. Takot akong makagawa ng ingay dahil baka marinig pa nina mommy sa labas ang hikbi ko.

I wish I had the voice to tell him how much I like him, how much I adore every inch of him, how much I love him. I wish I had the guts to tell him that I like him since the day I saw him, that I had a huge crush on him. I wish I was able to tell him that my heart is beating abnormally when I'm with. . .  And when I'm away all I think was him.

Sana nasabi ko man lang sa kanya na nandito lang ako, na lagi siyang hinihintay kahit hindi niya naman sinabi sa akin na hintayin ko siya. Sana nasabi ko man lang sa kanya na pansinin niya ako, tingnan niya ako gaya ng pagtingin niya kay Minty. Sana hindi ako naduwag.

Nandito naman ako ehh? Nandito ako simula pa noon. Hindi ako umalis. Hindi ako lumayo. Nandito lang ako. . . Kaso hindi niya naman ako makita.

Durog na durog ako ngayon, Hunt. Sana hindi na lang kita ginusto, sana hindi na lang kita minahal at sana hindi na lang kita hinintay.

Mas lalo 'kong tinakpan ang bibig ko nang halos lumabas na ang boses ko dahil sa pagtatangis. Taas-baba ang balikat ko habang umiiyak. Nang hindi ko na matiis ay niyakap ko ang sarili at pinilit kalmahin ito. Pero kahit ano man ang gawin ko ay hindi ko mapigilan ang sarili na huwag tumangis.

Buong araw akong hindi lumabas ng bahay, magang-maga na ang mata ko sa kakaiyak pero pinilit ko pa rin ang sarili na bumangon at magsulat. Isinulat ko ang mga bagay na gusto 'kong maranasan mula kay Hunt na hindi niya nagawa. Inilista ko iyon lahat.
*****
Kinabukasan ay nakangiti akong binati si Hunt, ilang beses pa akong nagpractice ng ngiti sa harap ng salamin para ma perfect lang ito. May pamamaga pa sa mata ko pero hindi naman halata.

"Hunt!" sigaw ko, "Hunt!"

"Naya!" ngumiti rin ang lalaki, dahan-dahan itong naglakad patungo sa akin

"May naisip na akong gawin para kay Minty" panimula ko

Kumunot ang noo ni Hunt nang makalapit na siya sa akin, pinagmasdan pa ako nito saglit bago nagsalita, "Ano?"

"Eto ohh?" ipinakita ko sa kanya ang mga nilista ko kagabi, mga bagay na gusto 'kong gawin niya para sa akin pero dahil alam 'kong hindi naman niya ako ganoon kagusto kagaya ni Minty ay gusto ko nalang itong masaksihan na ginagawa niya ito sa iba. . . Oo, masakit pero kakayanin ko.

Halos magpantay na ang kilay ni Hunt nang tanggapin niya ang papel. Nakita 'kong binasa niya ito isa-isa bago ako tiningnan at mas kinunotan pa ng noo.

"Huwag mo 'kong tingnan ng ganyan," ngumisi ako, "Tinutulungan lang kita na bumalik sa'yo si Minty. . . Tsaka, malay mo baka effective rin 'to."

May kung ano sa mata ni Hunt na hindi ko mapagtanto, umiling siya ng ilang beses bago magsalita.

"Kung magkakabalikan kami? Hindi ka ba mawawala?" nahimigan ko ang pag aalala niya

"Hindi nga!" sabi ko, naitulak ko pa siya, "Ang kulit kulit mo ha! Kahapon ka pa."

Dinilaan ni Hunt ang kanyang ibabang labi, "Sige, sabay na tayo sa school ngayon tapos mamili tayo ng bulaklak sa flower shop."

ApartWhere stories live. Discover now