Four

55 4 0
                                    

Maybe all I want was
to see you smile. . .

Hunt 👨‍⚕
Free ka ba today?

Naya👩‍⚕
Yeah. Why?

Hunt👨‍⚕
Are you bored?

Naya👩‍⚕
I'm reading a book.

Hunt👨‍⚕
What book? MedSurg?

Naya👩‍⚕
Nope. Young adult.

Hunt👨‍⚕
I'm bored.

Naya👩‍⚕
Dota?

Hunt👨‍⚕
Sakit sa eyes
👀

Naya👩‍⚕
Then, sleep.
😑

Hunt👨‍⚕
Bookstore? 📚

Naya👩‍⚕
I'll think about it.

Pilitin mo muna ako. 🤪

Chege na nga. Pinipilit mo ko ehh.

Hunt👨‍⚕
I'm outside.

Nag uusap kami ni Tita tungkol sa tanim niya.

Mas mahal pa yata niya halaman niya.

Napatingin ako kaagad sa bintana matapos basahin ang mensahe niya. Paglingon ko ay kumakaway-kaway na siya sa akin habang nakangisi ng malaki.

"Tara!" pag aya niya

"Wait!" sigaw ko, "Mag aayos lang saglit."

"Naku! Hindi pa yan naliligo Hunt." ani ni mommy, "Maligo ka na Azalea!" sigaw niya

"Kaya pala mabaho" tukso ni Hunt sabay tawa ng malakas

"Naririnig kita!" sigaw ko

"Garden ni tita. . . May mabaho." palusot niya sabay tingin kay mommy. Nagbubulong-bulungan pa silang dalawa na hindi ko naman marinig kaya umakyat na ako ng kwarto para maligo.

Matapos akong naligo ay nagpunta ako kaagad sa sala. Wala si Hunt at mommy roon pero rinig ko ang mga boses nila mula sa kusina.

"Buti na lang talaga Hunt ay nariyan ka lagi para kay Azalea." rinig ko kay mommy, "Ewan ko na lang talaga sa batang yan. . . Kung hindi ka naging kaibigan niyan ay hindi talaga yan lalabas ng bahay."

"Tita naman" nahihiyang sabi ni Hunt

"Basta mag iingat lang kung sakaling maglalakwatsa Hunt ha?" boses ni Daddy yun

"Opo naman tito." sagot ni Hunt, "Iniingatan ko kaya yan."

"Dapat lang talaga."

"Dad, ba't mo naman tinatakot si-"

"Hindi naman po ako natatakot tita." pagsapaw ni Hunt, "Alam ko po sa sarili ko na kaya ko 'pong alagaan si Naya. . . Kaya kapag ako kasama ni Naya, tito. Huwag na huwag kayong mag aalala dahil iingatan ko po siya higit pa sa sarili ko."

"Pero kung ibang lalaki po. . ." he made a tsss sound, "Gaya ni ano. . ." hindi niya tinapos, "Basta huwag kayong magtitiwala sa ibang lalaki tito."

I heard Daddy chuckle, "Kaya paborito talaga kita Hunt ehh!"

Kapag ganito na linyahan ni Daddy ay alam ko na kung anong susunod na sasabihin niya.

"Ano? Kailan mo ba liliga-"

"Tara na Hunt!" sabay paglitaw ko, umarte pa ako na kakarating ko lang

Lahat sila ay lumingon sa akin. Pinasadahan pa ako ng tingin ni Daddy at mommy bago sila tumingin kay Hunt.

ApartWhere stories live. Discover now