Nine

57 4 1
                                    

"Alam mo ba dati kami ni Hunt, nagpupunta kami 'don tapos-" natigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Axton

"Okay ka lang ba?" hinarap ko ang lalaki, hinawakan ko pa ang balikat nito pero tinanggal niya agad ang kamay ko, "M-may problema ba?" nagtataka 'kong tanong

Lumunok ng marahas ang lalaki, nakita ko pang dinilaan niya ang kanyang ibabang labi bago tumingin sa akin ng masinsinan.

"I-is everything-"

"Bakit hindi mo na lang aminin sa akin ngayon na kaya ayaw mo magpaligaw dahil gusto mo ang bestfriend mo!" diretsong sabi niya

My jaw slowly drop. I was surprise by his statement.

"Nakita ko kayo Naya!" may diing sabi niya at halos pasigaw na 'to, "Kitang-kita ko kayo sa dalawang mata ko. . . Gusto mo siya eh! May kakaiba sa inyo!"

Isinara ko ang bibig, lumunok muna ako bago magsalita, "A-anong pinagsasabi mo Axton?"

"Sa party ng daddy mo," mahina niyang sabi, "Nakita ko kayong nagsasayaw dalawa. Nagyayakapan."

"He's my friend, Axton." I reason out, "Normal kung makita 'mong nagyayakapan kami."

"No!" Axton shook his head, "Sobrang halata na, Naya!" napahilamos pa siya sa kanyang mukha, "The way he touches you! The way you respond to his touches! The way you put your hands on his shoulder! The way he put his hands on your waist!" he shouted, "Yung tinginan niyo, Naya! Lintik na tinginan yan ehh! Yung mga mata mo! Mga mata niya!"

Napalunok ako ng marahas. Nakatitig lang ako sa kanya pero hindi ako makapagsalita.

"Ano? Wala kang masabi?!" utas ni Axton, "Naya, sa loob ng ilang buwan nating pagkakaibigan puro si Hunt lang ang bukambibig mo! Siya na lang lahat! Ehh, sa ganito si Hunt, ganito kami ni Hunt, napuntahan namin 'to ni Hunt, paborito namin 'to ni Hunt! Puro si Hunt! Hunt na lang palagi!" sigaw niya sa akin, "Paano naman ako, Naya?" hinihingal niyang kuwestiyon sa akin, "Saan ako lulugar diyan sa puso mo? Hanggang dito nalang ba talaga ako?"

Umiling ako.

"Kailan mo ko bibigyan ng space sa puso mo? Kailan mo ko-"

"Tama na yan!" isang pamilyar na boses ang nagpatigil kay Axton, "Hindi kasalanan ni-"

"Ohh? Nandito ka na," ani ni Axton, sabay pa kaming tumingin kay Hunt na kasulukuyang kasama si Minty, "Alam mo ba 'yang boyfriend mo at etong bestfriend niya-"

"Tama na yan," kalmadong sabi ni Hunt pero may pagbabanta

Ngumisi si Axton, "Bakit? Ayaw mo ba sabihin ko sa girlfriend mo ang sinabi mo kay Naya noong nasa kusina ka'yo?"

Kumunot ang noo ko. Narinig niya 'yon?

"Tumigil ka na Axton. Walang sinabi si Hunt sa akin," pag de-deny ko

Axton chuckled playfully, "For fuck sake! Magpakatotoo ka naman, Naya! Narinig ko ang usapan niyo kaya huwag ka ng mag deny."

"Na ano?" tanong ni Minty, sumabat na rin ito, "Na ano, Axton?" pinagtaasan niya pa ako ng kilay bago tumingin kay Axton

"Wala babe," sabat ni Hunt saka hinawakan si Minty sa kamay, "He's just being delusional."

Napatingin ako sa mga kamay nilang dalawa. Hunt interlace his fingers to Minty and held it tight. Lumunok ako ng mahina bago tumingin sa pagmumukha ni Hunt. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib habang nakatingin sa kanya.

"Anong wala? Why is he talking like that? Kayo lang ang nandon sa party kaya-"

"Friends lang kami ni Naya, babe." pagklaro ni Hunt, "Hanggang pagkakaibigan lang kami. Diba, Naya?" tumingin ang lalaki sa akin

ApartWhere stories live. Discover now