Twelve

107 5 3
                                    

Tulad sa nangyari kahapon, bago magpunta sa eskwelahan ay pupunta muna kami sa flower shop para bumili ng white tulip. Tulad kahapon ay humingi rin ako sa kanya ng isang piraso mula sa bouquet.

"Nakapag practice ka kagabi?" tanong ko habang nakayukong inaamoy-amoy ang tulip

"Oo" tipid na sagot ng lalaki

Lumingon ako sa kanya saka tinitigan siya. Kanina pa masama ang timpla ni Hunt, hindi masyadong nagsasalita kaya nakakapanibago.

"May problema ba?" usisa ko,"Sira ba string ng gitara mo? May hindi ka ba makuha?"

"Nothing, Naya" he mumbled

"Alam 'kong meron. . . Ano?" nagtaas ako ng isang kilay, "Spill it"

Hunt took a deep breathe, "Nagkasagutan lang kami ni Ate kagabi."

"Ohh?" gulat na saad ko, "Nag sorry ka na?"

Umiling siya, "Ayaw ko sa gusto niya."

"Why?" I asked

Pagod na bumaling sa akin si Hunt, medyo namamaga ang kanyang mata siguro ay naiyak siya kagabi dahil sa sagutan nila ni Ate. Ganon ba talaga kalala para mamaga mga mata niya?

"I can't. Hindi pwede. Hindi ko kaya" putol-putol na sabi niya

"Ano nga 'yon Hunt? Anong problema?" tanong ko

Tahimik siyang umiling, bumuntong hininga saka nag pokus sa pagmamaneho. Dahil 'don ay wala kaming imikan sa loob ng kotse niya. Hinayaan ko na lang din siya dahil alam 'kong wala siya sa mood.

Nang makarating kami sa eskwelahan ay inabot ko kaagad sa kanya ang bouquet at ang gitara niya.

"Tingnan mo siya sa mata habang kumakanta ka tapos kumanta ka na galing talaga sa kaibuturan ng puso mo para feel na feel," bilin ko

"Hindi mo ko sasamahan?" tanong niya

I shook my head fast, "You don't need back up singer. Ikaw pa? Ganda kaya ng boses mo."

"Bola!" ngumiti siya ng matamis, inabot niya buhok ko saka ginulo ito, "Pagbalik ko mamaya? Nandito ka pa?" nahimigan ko ang pag aalala

"Oo naman!" kunot noong sabi ko,"Saan naman ako pupunta aber?"

"Uhmm. . . Wala."

"See?" nagtaas ako ng isang kilay, "Kaya umalis ka na! Puntahan mo na si dream girl!" pagtaboy ko sa kanya

Huminga ng malalim ang lalaki, masinsinan niya akong tiningnan bago ako hinila at ginapos gamit ang makikisig niyang braso.

"Hoy! Ano ba?!" reklamo ko, "Okay ka lang ba?"

Hunt made a hmmm sound, embracing me more tighter and sniffing my hair.

"Hoy!" pinalo ko braso niya

"I miss you" he whispered

I gulped after hearing those, my hands slowly slip after what he said and my smile slowly faded.

"I miss you, Naya" he whispered again, "Huwag mo 'kong iwan. . . Please" pagmamakaawa niya

"Hindi naman kita iiwan, Hunt" mahinang sabi ko, "Nandito lang ako sa tabi mo."

"Huwag mo 'kong iiwan ha?" lumuwang na ang kapit niya

Tumango ako, "Oo, hindi kita iiwan" mapait 'kong sabi

Nanatili kaming ganoon ang posisyon. Mas lalo akong hinagkan ni Hunt hangga't sa binitawan na ako nito.

"Wala ka bang pasok?" tanong niya ulit

"May meeting ulit sina ma'am" mabilis 'kong sagot, "Uhmm. . . Whole day"

ApartWhere stories live. Discover now