MAAGANG NAGISING si Ezra nang mag-umaga na. Dumiretso siya sa banyo at inayos ang kaniyang mukha. Tinitigan niya ang mukha sa salamin at muling nanumbalik ang nangyari kahapon.
After Roi said those words, nawalan siya ng ganang lapitan ito at magpapirma. Nang magsimula ang fanmeeting, hindi siya lumapit. Gustuhin niya mang umalis pero, naisip niya si Alyssa. Hiniling nito na makasama siya sa birthday nito kaya hindi siya umalis.
Nag-text lang siya sa kaibigan na maghihintay muna sa isang coffee shop sa mall doon. Hindi na siya kinwestyon ni Liezel, Crisa o ni Alyssa.
"Gago ka, Ezra. Bakit ka nasasaktan?" tanong niya sa sarili nang maalala ang sagot ni Roi kahapon. "Alangan namang ipagsigawan ng tarantadong 'yon kung paano ka niya iniwan noon," aniya at bahagyang binatukan ang sarili.
Iwinaksi niya sa isip ang lalaking 'yon at inayos na lang ang sarili niya. Nang lumabas siya sa banyo, nakita niya si Liezel na nasa kwarto niya.
"Ginagawa mo dito?" tanong niya. Liezel showed her a phone. Napapikit siya dahil sa liwanag ng phone nito.
"Liwanag naman," aniya.
"Ay, sorry!" agad binawasan ni Liezel ang brightness sa cellphone niya at muli iyong hinarap kay Ezra.
Nakita niya ang isang post sa facebook mula sa manager ng Atlantis. Tahimik niyang binasa 'yon at nang matapos basahin ay napatingin siya kay Liezel.
"Oh, tapos? Ano gagawin ko d'yan?" nagtatakang tanong niya.
Liezel sighed. "Hindi ka ba interesado? Naghahanap ka ng trabaho, hindi ba?"
Ezra was fired from her previous job. Isa siya sa empleyadong napiling tanggalin nang magbawas ito ng trabahador. She was disappointed. Maganda ang trabaho niya sa supermarket noon pero, palugi na ito at isa siya sa minalas na natanggal.
Ngayon, naghahanap siya ng trabaho pero, wala pang tumatawag sa kaniya mula sa mga in-applyan niya.
But, she will not apply in that job. Ayaw niya.
"Ezra, ito na oh. Trabaho na ito, ayaw mo?" Liezel asked when she saw Ezra's expression. Nang hindi umimik si Ezra, itinabi na ni Liezel ang cellphone niya at hinarap si Ezra.
"Masakit pa rin?" maingat na tanong niya sa kaibigan.
Tumingin sa kaniya si Ezra at umiling. "Hindi na. Ayoko lang na mapalapit pa sa kaniya ulit," sagot niya at sumandal sa headboard ng kama niya. "Gustong-gusto kong magtrabaho ulit, oo. Sabi ko sa sarili ko na kahit anong trabaho, papatusin ko basta lang kumita ulit ako ng sarili kong pera. Nahihiya na rin kasi ako sa inyo ni Alyssa..." aniya sa kaibigan.
"Pero, ang mag-apply at magtrabaho bilang P.A niya? Ayoko..." pag-amin niya. "Ayoko hindi dahil sa mahal ko pa siya. Ayoko dahil pinipili ko ang sarili ko," dagdag niya.
Ayaw niya nang mapalapit kay Roi, sa lalaking nangwasak sa puso niya noon. Siguro naman, hindi siya makasarili dahil lang iniiwas niya ang sarili niya sa sakit.
Tama na ang pagsasayang ng oras niya noon sa lalaki. Naalala niya ang mga panahong nagpupuyat siya makausap lang ang lalaki. 'Yong panahong sinasamahan niya ito sa mga auditions at screenings. 'Yong panahong pinapalakpakan niya ito sa tuwing kinakantahan siya ng binata. Inilaan niya ang oras niya sa pagsuporta sa pangarap ni Roi pero, sa huli ay iniwan din siya nito matapos matupad ang pangarap.
"Sigurado ka na? Sakto kasi na nag-text din sa akin si Angel at naghahanap nga daw ng P.A para kay Roi dahil nag-resign 'yong dating P.A dahil sa health issues." Tumayo si Liezel at tumingin sa kaniya.
"Naiintindihan ko ang rason mo, Ezra pero, kung sakali... kung sakali lang naman na magbago ang isip mo, bukas ang application form para sa 'yo," huling sabi ni Liezel bago lumabas ng kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Boundless
Romance[SOON TO BE PUBLISHED] Everyone deserves a second chance however, are you willing to give one to the person who already wounded you? To the one who abandoned you? Roi Niccolo Kingston had aspirations of being a singer, and Ezra Marie Crisanto did no...