Special Chapter: Drei x Liezel

72 9 0
                                    

Happy Valentine's Day, Liezel Joy! Stay strong sa inyo ng bebe mo!

LIEZEL ROLLED her eyes when her client started complaining about the make-up. How many times she prayed for guidance for her to be calm and not smash the large make-up kit against this bitch's face. Nagtitimpi lang siya.

"Let me do it again, okay?" hilaw ang ngisi niya at medyo may pwersang iniharap ang mukha ng maarteng babae sa kanya.

She did the make up again and finally, the woman didn't complain. Akala niya, may mahahampas na talaga siya ng make-up kit eh.

Gabing-gabi na nang makauwi siya mula sa trabaho. Pagod na pagod siya kaya nakatulog kaagad siya pagbagsak pa lang niya sa kama.

It was another day. Naglalakad siya patungo sa isa pa niyang trabaho maliban sa pagiging make-up artists at fashion designer. She went inside the architectural firm and greeted the guards.

Being a make-up artist is only her hobby. Hindi niya naman talaga ipu-pursue ang trabaho. Talagang kinailangan niya lang noon ng extra kita pero, ngayon ay ayos na. Anytime ay p'wede na siyang tumigil sa pagiging make-up artist at mag-focus na lang sa pagiging fashion designer pero... unti-unti na rin siyang nawawalan ng ganang mag-design ng mga damit.

Fashion Designing is never her choice. She wants to be a lawyer but, her adoptive parents forbid her to do so. Ilang taon siyang namuhay na inaaral ang kursong hindi naman niya gusto. People says that in the middle of your journey, you'll learn how to love things you don't used to love but, in her case, it's different. Yes, she enjoyed Fashion but, Law is the only dream she wants.

So, she secretly study for it. Magastos, oo pero, sinubukan pa rin niya. She accepted many jobs just to earn finance enough for her studies without the help of her parents. Wala naman itong pakealam sa kaniya kaya hindi na rin niya papakialaman ang mga ito.

She's studying law secretly. Hindi niya alam kung kailan ipapaalam sa mga kaibigan ang ginagawa niya pero, ipapaalam din naman niya. Kapag may oras siya.

"Senior Li!" Liezel closed her eyes in irritation.

Anong Senior Li? Gago ba ito?

"Senior Li! Wait lang!"

Humabol ang makulit na lalaki sa kaniya kaya napabuntonghininga na lang si Liezel. Isa pa ito sa pinoproblema niya, ang kulit ng lalaking ito. Minsan, mas gusto niyang nasa condo siya kaysa nasa school dahil nangungulit ang lalaki.

"Kumain ka na?" tanong ng lalaki pero, hindi pinansin ni Liezel ang tanong nito.

"Ako, kumain na. Naparami kain ko! Nakaka-drain kasi 'yong lesson ngayon ni prof! Ikaw ba, Senior Li? Hindi ka ba napagod sa lessons niyo?"

She may be irritated to him sometimes but, his concern towards her makes her heart warm. Maliban sa mga kaibigan niya, walang ibang tao na naging concern sa kaniya. Itong makulit na lalaki lang na ito.

"Exam na sa susunod na linggo. Saan ka magre-review? Dito sa school o sa bahay niyo?" tanong muli ng lalaki pero, nanatiling walang imik si Liezel.

Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya kaya kinuha niya 'yon at nakita ang mensahe mula kay Crisalyn.

Nagyayaya ang mga ito na mag-bonding. Agad tiningnan ni Liezel ang schedule niya at nang makitang may bakante siyang oras, agad siyang pumayag.

"Senior Li, saan ka?" tanong ng lalaki.

Bumuntonghininga si Liezel at humarap. "P'wede ba? 'Wag mo akong tawaging Senior Li. Saka, aalis ako ng school, may pupuntahan ako," sabi niya saka iniwan doon ang lalaki na napanguso.

BoundlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon