SOMETHING CHANGED and Ezra could see it. Something changed in Roi's facial expression when he saw his father. His eyes held a mixture of emotions. Fear, confusion and pain. All of it inside Roi's eyes.
"Son, long time no see," Mr. Kingston stated and patted his son's shoulder. Nanatiling tahimik si Roi at hindi kinibo ang anak.
Manager Ree smiled at them and turned to Roi's father. "Sir, tapos na rin naman po sila sa shoot. You can talk to Roi at the office," sabi nito.
Wala na ring nagawa si Ezra nang umalis si Roi kasama ang tatay nito. Hindi niya alam ang gagawin. Susundan ba niya at itatanong kung may trabaho pa siya?
Lumipas ang oras, nagtatanghalian na lahat at hindi pa rin bumabalik si Roi at ang tatay nito. Si Manager Ree lang ang bumalik. Nag-aalangan man siya pero, sinubukan niyang lumapit dito.
"Manager Ree..." aniya. Tumingin sa kaniya ang babae. Napakurap naman si Ezra dahil nakangiti ito sa kaniya.
"Yes?"
Napalunok si Ezra at napatikhim. "Ahm, itatanong ko lang po kung nasaan si Roi? May kailangan pa po ba akong gawin ngayong araw?" dahan-dahang tanong niya.
Tumayo si Manager Ree at tinapik ang balikat niya pero, hindi niya alam kung bakit hindi siya nakampante habang nakangiti ito sa harapan niya.
"You may go home. Roi is with his father right now. You aren't needed so, you may go home. Take care," nakangiting sabi ni Manager Ree na parang hindi nakaka-offend ang sinabi nito. Tumalikod na ito at bumalij sa ginagawa.
Nailibot na lang ni Ezra ang paningin sa mga tao. Lahat sila ay nagkukwentuhan at parang masaya, siya lang yata ang hindi. Siya lang yata ang hindi mapakali at mabigat ang loob.
Gusto niya talagang makausap si Roi pero, hindi pa rin ito bumabalik.
"Ezra!" she heard Deiv calling her. Nang lingunin niya ito, nakita niyang sinesenyasan siya ng mga kagrupo ni Roi na lumapit.
Hindi na siya nag-atubiling lapitan ang mga ito. Nakakahiya rin kung hindi niya lalapitan ang mga ito gayong sila na ang tumawag sa kaniya.
"Upo ka dito, Ezra!" Inaya siya ni Angel na maupo sa tabi nito kaya sumunod naman kaagad siya. "Kain ka oh, hindi rin naman namin ito mauubos."
"Salamat," nakangiting sabi niya habang nilalagyan ni Angel ng kanin ang plato niya. Inabutan naman siya ni Jayzee ng ulam at nginitian.
"Sabi ni Aly, kahit daw P.A ka ni Roi, alagaan ka daw namin. Yari ako sa kaibigan mo kapag nagutom ka," natatawang sabi ni Jayzee.
"Par, hindi ka lang kay Alyssa malalagot," sabi naman ni Deiv. "Pati rin pala kami malalagot kay parekoy kapag napabayaan natin ang bebelabs niya," dagdag nito.
Kumalabog ang dibdib ni Ezra pero, nanahimik na lang siya at hindi na nagtanong.
"Hindi pa bumabalik si kuys, ayos lang kaya siya?" Ruiz asked, earning Ezra's attention.
Mukhang alam ng mga kagrupo ni Roi ang tungkol sa ama nito. Alam din ba nila kung gaano itrato ni Mr. Kingston si Roi noon? Siguro ay alam nila kaya nag-aalala sila kay Roi ngayon. Kahit papaano ay nakahinga nang maluwag si Ezra dahil nalaman niyang may mga taong nag-aalala para kay Roi.
She's glad that Roi found friends like his groupmates.
"Ayos lang 'yan si Roi. Sakalam 'yon eh," sabi ni Deiv na parang pinapagaan ang loob ng bunso pero, hindi pa rin mapakali si Ezra.
Sana nga ayos lang si Roi.
.
"BAKIT KA nandito?" malamig na tanong ni Roi sa kaniyang ama nang ayain siya nitong mag-usap. He suddenly wanted to exit the room to get his father out of his sight.
BINABASA MO ANG
Boundless
Romance[SOON TO BE PUBLISHED] Everyone deserves a second chance however, are you willing to give one to the person who already wounded you? To the one who abandoned you? Roi Niccolo Kingston had aspirations of being a singer, and Ezra Marie Crisanto did no...