ROI REALLY DID EVERYTHING for her to feel comfortable. Kapag magpapatulong ito, magpapaalam muna siya kung p'wede ba siya nitong hawakan para magpaalalay. Pumayag din si Roi sa ni-request ni Ezra na sa sofa siya matutulog. Mabuti at may malaking sofa si Ruiz sa kwarto nito at pansamantalang inilipat 'yon sa kwarto ni Roi para matulugan ni Ezra dahil, bihira din namang umuwi ang mga kamyembro ng binata dahil sa rehearsal.
Hindi rin naman maiwasan ni Ezra na matuwa dahil napapansin niya na tinutupad ng binata ang sinabi nito. Nararamdaman din niya na unti-unting nawawala amg pagkailang niya. Unti-unti siyang nasasanay na pagsilbihan at alalayan si Roi.
Isang linggo pa lang ang nakakalipas pero, nararamdaman na ni Roi na medyo gumagaling na ang binti niya. Naiaapak na niya 'yon sa sahig nang hindi masyadong nasasaktan pero, hindi pa rin niya hinahakbang dahil baka mabigla ang binti niya.
"Hey, 'wag ka munang maglakad nang maglakad at baka imbis na tuluyang ka nang gumaling, mapahamak ka pa," saway kaagad ni Ezra nang maabutan siya na sinusubukang maglakad paikot sa kwarto niya.
Roi flashed her a smile. "Paano ako gagaling kung ibuburyo ko ang paa ko?" nakangiting tanong niya. "'Wag kang mag-alala, hindi na gano'ng masakit saka, nag-iingat naman ako eh," sabi niya sa dalaga.
Napailing na lang si Ezra at inilapag ang dala niyang ice cream para sa kanilang dalawa. Nagdesisyon kasi sila na manood na lang para makapaglibang naman sila.
"Anong movie ang gusto mo?" tanong ni Roi habang nakaupo siya sa kama niya at si Ezra ay sa sofa nakaupo, kaharap lang niya kaya malaya pa rin niyang nakikita ang mukha ni Ezra.
Ezra looks at her. "'Wag na lang kaya movie ang panoorin natin? Mag-stream tayo sa music videos niyo!"
Natigilan si Roi dahil sa sinabi nito. Inabangan pa niya na bawiin nito ang sinabi pero, nakangiti lang si Ezra ang hinihintay ang sagot niya.
"Ano? Gusto mong panoorin 'yong music videos namin?" paninigurado niya. Sumandal si Ezra sa sofa at tumango sa kaniya.
"Alam mo kasi dati, hindi ako masyadong nakakanood sa videos o nakakapakinig sa music niyo. Kahit pa halos araw-araw magpatugtog si Aly ng kanta niyo sa bahay, hindi ko pinapansin..." Napangiti nang maliit si Ezra at napansin 'yon ni Roi.
"Pangit ba 'yong mga kanta namin?" mahinang tanong ni Roi at iniwas ang tingin kay Ezra. Mabilis ding napalingon si Ezra nang marinig ang tanong ng binata.
Ezra knows deep inside her that their song are the best. Hindi pangit ang mga kanta ng grupo. Alam niya sa sarili niya kung bakit hindi niya pinapansin ang mga musika ng grupo dati at hindi 'yon dahil sa pangit ang mga kanta nila.
"Naalala kasi kita kapag naririnig ko ang kahit anong kanta niyo," diretsong sabi ni Ezra at napaiwas ng tingin sa lalaki. Nilingon siya nito at pinakatitigan.
Roi couldn't stop his heart from beating so fast. Faster than the usual pace. The beating of his heart is familiar for him. Gano'n na gano'n ang pagtibok ng puso niya kapag nandiyan si Ezra at hindi niya napigilan ang mahinang pagtawa nang mapagtanto na hindi pa rin talaga nagbabago ang nararamdaman niya.
"Nakakainis kasi kahit saang lupalop ako magpunta, puro tungkol sa grupo niyo ang naririnig ko. Atlantis dito, Atlantis doon. Roi Niccolo dito, Roi Niccolo doon. Nakakainis lang isipin na bakit gwapong-gwapo sila sa 'yo, eh ang pangit mo naman?" Ezra rolled her eyes but instead of feeling insulted, Roi just stared at her in amusement with a smile on his lips.
Grabe, ang lakas ng tama ko sa babaeng ito.
"Naisip ko nga no'n na bakit tinitilian ka ng mga tao? Talentado kayo, oo. Kayong lima, sobrang talented pero, ikaw..." Ezra glances at him.
"Hindi ka lang talentado, tarantado ka rin."
Roi's eyes widened. "Hey!" saway niya pero, tinawanan lang siya ni Ezra kaya hindi niya maiwasang hindi sumimangot.
Tarantado ba talaga ako?
"Nakakasakit ka na, ha? Grabe ka ka-harsh sa akin. Sumbong nga kita tapos, sabihin ko bawasan 'yong sweldo mo," pagbibiro niya pero, inirapan lang siya ni Ezra.
"Totoo naman. Panget ka na nga, tarantando ka pa," sabi ng dalaga.
Roi didn't feel insulted nor mad with the words she called him. Tarantando nga naman talaga siya, hindi maikakaila. 'Yong panget... well, pagbigyan na. Ang mahalaga, kinakausap siya ni Ezra nang hindi ito naiilang.
She can call him whatever names as long as she's comforfable with him.
"Ikaw nagsulat ng bago niyong kanta, tama? Ikaw din ba nag-direct ng music video niyo?" tanong ni Ezra na sinimulan nang kainin ang ice cream niya.
Roi looks at his ice cream and chuckled when he noticed that it's already melting. Nagsimula na rin siyang kumain matapos niyang i-play ang music video nila mula sa YouTube.
Request ni Ezra, bakit tatanggihan?
"Yes, I wrote the lyrics but, I'm not the one who directed the music video. Wala akong talent sa gano'n," sabi niya at bahagyang natawa.
Pareho silang tahimik habang pinapanood sa flat screen TV ni Roi ang music video ng grupo. It was the pre-chorus part and instead of watching the music video, Roi turned his head towards Ezra when his part came without knowing that Ezra is already looking back at him.
"Ayoko nang maranasan
Paghihirap na pinagdaanan
Bumalik ka na, aking tahanan
Babalik ka ba sa 'ting tahanan?"Roi's recorded vocals filled the room as they both stared at each other. The meaning of the song slowly sinks inside Ezra's mind. Ayaw lang niyang aminin dahil natatakot siya.
Natatakot siyang umasa na para sa kaniya ang kantang si Roi mismo ang nagsulat.
Ezra's tears unexpectedly fell making Roi snapped out of his reverie. Agad nilukob ng takot at kaba ang puso niya nang makita ang luha nito.
"Ezra..." Roi tried to stand up and walk towards her. Pinilit niya ang sariling makalapit kay Ezra at maupo sa tabi nito.
"C-can you... can you let me know why are you crying? Ezra, I'm worried," nag-aalalang sambit ni Roi. Gusto niyang hilahin ang dalaga at yakapin palapit sa kaniya pero, baka hindi komportable si Ezra.
Ezra's tears continue falling and Roi didn't know what to do anymore.
"Ezra..." nag-aalala niyang tawag sa dalaga. Unti-unti itong lumingon sa kaniya at doon niya nakita ang panginginig ng labi nito na parang pinipigil ang pag-iyak.
"Ezra, b-bakit? May nagawa ba ako? Bakit ka umiiyak?" Kating-kati na ang kamay ni Roi na punasan ang luua ng dalaga pero, pinipigilan niya ang sarili niya.
Ezra sobbed while looking at him. She just cried while staring at him. She cried because those questions that she badly wanted to forget is slowly penetrating her mind. She badly wants to ask Roi but, she's afraid of the answer that she'll hear.
Natapos ang kanta at natahimik na sa kwarto pero, wala pa ring gumagalaw sa kanilang dalawa. Roi is waiting for her to say something but, Ezra's just looking at him, contemplating and fighting with her mind.
Tatanungin ko ba siya o paiiralin ko ang takot ko?
She contemplates until, her mind finally decided.
"Roi, p'wedeng magtanong?" mahina ang boses na tanong niya. Napaayos naman ng upo si Roi at walang alinlangang tumango.
"Ano 'yon?"
Huminga nang malalim si Ezra at pinakalma ang sarili bago, tuluyang itinanong ang bagay na gustong-gusto niyang mabigyan ng kasagutan.
"N-naging hadlang ba talaga ako sa... sa pangarap mo no'n?"
BINABASA MO ANG
Boundless
Romance[SOON TO BE PUBLISHED] Everyone deserves a second chance however, are you willing to give one to the person who already wounded you? To the one who abandoned you? Roi Niccolo Kingston had aspirations of being a singer, and Ezra Marie Crisanto did no...