IT'S ANOTHER day of looking for a job. Maagang nagising si Ezra para sumubok ulit pero, hindi pa man siya nakakapagbihis ay may malakas na nagbukas ng pinto niya.
"Ezra! Magandang morning!" Natulala siya sa masiglang bati ni Liezel sa kaniya. Kasunod nito si Crisa at Aly na parehong mga nakangiti sa kaniya.
Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Bakit parang ang sasaya niyo?" tanong niya sa mga kaibigan.
Liezel excitedly showed her phone to Ezra. "Pinapatawag ka ng manager ng Atlantis!"
Napanganga si Ezra at mas nanlaki ang mata. "B-bakit? Anong... anong kasalanan ko?" Kumabog ang dibdib niya sa kaba. Hindi niya alam kung bakit siya pinapatawag ng manager ng grupo.
May nagawa ba siyang issue nang hindi niya alam? Eh teka! Paano siya nakilala ng manager ng grupo? Anong meron?
"Magbihis ka na at sasamahan ka namin sa agency!" Alyssa exclaimed. Tinulak siya nito papunta sa banyo at hindi nagawa ni Ezra na magreklamo dahil nag-iisip pa rin siya kung anong kasalanan niya. Napailing na lang si Crisa sa naging reaksyon ni Ezra.
"Nakalimutan niya yatang siya mismo ang nag-apply doon sa form," bulong ni Crisa na ikinatawa ni Liezel.
"Do you know how happy Roi is when he found out? Mukha nang timang kakangiti," sabi nito habang pinapanood si Aly na pinapagalitan si Ezra dahil nakatulala pa ito.
Crisa smiled. "He's still into her?"
Gumuhit ang mas malawak na ngiti sa labi ni Liezel. "He's still and always will," sagot nito at naglakad na papunta kila Aly at Ezra. Nakisali na rin siya sa pagpapakilos kay Ezra.
Ilang minuto pa ang lumipas, natagpuan ni Ezra ang sarili na nakatingala sa mataas na building sa tapat niya. It states the name of the agency Atlantis belongs.
DreamZone Entertainment
It's one of the most famous agency worldwide and she couldn't believe that she'll get to enter the agency. Ano ba kasing meron?
"Tara!" sabi ni Liezel at hinila siya papasok. Bumungad kaagad sa kaniya ang ganda ng loob ng gusali.
The interior's all black and gold. May nakita pa siyang cafeteria sa gilid. May elevator din at nakita niya ang ilang lalaki na kakalabas lang ng elevator. Ang babata pa. Parang nasa 16 or 17 pa lang ang mga ito. Siguro ay talents din under ng agency.
Lumapit sila sa reception at agad nitong nakilala si Liezel. Ngumiti ang babae sa reception.
"Saan kayo, Zel?" tanong nito.
"Nandiyan ba si Manager Ree sa taas?" tanong nito at tinaas ang kamay niyang hawak. "She's Ezra and Manager Ree wants to talk to her," sabi nito.
Tumango ang babae at ngumiti. "Sa office sa taas. Akyat na kayo," sabi nito. Mabilis na nagpasalamat ang mga kasama niya pero siya ay tahimik pa rin.
Umakyat sila gamit ang elevator at pinanood niya kung saang floor sila hihinto. Nang umabot sa ikalimang oalapag, huminto at nagbukas ang elevator.
Isang malawak na pasilyo ang bumungad sa kaniya pagbukas ng elevator. Gaya ng sa ibaba, may linings din itong black at gold. Napakakintab ng sahig at nakita niyang may posters na nakadikit.
"Uy, ang pogi ng loves ko dito talaga!" Tinuro ni Alyssa ang isang poster ng grupo na nakapaskil sa pader. Sumulyap si Ezra doon at agad ding inalis ang tingin.
Bakit ba kasi siya nandito? Paano kung nandito ang lalaking 'yon?
"Dito na tayo," sabi ni Liezel nang huminto sila sa tapat ng isang pinto. May nakalagay ditong Atlantis at nang mabasa 'yon ay hindi na magkamayaw ang kabog ng dibdib ni Ezra sa kaba samantalang si Aly ay excited pa dahil makikita niya daw ang boyfriend.
BINABASA MO ANG
Boundless
Romance[SOON TO BE PUBLISHED] Everyone deserves a second chance however, are you willing to give one to the person who already wounded you? To the one who abandoned you? Roi Niccolo Kingston had aspirations of being a singer, and Ezra Marie Crisanto did no...