18.

172 18 1
                                    

GABI NA NANG maihatid ni Manager Ree sina Ezra at Roi sa condo ng grupo. Nagbilin pa ito na kung may kailangan o kaya naman ay may problema, tawagan lang siya o kaya ang isa sa mga ka-myembro saka ito umalis.

Tahimik lang silang dalawa nang maiwan sa kwarto ni Roi. Napatingin kaagad si Ezra kay Roi at napansin nito na mukhang gustong magbihis ng binata pero, hindi makatayo kaya agad siyang lumapit sa cabinet nito.

"Ako na ang kukuha ng damit mo, 'wag ka nang tumayo," sabi ni Ezra na nagpatigil kay Roi. Naramdaman niya ang pagtingin ng binata pero, hindi niya pinansin at kumuha lang ng itim na jersey sando at shorts. Naglakad siya palapit kay Roi at inabot ang damit.

"Kaya mo bang magbihis?" tanong niya.

Roi Niccolo nodded. "Kaya ko na, salamat..." aniya bago tumingala sa kaniya. "Can you... uhm, cook dinner for us?" tila nag-aalangan na tanong ni Roi.

Tumango si Ezra at inilapag ang damit sa tabi ni Roi bago siya lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakahanap siya ng ingredients para makapagluto ng paboritong ulam ni Roi.

Sinigang na Bangus.

She started cooking dinner when she remembered that she needs to call her friends to let them know where she is. Hindi na siya nakapagpaalam kay Liezel kanina dahil nag-aalala siya kay Roi. They'll surely bombard her with texts and calls if she wouldn't contact them.

She heard a door opening and when she looks back, she gasped when she saw Roi, obviously having the hard time to walk.

"Roi Niccolo!" she exclaimed, currently pissed seeing Roi walking around. Nagkatinginan sila ng lalaki kaya agad niya itong tinarayan.

"Bakit naglalakad ka d'yan? Sabi na ng doktor na 'wag kang masyadong lumakad dahil hindi pa magaling 'yang paa mo!" sermon niya sa lalaki at pansamantalang iniwan ang niluluto para puntahan si Roi.

Hinawakan niya ang kamay ng lalaki at ipinalibot ito sa balikat niya. Naiinis siya dahil sa katigasan ng ulo ni Roi. Sinabi na ngang 'wag nang lumakad dahil hindi pa magaling pero, nandito ito ngayon.

"Gusto kong panoorin kang magluto," Roi's soft mumble stopped her. Bahagya niyang nilingon ang lalaki at dahil magkalapit sila ay kitang-kita niya ang pagnguso ng lalaki na parang isang bata na hindi pinayagan ng nanay na maglaro.

Natigilan siya at wala nang nagawa kung hindi ang alalayan si Roi patungo sa kusina. Hindi na siya nakipag-away dahil naalala niya ang niluluto niya. Isa pa, amo niya ito kaya dapat hindi siya ang magdedesisyon para dito.

Pinaupo niya si Roi sa upuan doon at saka siya bumalik sa pagluluto. Tahimik silang dalawa habang hinahalo ni Ezra ang niluluto niya.

"Is that Sinigang na Bangus?" tanong ni Roi, bakas sa boses nito ang tuwa at excitement kaya nilingon siya ni Ezra at tinanguan.

His eyes sparkled in joy and it made Ezra's heart throbbed faster. The excitement in his eyes made her remember their past.

How he loves it when she cooks Sinigang na Bangus for them. How his eyes sparkled everytime he'll taste it. How he tells her he loves her whenever they are eating together. All of it flashes again.

Hindi talaga niya maiwasang maalala ang lahat kapag nariyan si Roi.

Nang matapos magluto, naghain kaagad si Ezra ng ulam at kanin para sa kanilang dalawa. Nagtira rin siya ng ulam dahil baka umuwi ang mga kamyembro ni Roi.

"Salamat," nakangiting sabi ng binata sa kaniya. Napatingin lang si Ezra sa kaniya habang magana itong kumakain. Sarap na sarap ang binata at patuloy sa pagkain kahit mainit pa ang kanin at sabaw.

BoundlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon