37.

150 11 0
                                    

MAAGA PA lang ay sinundo na ni Roi si Ezra sa condo nito. Nakasuot ng cap at mask ang binata para hindi siya gaanong pagkaguluhan sa labas. Gusto niyang ma-enjoy ang date nila ni Ezra. Gusto niyang maranasan na maka-date ulit ito sa publikong lugar.

Nakasuot lang ng simpleng dress si Ezra. Hanggang ibaba ng tuhod ang haba nito dahil hindi rin siya sanay sa maikling dress. Nakasuot rin siya ng rubber shoes na puti. Nakalugay lang ang buhok niya habang may suot din siyang facemask. Meanwhile, Roi's wearing a black shirt tucked in his black pants. Itim na itim ang porma ng lalaki, mula sa sumbrero nito hanggang sa sapatos.

Una silang nagtungo sa orphanage na kinalakihan ni Ezra. Bumili sila ng pasalubong para sa mga bata bago sila nagtungo doon.

Ezra and Roi didn't want an extravagant date. Pareho nilang naisipan na puntahan ang ampunan na kinalakihan ni Ezra bilang parte ng date nila. Gusto nilang simple lang lahat at hindi masyadong magastos.

Nang nakarating sila doon, agad nilang pinara ang tricycle at bumaba doon. Nagtulong silang dalawa sa pagbuhat ng mga pasalubong bago tuluyang pumasok doon.

"Magandang umaga po!" bati ni Ezra nang makita ang mga madre na mukhang kimukwentuhan ang mga bata. Lahat sila ay napalingon sa direksyon mg dalawa at tuwang-tuwa na tumakbo palapit.

"Ate Rara!"

"Kuya Nicco!"

Agad ibinaba ni Roi ang bitbit at inalis ang suot niyang sumbrero. Ibinaba niya ang mask niya pero, hindi niya 'yon inalis sa pagkakasabit. Sinalubong niya ang yakap ng mga bata. Maging si Ezra ay naibaba na rin ang bitbit at niyakap ang mga bata.

"Kumusta kayo? Nagpapakabait ba kayo kela sister dito?" tanong ni Roi sa kanila at ginulo ang buhok ng isang batang lalaki.

"Opo, Kuya Nicco!"

"Roi at Ezra! Kayo pa lang dalawa 'yan. Naki! Nakakatuwa naman at binisita niyo kami dito! Lalo ka na Roi, buti at nagkaroon ka ng oras na bumisita gayong sikat na sikat kang singer," sabi ni Sister Antonette na lumapit sa kanila. Katabi nito si Sister Esther na nakangiti rin.

"Siyempre po, mahalaga din po sa akin ang lugar na ito. Nagustuhan ko po dito mula nang mag-perform kami para sa mga bata dito," sagot ni Roi at nilingon si Ezra. "Isa pa, dito lumaki si Ezra na babaeng mahal na mahal ko po," pag-amin niya na siyang nagpagulat sa nakarinig.

"Kuya, girlfriend mo po si Ate Rara?" tanong ng isang batang babae sa kaniya. Muling ngumiti si Roi at humawak sa kamay ni Ezra.

"Girlfriend ko na siya pero, nililigawan ko pa rin siya kasi gano'n ko siya kamahal," sagot niya na nagpangiti kay Ezra. Ang mga madreng nakarinig ay napangiti naman dahil sa sinabi ng binata.

"Eh kuya, 'di ba po nanliligaw lang para maging girlfriend mo po? Bakit po nanliligaw ka pa rin kung girlfriend mo na si ate?" kuryosong tanong ng isang batang nasa labing-lima ang edad. Tinapik ni Roi ang ulo ng batang nagtanong saka siya ngumiti.

"Nanliligaw ang isang lalaki sa babae, hindi para sagutin lang sila at basta na lang maging boyfriend. Nanliligaw sila kasi mahal nila 'yong babae at gusto nilang patunayan sa babae na mahal na mahal nila ito. Ang panliligaw, ginagawa para maparamdam mo sa taong mahal mo na mahalaga siya, mahal mo siya at gusto mo siyang makasama kaya kahit opisyal na kaming magkarelasyon ng Ate Rara niyo, nililigawan ko pa rin siya kasi gusto kong patunayan sa kaniya na mahal ko siya at mahalaga siya sa akin," mahabang paliwanag ni Roi.

Malambing na nakatitig si Ezra kay Roi habang nagpapaliwanag ito. Hindi niya akalain na ganito pala ang mindset ni Roi pagdating sa panliligaw. Hindi niya akalain na ganito pala siya kahalaga kay Roi at mas lalong hindi niya akalain na may magmamhal sa kaniya katulad ng pagmamahal na ipinaparamdam sa kaniya ni Roi.

She felt contented. She felt special. She felt loved. Roi made her feel those and she has no intentions to let him go. Not again.

Niyaya sila ng mga bata na makipaglaro. Hindi sila nagdalawang isip na makipaglaro sa mga bata at natutuwa naman silang pinapanood ng mga madre doon.

"Si Ezra, palaging mag-isa 'yan noong bata pa siya. Wala siyang kalaro dito noon at palagi lang nasa sulok. Tingnan niyo naman ngayon, napakasaya na niya at napakaganda pa," sabi ni Sister Esther na siyang nag-alaga kay Ezra noon.

"Mabuti po at nakahanap siya ng taong pahahalagahan siya gaya ni Roi. Napakabait din ni Roi at mapagkumbaba. Kahit libo-libo na ang tagahanga, hindi siya nagyayabang," sabi naman ni Sister Antonette na mukhang kinikilig pa rin sa dalawa.

"Ipagdadasal ko na sana ay silang dalawa na hanggang sa huli."

.

"BA-BYE PO!" sabay-sabay na sabi ng mga bata habang kumakaway nang magpaalam na sila Roi at Ezra na aalis na. Alas tres ng hapon nang umalis sila dahil gusto nilang ituloy ang date nila.

"Ba-bye! Magpakabait kayo, okay?" Ezra reminded them. Nagpaalam silang dalawa sa mga madre doon bago sila umalis.

Dumiretso sila sa isang baywalk sa tabing-dagat. May mga nagtitinda ng street foods doon at talagang napakabango ng amoy no'n.

"Roi, bili tayo nung kalamares!" sabi ni Ezra at tinuro ang stall na nagtitinda ng kalamares.

"Uy, na-miss ko 'yan!" sabi ni Roi at hinila na si Ezra papunta doon. Agad silang bumili ng kalamares na halagang bente pesos. Nilagyan nila ito ng suka at saka kinain.

Nang maubos nila ang kalamares na kinakain, sunod nilang binili ang pritong isaw na bagong luto pa. Tuwang-tuwa sila habang kumakain ng mga street foods. Halos mabilhan nila ang lahat ng tindahan doon at nang mauhaw ay bumili sila ng buko juice na naroon.

"Buti dito tayo kumain, kung sa restaurant tayo kumain, baka isang libo ang nagastos natin tapos, hindi man lang humagod sa lalamunan natin 'yong sarap ng pagkain," sabi ni Ezra habang may malawak na ngiti sa labi.

"Street food dates will always be my favorite. Lalo na kung ikaw ang kasama ko," sabi naman ni Roi at marahang kinurot ang pisngi ni Ezra.

Nang malapit nang maggabi, dumiretso na sila sa parke na paborito nilang puntahan. Nakabukas na ang mga ilaw doon na nakasabit sa mga puno kaya maliwanag na ang buong parke.

"Alam mo ba na pinangarap kong makita ang mga ilaw na ito nang kasama ka? Gusto kong magkasama tayong ine-enjoy ang ganda ng paligid dito," sabi ni Ezra at humalik sa pisngi ni Roi. "Ngayon, natupad na. Nandito na tayo at magkasama. Bumalik tayo dito matapos nang ilang taon," sabi niya.

Roi went behind her and hugged her. Ipinatong niya ang baba sa balikat ni Ezra saka marahang sinayaw ang katawan nila. The cold night wind embraces them as they embrace each other while dancing slowly.

"Mahal na mahal kita, Ezra," bulong ni Roi at pinatakan ng halik ang balikat ni Ezra.

"Hmm, mahal na mah—" Naputol ang sasabihin ni Ezra nang tumunog ang cellphone ni Roi.

"Istorbo," bulong ng binata bago nakasimangot na humiwalay kay Ezra. Kinuha nito ang cellphone niya at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Si Manager Ree, sagutin ko muna," pagpapaalam ni Roi bago humalik sa noo ni Ezra.

"Okay, punta muna ako sa banyo," paalam din ni Ezra. Tumango si Roi sa kaniya bago nito sinagot ang tawag. Tumalikod na rin si Ezra para pumunta sa banyo.

Walang masiyadong tao sa pampublikong banyo na nasa gilid lang ng park. Agad siyang pumasok at ginawa ang dapat niyang gawin. Napasimangot pa siya dahil mukhang naparami ang kain niya kanina ng street foods.

Ilang segundo siyang nanatili doon bago siya natapos. Agad niyang binuhusan ang toilet bowl at nang masigurong malinis na ay lumabas na siya pero, hindi pa man siya nakakahakbang nang may humila sa kaniya.

Akala niya ay si Roi 'yon pero, nagulat siya nang makitang hindi niya kilala ang lalaking humila sa kaniya.

"S-sino ka?" kabadong tanong ni Ezra pero, hindi siya sinagot. Sa halip ay naramdaman niyang may kamao na tumama sa tyan niya kaya napaawang ang labi niya sa sakit.

"T-teka..." awat niya pero, muling sinuntok ang tyan niya at tinakpan ang ilong niya. Hindi na siya nakalaban at tuluyan nang nawalan ng malay.

"Ezra! Hoy, saan niyo siya dadalhin?!" sigaw ng isang lalaki na sinubukang habulin ang sasakyan kung saan hinatak si Ezra pero... hindi niya naabutan.

BoundlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon